Chapt. 68 The Last

327 6 5
                                    

1 month later....

SALLY'S POV

Isang buwan na ang lumipas. Madami nang nangyari sa amin. Si Shan, aalis na papuntang Japan pagkatapos ng graduation bukas. Si Nathan, aalis din papuntang New York para puntahan ang mga magulang niya, grabe iiwan na nilang dalawa kami huhu. Pero naintindihan naman namin silang dalawa. Gusto lang naman nilang makita ulit yung mga magulang nila.

Sa ngayon, nandito ako sa library, nag-aaral para sa final quiz namin ngayon. Pagkatapos ngayong araw, wala na kaming ibang gagawin dahil tapos na ang lahat. Tapos na ang paghihirap namin ng isang buwan. Sa wakas, makapag pahinga na din kami sa pag-aaral at makagraduate na.

Tumabi sakin si Chrystal at linapag ang mga dala niyang libro at notebooks. "Napagod ako." Sabi niya at pinatong yung ulo niya sa lamesa.

"Nakakapagod nga. Pero tatlong subject na lang kaya tiisin nalang natin. Malapit na." Sabi ko at tinapik/tapik yung balikat niya.

------

Pagkatapos ng mga exams namin ay nagkita-kita kaming lahat sa harap ng gate. "Kailangan natin mag celebrate! Sa wakas tapos na ang mga exams!" Masiglang sabi ni Andrew at Cass.

"Tara, mall tayo!"

"Palagi nalang sa mall!" Reklamo ni Nathan. Siguro nagsasawa na.

"Eh saan tayo pupunta?" Kasalukuyang napaisip ako.

"Ah alam ko na! Sa bounce heaven nalang kaya tayo? Alam niyo yung bagong place na maraming trampoline?" Suggestion ko. Mukhang masaya kaya pumunta dun.

"Ah yung nasa tabi lang ng mall?"

"Oo! Doon nalang kaya tayo para iba naman? At mukhang masaya naman dun eh!" Sabi din ni Chrystal.

"Tara, gora na tayo!" At as always, nasa passenger's seat ako nakaupo sa kotse ni Ice tapos ang nasa likod naman ay si Trevor, Cass at Shan. Tapos sina Zion at Chrystal sa motor ni Zion tsaka si Nathan, Andrew at Jasper yung sa motor ni Jasper.

Nang makadating na kami dun sa Bounce Heaven ay bumili agad kami ng ticket. Pagkatapos namin bumili ng ticket ay pumasok na agad kami at nagsimula nang lumukso-lukso sa kung saan-saan. Merong mga slides, tapos merong trampoline sa itaas na kapag lumukso ka dun magla-landing ka sa isang ball pit.

"Eto. Maglalaro tayo ng habulan tapos magbabatuan tayo ng mga bola. Ang taong mababatuan ng bola ay out na sa laro." Sabi ni Andrew. Napatango kaming at nagsimula nang kumuha ng mga bola sa tabi-tabi tsaka agad akong tumakbo papunta sa mga slides para magtago.

Nagtago ako dun at sumilip paminsan kung may dumadaan ba na kasama namin. Nakita ko si Trevor pero masyadong siyang malayo kaya hindi ko siya mabatuan ng bola. Si Chrystal naman, malayo din siya at mukhang babatuin niya ng bola si Trevor. Nanatili lang akong nakatago dun sa likod ng slides. Wala na akong ibang magawa kundi umakyat sa hagdanan tsaka nagtago sa itaas. Kitang kita ko lahat sa itaas. Kita ko din yung buhok ni Nathan hahaha pero hindi ko siya mabatuan dahil ang layo-layo niya din.

Nang makita kong papalapit si Jasper sa mga slides, agad akong kumuha ng bola tsaka binato siya ng bola at natamaan naman siya sa ulo niya. Napatago agad ako nang lumingon siya. Lolz, hindi niya ako napansin. 1 down, 7 to go.

Nagtago ulit ako dun at sumilip-silip. Nakita kong tumakbo si Shan tsaka nagtago din sa tabi-tabi malapit sa nakatayong si Andrew.

Lilingon na sana ako nang makaramdam ng presensya sa likod ko. Nang makalingon ako, nanlaki ang mga mata ko. "Anong ginagawa mo dito ha?" Sabi ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman kita babatuin." Sabi niya at kinurot yung magkabilang pisngi ko.

"Alam ko pero ba't dito mo pa planong magtago eh alam mo namang mabilis lang tayo makita dito."

BAD BOY IN LUVWhere stories live. Discover now