Chapt. 36 Melted Cold Heart

304 10 1
                                    


Ikot ako ng ikot sa kama ko. Hindi ako makatulog. Bwisit talaga... Pinaandar ko yung ilaw ng kwarto ko at tsaka bumaba sa kusina. Uminom ako ng fresh milk. Baka effective 'to. "Bakit gising ka pa, baby girl?" Nagulat ako nang bumungad si Yaya Mia na umiinom ng kape.

"Ah... Hindi kasi ako makatulog eh. Kaya nagtimpla ako ng gatas." Ngumiti siya sakin.

"Bakit hindi ka makatulog? May problema ka ba--Oh my god! Anong nangyari sayo? Bakit andami kang mga sugat Sally?" Tinapik niya ang likod ko. Umupo kami sa harap ng counter bar.

"Ahm.. Kasi.... I got into a fight. At wala po akong problema."

"Nagamot mo na ba iyan?"

"Opo." Sabi ko at inubos na ang baso ng gatas.

"Phew okay. May iniisip ka ba?" Ayun nga ba?

"Kasi may isang tao na---"

"May iniisip ka bang tao?"

"Ahm... Pumapasok lang siya palagi sa isip ko. Hindi ko alam kung siya nga ba ang rason kung bakit hindi ako makatulog ngayon." Ngumiti naman ulit siya at tsaka hinihimas-himas ang buhok ko.

"Baby girl, alam mo ba na kapag may iniisip kang tao at hindi siya matanggal sa isipan mo ay isang sign na gusto mo ang tao?"

"Po?"

Kinurot niya ang kanang pisngi ko. "Sige na baby girl. Matulog ka na. Come, ihatid na kita sa kwarto mo." Sabi niya at sinundan na ako sa kwarto ko.

Nang makapasok na ako ng kwarto ko ay humiga agad ako sa kama. Kinumutan ako ni Yaya Mia at tsaka hinalikan ako sa noo ko. "Sige matulog ka na, Sally."

"Salamat Yaya. Good night." Pinatay niya na ang mga ilaw at tsaka sinirado na ang pintuan. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko.

*20 minutes later*

Napasit-up ako at tsaka pinaandar ang ilaw. Argh! Bakit hindi ako matulog?! Bakit naiisip ko pa din yun?! Argh!!

*Flashback*

"Ice....I...." Tinitigan niya ang mga mata ko.

"Please... Be my girlfriend, Sally." Nagulat ako sa sinabi niya. Napanganga ako at namula na ang mga pisngi ko.

"I....U-uh... S-s-seryoso ka b-ba?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

"I'm serious."

"I-I....."

"Sa---"

"Sally!!!" Napalingon ako at nakita si Kuya Vinci sa malayo, tinatawag ako.

"Kailangan ko nang umalis."

"Sandali!" Agad na akong tumakbo palayo sa kanya.

*End of flashback*

Aish! Lumabas ka nga sa isipan ko!!!! Sabi ko at ginulo ang buhok ko. Aish, bwisit na gangster na iyun!

Kinuha ko yung cellphone ko at binuksan yung instagram ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga selfies ni Ice na nung kulay blue pa ang buhok niya. Pakshet! Hinagis ko kaagad yung phone ko sa desk. Sh-t! Bakit nagpakita pa siya?

Shetzzz, I'm being paranoid. Kinuha ko yung laptop ko sa bedside table cabinet ko at tsaka pinaandar ito. Binuksan ko yung messenger ko, hoping Mom and Dad to be online. Nanlaki ang mata ko nang makita ang nag-iisang taong online.

IVAN CHRISTOFFER ESTACIO IS ONLINE....

I immediately closed my laptop at linagay ito sa desk ko. Aish! Makatulog na nga....

BAD BOY IN LUVWhere stories live. Discover now