Chapt. 64 Anger & Hate

206 7 0
                                    

CASS' POV

Napamulat ako nang makarinig ng malakas na kulabog mula sa isang sulok ka kwarto na tanging kung anong matigas na bagay ang hinagis.

Nang marinig kong sumirado yung pinto ay inikot ko yung tingin ko sa madilim na paligid. Sinubukan kong lumingon kahit masakit yung leeg ko.
Nagulat ako sa nakikita ko. Sina Zion at Trevor, walang malay, at may tumutulong dugo na galing sa ulo nila. Pero mas nagulat ako nang makita si Andrew na ganun din ang state. Sinong gumawa neto sa kanila? Mukha silang binatuan ng maraming beses ng baseball bat. "Zi-Zion... Tre-Trevor... A-Andrew..." Tawag ko sa kanila gamit ang mahinang boses ko. Nakita ko yung paggalaw ng mukha ni Andrew at unti-unti niyang minumulat ang mga niya.

Lumingon-lingon siya sa paligid at nang makita niya ako ay nagulat siya at biglang hinila yung sarili niya pero napahinto siya nang maramdaman yung mahigpit na tali sa mga kamay  at paa niya. "Cass...." Tawag niya sakin gamit din ng mahinang boses niya. Nanghihina na ako dahil sa sakit ng katawan ko dahil sa pesteng mahigpit na mga tali na ito. Kapag gumalaw ko, pakiramdam kong pumupula pa lalo yung mga kamay at paa ko at makadudulot ito ng mga sugat at pasa.

"Andrew... A-anong ginagawa niyo dito?" Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak especially sa ganitong state namin. Ayaw kong umiyak. Gusto kong manatiling malakas at matapang. Ayaw kong ipakita kay Andrew na nasasaktan ako at nanghihina na ako dahil alam kong mag-alala talaga siya at kung ano pa ang gagawin niya na maaaring makadulot ng kamatayan niya.

"Cass... Itatakas kita. Itatakas ko kayo. Magtatakas tayo." Sabi niya at biglang umubo. Nagulat ako sa pag-ubo niya. Kala ko kasi uubo siya ng dugo eh. Pero wala, he's fine. May sugat lang siya sa ulo niya pero he's still fine.

"Andrew... Please... Diba sinabihan kitang huwag kang pumunta dito? Bakit ang tigas ng ulo mo? Bakit mo pang hinanap ang lugar na ito?" Sabi ko, bakas sa boses ko yung takot, pag-alala at galit. Natatakot ako na baka kapag gusto niyang tumakas kaming dalawa, baka mamatay lang siya dahil sa pagliligtas sakin. Nag-aalala din ako sa kanya tsaka galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko lang silang kunin ako at dalhin ako sa lugar na ito.

"Nasaan tayo?" Napatingin ako kina Zion at Trevor na kakagising lang din. Nang makita nila ako ay napasigaw din sila ng mahina sa pangalan ko. "C-Cass? Anong ginagawa mo dito? Anong nangyayari? Ba't ka nandito sa lugar na ito?"

"So all this time may balak ka palang itakas si Cass dito sa lugar na ito?"

"At hindi mo man sinabi samin ha Andrew?" Napayuko ako.

"Kasi Hyung... Ayaw ko kayong mapahamak din. Gusto kong itakas si Cass ng mag-isa. Ayaw ko kayong mapahamak lang dahil samin."

"Pero Andrew sana sinabihan mo man lang kami para matulungan ka namin kahit papano. Kahit man mamatay kami, basta nakatulong kami sayo." Napayuko na din si Zion.

"Eh paano na si Chrystal? Kapag mamatay ka, sa tingin mo makikita mo pa siya ulit Hyung? Sa tingin mo maging masaya pa siya kapag wala ka na? At tsaka Trevor, alam kong nagkikita kayo ng pinsan ni Cass na si Charlene at alam kong may nagdedevelop sa inyong dalawa. Alam kong nagugustuhan mo na yung pinsan ni Cass. Sa tingin mo ba maging masaya din siya kapag malaman niyang namatay ka? Na wala ka na? Kaya yun ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa inyo ang mga plano ko. Kasi ayaw ko kayong mapahamak." Pag-eexplain ni Andrew sa kanila.

"Sorry Andrew..."

"Okay lang Hyung. Sa ngayon, pagplanuhan muna natin kung paano tayo makatakas sa lugar na ito ng buhay."

Napatingin silang tatlo sakin. "Cass... Matulog ka muna." Sabi sakin ni Andrew. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Basta, matulog ka nalang muna. Okay? Pagplanuhan namin kung paano tayo makatakas dito. Ipapangako ko sayo Cass, itatakas kita dito. Itatakas ka namin dito." Sa halip ng sitwasyon namin ay ginawa niya pang ngumiti. Yung unique na ngiti niyang nagpapaform ng rectangle sa mga ngipin niya. Nginitian ko nalang din siya tsaka pumikit ng mga mata.

BAD BOY IN LUVWhere stories live. Discover now