"Bye Dad, love you din po." Sabi niya saka humalik sa pisngi ng ama.

"Ano baby girl, pasok na tayo? Kanina ka pa pinagpapantasyahan ng mga tao dito." Yaya sa kanya ni Gerald nang makaalis na ang Daddy niya. Kinuha nito ang kamay niya at ipinatong sa braso nito. "Bye the way, you look so beautiful tonight."

Pinitik niya ito sa tenga "Bolero!!!"

"Hindi kita binobola ha, totoo ang sinasabi ko, tingnan mo nga halos lahat napapalingon sayo."

"oo na sige na...teka, mukha atang may nakakalimutan ka, mister hindi po ako ang ka partner mo..." sabi niya saka binitawan ang braso nito.

Mabilis naman nitong hinila ang kamay niya saka inipit ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri nito (interlocking fingers). "Hindi pa naman nagsisimula eh..."

"Ikaw ha, nakakarami ka na..." sabi niya matapos tingnan ang mga kamay nila.

Hindi nagtagal nagsimula na rin ang program. Nagsimula ng tumugtog ang orchestra, naglakad na siya papunta sa stage hawak-hawak ang torch na nagsisimbolo ng kanyang pagiging Miss Liberty. Nakasunod naman sa kanya ang iba pang mga muses hawak-hawak rin ang mga sumisimbolo sa kanila. Nabawasan ang nararamdaman niyang kaba ng makita niyang all eyes sa kanya ang mga bisita. Tumayo siya sa pinakagitna ng stage, nasa likod niya ang Miss Education, Miss Alma Mater, Miss Wisdom, Miss Justice at ang Binibining Pilipinas. Nasa bandang kaliwa niya ang representative ng Junior at sa kanan niya ang representative ng Senior na sina Gerald at Megan. Isa-isa na ring naglakad at umakyat ang mga juniors at seniors upang sindihan ang mga hawak-hawak nitong kandila sa torch na hawak-hawak niya.

20 minuto pa lang ang nakakalipas pero nagsisimula ng mangalay ang binti at braso niya. Lumingon siya sa bandang kanan niya, nakita niya si Gerald, ang laki ng ngiti nito habang naka abrasyete si Megan. "Buti pa tong mokong na to nag-eenjoy samantalang ako dito hirap na hirap, kung bakit ba naman kasi nag heels pa ako."

"Sa okay ka lang?" tanong nito ng mapalingon sa gawi niya, inirapan niya lang ito.

"Kaya nga hindi ko kinuha yan eh..."narinig niyang sabi ni Megan. "Hindi raw kinuha, assuming naman to, hindi niya kinuha kasi hindi naman inalok sa kanya. Lokohin mo lelang mo..." bulong niya sa sarili. "ahh Ge, san ka pala mag kacollege?" maarteng tanong nito sa binata.

"ewan, hindi ko pa alam eh. Kung saan si Sarah dun din ako..."

Napangiti siya sa sagot nito. "Nanay mo na pala ngayon si Sarah noh?..." narinig niyang sinabi ni Megan. "Lord tulungan niyo po ako, baka hindi ako makapagtimpi masunog ko ang pagmumukha ng babaeng to."

Sa wakas natapos na rin yung program. Naidiliver niya naman ng maayos yung speech at nagpapasalamat siya sa Diyos dahil dun.

"Napagod ka noh?" tanong sa kanya ni Maja.

"Sinong hindi mapapagod dun, isa't kalahating oras din kaya akong tumayo." Sabi niya habang inuunat ang kamay.

"oo nga eh, kahit nga ako medyo nangalay din, pero infairness sayo ha, ang galing mo kanina." Puri nito sa kanya.

"thank you naman..."

"asan nga pala si Gerald?" tanong sa kanya ni Fred.

"aba malay ko, bakit sakin mo hinahanap? Hanapan ba ako ng mga taong nawawala?"

"sungit naman nito, tinatanong lang eh. Sayaw na nga lang tayo Maj, baka mahawa pa tayo dito sa isa..."saka hinila ang pinsan.

Naiwan siya na masama ang timpla mukha, hindi naman talaga totoo na hindi niya alam kung nasan si Gerald dahil sa totoo lang kanina niya pa ito sinusundan ng tingin. Naiinis siya na nakikita niyang masaya ito kasama si Megan, panay ang hampasan at bulungan. Naiinis siya dahil nakasama lang nito ang dalaga ay nakalimutan na siya. Tumingin siya ulit sa direksyon ng binata pero nagulat siya ng hindi niya na ito makita. "Nasaan na yun?", luminga-linga siya sa paligid.

"your looking for me noh?" Nagulat siya ng marinig ang boses nito mula sa likod niya. Lumingon siya para makita ito, napapikit siya ng makitang ang lapit ng mukha nito sa kanya.

"huwag kang gumanyan baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko mahalikan kita." Sabi nito sa kanya. Nag-init ang mukha niya dahil sa sinabi nito, dumilat siya saka tumalikod dito.

"Lika sayaw tayo..." yaya nito sa kanya.

"ayoko, kung gusto mo kayo na lang nung Megan mo ang sumayaw..."

"Megan ko?"nakakunot-noong tanong nito sa kanya. "Lika na nga sayaw tayo bilis, kanina ka pa nakaupo diyan eh..." sabi nito habang kinikiliti siya sa tagiliran.

"ano ka ba, ayoko nga sabi eh...masakit ang paa ko..."

"ganun ba? Eh di samahan na lang kita dito." Sabi nito saka kumuha ng isang upuan at tumabi sa kanya. "akin na nga yang paa mo" sabi nito saka inilagay yung kaliwang paa niya sa ibabaw ng hita nito.

"anong ginagawa mo?"

"eh di minamasahe ang paa mo..."

"ano ba, sinabi ko ba sayong masahihin mo ang paa ko? Diba hindi? Bumalik ka na nga dun, baka mamaya hinahanap ka na nung Megan na yun."

"ano naman kung hanapin niya ako, saka ba't ba ang sungit mo? Meron ka noh...?" tukso nito sa kanya habang tumataas baba ang kilay.

"anong meron? Wala noh...bahala ka nga diyan sa buhay mo..." sabi niya saka lumipat ng ibang upuan, sumunod naman ito sa kanya.

"Sa!"

"ano?"

"Galit ka?"

"Hindi..."

"owwss? Talaga?"

"hindi nga..."

"sige nga kung talagang hindi ka galit, kiss mo ko sa cheeks..."

"kiss ka diyan, kiskisin mo mukha mo..."

"eh di galit ka nga..."

"di nga ako galit..."

"galit ka..."

"hindi nga sabi eh..." napipikong sabi niya, maya maya nakita niya si Megan palapit sa kanila. "o ayan na Megan mo papunta dito" sabi niya.

"Ge...kanina pa kita hinahanap, tara sayaw tayo. Sarah pwede ba?" tanong ni Megan sa kanya.

"bakit nagpapaalam ka sakin? Ako ba nanay niyan? Kung gusto mong sumayaw kayo eh di sumayaw kayo." Tumayo siya saka hinawakan si Gerald "o ayan sayo na ng buong-buo sumayaw kayo hanggang gusto niyo, sumayaw kayo hanggang abutin kayo ng umaga. Bahala kayo sa buhay niyo." Sabi niya saka naglakad palabas, uuwi na siya.

"baby girl teka lang..." narinig niyang sigaw ni Gerald, hindi niya ito pinansin patuloy lang siya sa paglalakad. Maya maya naramdaman niyang may humawak sa braso niya.

"san ka ba pupunta?" humihingal na tanong nito sa kanya.

"eh di uuwi na..."

"uuwi? Pano ka uuwi eh wala ka namang sasakyan?"

"eh di mag tataxi."

"taxi? Nasisiraan ka na ba ng bait, mag tataxi ka ng ganyan ang ayos mo? Hindi, hindi ka uuwi, lika na pasok na tayo sa loob" sabi nito saka hinila siya pabalik sa loob.

"ano ba nasasaktan ako..." sigaw niya, binitawan naman siya nito.

"sorry...hindi kasi kita maintindihan, bakit ka ba nagagalit sakin? May nagawa ba akong mali?"

"hindi nga ako sabi galit okay, naiinis lang ako..."

"naiinis? Pareho lang nam-"

"magkaiba yun..." putol niya sa sasabihin nito.

"okay, eh di magkaiba kung magkaiba. Pero bakit ka nga naiinis? May nagawa ba ako? May nasabi ba ako? May na-"

"NAIINIS AKO KASI NAGSESELOS AKO!!!" sigaw niya dito.

sensya na po kung hindi nakapag update kahapon, nwala po kasi ako sa focus nung mpanood q yung laugh 3p ng mag babe...hehe...nag concentrate rin po kasi aq sa pag vote sa OMG, pa sensya na rin po kung mejo waley bawi na lang po next chapter...tnx...

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon