Chapt. 51 Always Beside you

221 7 0
                                    

CASS' POV

Bwisit talaga 'tong si Andrew. Gusto ko pa sanang sapakin yung langhiyang bwiset na iyun eh kaso umepal. Ngayon hila-hila niya ako hanggang sa makaabot kami sa stoplight. Binatukan ko siya kaya napatigil siya sa paghihila sakin.

"Ay kalabaw! Naiwan ko yung scooter ko!"

"May scooter ka?"

"Oo! At tsaka kay Charlene pa yun! Bwesit, papatayin ako nun! Kakabili niya lang iyun eh! Tara balikan natin!" Sabi ko sabay hila ng braso niya. Binalikan namin yung scooter.

"Tara iuwi na kita." Sabi niya sabay sakay sa scooter. "Huh?! Kaya ko naman ang sarili ko ah! Umuwi ka na nga lang!"

"Sakay na!" Sigaw niya sakin kaya kinurot ko yung tagiliran niya. "Oo na!" Sumakay na ako sa likuran niya at tsaka kumapit sa mga balikat niya pero hinawi niya naman kaagad ang mga kamay ko. Nu naman problema ng alien na 'to?

"Gusto mo ba akong mamatay ng maaga? Pakapit!" Sabi ko sa kanya. Pero nagulat ako nang kunin niya ang dalawang kamay ko at linagay sa bewang niya So bale yung posisyon ko parang naka back-hug sa kanya. Pota ayan na naman, kinikilig na naman ako >///////<

"Ikaw ha."

_____________

Pagdating namin sa harap ng bahay, bumaba agad si Andrew. Pinasok ko yung scooter sa grahe ng bahay namin at tsaka inaya ko siyang pumasok sa bahay namin.

"Oh! Kasama mo pala boyfriend--" Bago pa man matapos ni Charlene yung sasabihin niya ay natakpan ko na yung bibig niya. Ang ingay niya kasi. Rinig na rinig ko pa naman ang mga boses ni Mama at Papa sa living room namin.

"Ipapakilala mo na ba si Andrew kina Uncle at Auntie?" Tanong ni Charlene sakin. Hinagis ko sa kanya yung keys ng scooter niya. Ipapakilala ko na ba talaga si Andrew? Hays... Tutal nandito siya, might as well ipapakilala ko siya sa mga magulang ko. It's now or never na.

Kinuha ko yung braso ni Andrew. "Andrew..." Tumingin siya sakin na parang nagtataka kung anong sasabihin ko. "Gusto na kitang ipakilala sa mga magulang ko."

"Ng-ngayon n-na? T-talaga?" Halata sa boses niya na kinakabahan na siya. Hinalikan ko yung pisngi niya.

"Kinakabahan ka ba?"

"O-oo eh. Baka hindi ako magugustuhan ng mga magulang mo."
Pinalo ko naman agad yung balikat niya.

"Eh bakit ka naman hindi magugustuhan?"

"Basta..."

"Tara na. Don't worry." Sabi ko sabay hila sa kanya papasok sa living room.

"Oh anak! Nandito ka na pala." Masiglang sabi ni Mama pagkaupo namin ni Andrew sa harapan nila ni Papa.

"At sino naman 'to? Kaibigan mo?" Tanong ni Papa na parang nakatingin ng seryoso kay Andrew. Eto naman 'tong katabi ko, linalaruan yung cat na figurine na nakapatong sa coffee table na nasa harapan naming dalawa.

"Uh...Actually..." Bago pa man ako makapagsalita ay biglang sumabat si Andrew sa parents ko.

"I'm... Her b-boyfriend." Kahit nauutal na si Andrew, naglakas siya ng loob para sabihin sa mga magulang ko na boyfriend ko siya kahit kinakabahan talaga siya. That's my boy.

Biglang tumahimik yung buong paligid at tila patak nalang ng ulan ang maririnig ko mula sa labas ng bintana namin. Umulan na pala.

"So you're saying..." After isang century, nagsalita na din yung Mother Earth ko while si Papa naman matahimik din. Huhu, baka nagalit si Papa >.< "Boyfriend mo ang napakagwapong lalake na 'to?"

BAD BOY IN LUVHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin