"hindi ba nanliligaw sayo tong mokong na to?" tanong sa kanya ng daddy niya sabay turo kay Gerald. "Bro, ang bagal mo..." sabi dito ng daddy niya. "Huwag kang babagal bagal, baka maunahan ka ng iba..."

"Dad!!!" saway niya ulit sa ama pero katulad ng dati hindi siya nito pinakinggan.

"bibigyan kita ng tips ha...kapag manliligaw ka diyan sa anak ko huwag ganyan ang suotin mo. Dapat casual para mas gwapo"

"Dad, tawag ka ni mommy sa kitchen" tawag niya sa daddy niya pero hindi pa rin siya nito pinapansin.

"kahit huwag ka ng magdala ng bulaklak tsaka chocolates, hindi naman yan mahilig diyan. Yang anak kong yan magpapakipot yan sa umpisa pero kap-"

"Gerald nag text sakin mommy mo, umuwi ka na raw..." putol niya sa sasabihin ng ama.

"Ha? pero-" hindi na nito natapos ang sasabihin ng pandilatan niya ito ng mata. "ay oo nga pala tito, may pupuntahan pala kami ni mommy, bukas nalang po ulit tito..." paalam nito sa daddy niya.

"sige iho, huwag mong kakalimutan yung mga payo ko sayo ha...bilisan mo..."

"Gerald bilis na...kanina pa sakin nag ttext ang mommy mo..." taboy niya ulit dito habang tinutulak ito palabas ng pinto. Tiningnan niya ng masama ang ama ng makaalis si Gerald.

"Honey im home!!!!!!!!" sigaw ng daddy niya saka tumakbo papuntang kusina.

"DADDY!!!!!!!!!!!!!!" tawag niya sa daddy niya saka ito hinabol.

_______________________________________________________________________________

"babe! Gising na, tanghali na oh..."

"mamaya na lang...maaga pa naman eh, saka Sunday ngayon walang pasok. " reklamo niya sa ate niya.

"anong maaga pa, alas nuebe napo mahal na prinsesa...bumangon ka na diyan at maligo ka na, magsisimba pa tayong dalawa.

"tayong dalawa? sina mommy't daddy?"

"wala, kanina pa umalis...silver wedding anniversary daw nung kaibigan nila, baka bukas na raw sila makauwi. Bumangon ka na diyan."

"5 minutes na lang...please!!!" pagmamakaawa niya sa ate niya.

"o sige 5 minutes, after 5 minutes bumaba ka na ha...magpapa prepare lang ako kay manang ng breakfast natin..." sabi nito saka lumabas ng kwarto niya. After 5 minutes bumalik ito para gising siya.

"Sarah gising na!!!ano ba, daig mo pa ang barako kung matulog..." gising sa kanya ng ate niya.

"Another 5 minutes pa ate..."

"anong another 5 minutes? Bumangon ka na diyan, aabutin tayo ng gabi sa kakafive minutes mo na yan eh..."

"ate sige na, 5 minutes na lang talaga..." pilit niya sa ate niya.

"hindi, bumangon kana diyan....si Gerald kanina pa sa baba, ano papapasukin ko na dito?"

"ba't ngayon mo lang sinabi???" tanong niya sa ate niya saka tumayo siya mula sa pagkakahiga, tumawa naman ng malakas ang ate niya ng makita ang reaksyon niya. "ate naman eh..."

"Effective palang alarm clock ang pangalan ni Gerald" sabi ng ate niya. babalik pa sana siya sa kama niya ng hilahin siya ng ate niya at itulak papunta sa banyo. "maligo ka na, hintayin kita sa baba." Sabi nito sa kanya.

"Tse!!!"

Pumunta sila ng mall pakatapos nilang magsimba, dun na rin sila nananghalian. Alas sais na nang hapon ng makauwi sila ng bahay. Magpapaturo siya sa ate niyang magluto ng adobo, naghahanda na sila para magluto.

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionWhere stories live. Discover now