[Special] Chapt. 55 Andrew's POV

171 7 2
                                    

Story of Andrew

Kinilalang alien... Kinilalang baliw...
Kinilalang out of this world....

Hi hi hi! Ako si Andrew Tan. Matanong ko lang... Bakit mo ko ginawan ng story, Author-nim? Hindi naman ako isa sa mga lead roles ah? Diba love story naman 'to ni Ice Hyung at tsaka ni Sally?

Author:Isa ka naman sa mga supporting roles kaya ginawan kita ng story ng buhay mo para mas makilala ka palo ng mga readers :) Okay?

Ah okey po! Hehe! Nga pala, kilala niyo naman siguro ako. Again, ako si Andrew Tan. Ang nag-iisang cute na anak ng pamilyang sunog. Hahaha! Joke lang, I mean Tan family xD

Ako lang naman ang pinaka-cute at pinaka caring na gangster na nakilala niyo. Hindi naman talaga ako mahilig makipag-away eh. Hindi ko nga alam kung bakit naging gangster pa ako eh. Ewan, basta ayun.

Only child lang ako. Dahil daw sapat na sa parents ko na ako lang ang anak nila. Ang cute ko kasi nung baby pa ako kaya ayaw na nilang may kasunod pa sakin. They can't resist my cuteness. Ang cute ko diba readers?
Diba?

Kayo:..............

De bale kung wala kayong masasabi. Basta cute ako, pramis. Kaya nga na-fall sakin si Cass eh :3

Cass:Ang kapal naman ng mukha mo Alien ka. Ako pa ba talaga ang unang na fall sayo? Ikaw nga 'tong buntot ng buntot sakin eh! Palagi mo akong sinusundan!

Joke lang naman yun, Cassie ko. Ako ang unang na-inlove sayo okay? Huwag ka nang magalit<3 Okay co-continue na po ako.

Just like I said, kinikilala ako bilang alien. Palagi kasing lumilipad ang utak ko sa ibang planeta eh at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari. Simply because I'm always wearing a blank face. Sinusubukan ko lang mag english hehe. Baka ma impress kayo sa skills ko ^__^ Just like I said, isa akong alien.

Baliw daw ako sabi nila. Pero hindi ako nagagalit dahil totoo naman xD
Wala daw akong tigil sa kaabnuan ko kaya ayun nga. Nung nakilala ko si Cass, nabawasan ng konti yung kabaliwan at kaabnuan ko. Promise, nabawasan ng konti. Konti lang.

Dahil baliw din pala si Cass. Kala ko ako lang baliw eh, yun pala ganun din siya. De joke, baka sasapakin pa ako nun. Sadista kasi yun eh. Sa isang abnormal na katulad ko, first time kong makaranas na magmahal ng isang tao. First time kong makaranas na kiligin kapag kasama ko siya.

Oo! Kinikilig din ako! Hindi lang babae kinikilig ah? Pati din ako nuh!
Kinikilig ako kapag mahawakan ko ang kamay niya, mahalikan niya ako, at kapag magkasama kami.

Grabe kasi epekto niya sakin. Para siyang cupid, tinatamaan niya yung puso ko gamit ang love arrow niya.

[Insert the song:Seventeen-Aju Nice]

Naalala ko nung naging magkaibigan kami. Ang saya ko talaga nung araw na iyun. Ang babaeng matagal ko na sinusundan at sini-stalk ay naging kaibigan ko na. Oopsies, huwag niyong sabihin kay Cass na stalker niya ako noon ah? Baka makipag break siya sakin. Ayaw ko mangyari yun, mahal ko siya eh. *pouts*

Naging malungkot ako nung time na pinakilala ko siya kina Hyung at nalaman niyang gangster ako. Iniiwasan niya ako nun kahit linalapitan ko siya. Ayaw niya siguro sa mga gangsters eh. At nung time na yun, nagsisisi ako kung bakit naging gangster pa ako. Hindi ko gusto na dahil lang sa gangster ako, masira yung friendship namin ni Cass.

Bumalik naman ang ngiti ko nung nagkabati na kami. Hindi kasi ako makangiti kung hindi kami bati eh hehehe. Siya lang kasi kumu-kumpleto ng araw ko.
*insert box smile*

Habang nagtatagal, nagdedevelop ang feelings ko para sa kanya. Nung nag perform kami as partners sa Concert For A Cause, dun ako nagka crush sa kanya, hihi. Kinikilig ako nung nahawakan ko for the first time yung kamay niya. Ang lambot ng mga kamay niya, really :)

At sa hindi ko inaasahan, naglakas ako ng loob na mag confess sa kanya. Sa harap ng madaming tao. At ang mas petmalu pa, sa cafeteria pa talaga ako nag confess. Oo na, walang hiya talaga ako. Alam ko yun.

Pero nung time na sinagot niya ako nung nag confess ako, pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay dahil ang SAYA KOOOOOOO! Sobrang saya ko nung time na iyun.

Naalala ko pa yung... Yung...

AHEHEHE HINDI KO NA NGA SASABIHIN :3

NAHIHIYA AKO EH >.<

Sasabibihin ko ba? >////////<

Sige na nga *o*

Naalala ko nung time na nahalikan ko siya sa... Alam niyo na! Sa lips niya for the first time. Hindi nga ako makapaniwala na nagawa ko yun! Nung una, gusto kong suntukin ang sarili ko dahil hinalikan ko siya ng walang permission galing sa kanya.

Sandali.... Sa mga napanood kong movies, hindi naman humihingi ng permisyon ang mga lalake sa mga babae kung hahalik siya sa babae diba? Sadyang lalake nalang ang bahala kung mabibigla yung babae sa biglang paggalaw niya.

Okay back to what I'm saying, kahit peck lang yun, hindi pa din ako makapaniwala na nahalikan ko siya. Like halos mapatalon na ako sa sobrang saya eh pero kailangan kong itago yung nararamdaman ko baka iisipin niyang mabilis lang akong naaapektuhan dahil sa kanya. Ang bakla tignan eh hahahaha.

Mahal na mahal ko si Cass. Ang keso diba? Hindi bagay sa alien na imahe ko. Hindi bagay yung nag papakacheesy ako hihi. Pero gusto ko lang talaga sabihin sa buong mundo na...

BALIW AKO, PAKE NIYO PAKYUU!

De joke hahahaha.

Totoo na 'to ah. Ang gusto ko lang talagang sabihin sa buong mundo na...

MAHAL NA MAHAL KO SI CASS! AKIN LANG SIYA! SIYA ANG NAGPAPASAYA SAKIN KAYA HUWAG NIYONG SUBUKAN NA AGAWIN SIYA SAKIN! SAPAKIN KO TALAGA KAYO KAHIT HINDI NAMAN AKO NANANAPAK NG TAO!! HIHI!

Si Cass lang marunong manapak....
Sadista nga eh.

Cass:Anong sinabi mo Andrew? Pakiulit nga!

Wala! Sabi ko mahal kita. Saranghae nga!

Cass:Pfft, kala mo kinikilig ako?

Sabihin mo nalang kasi na kinikilig ka sakin.

Cass:Tse! Ayaw ko nga!

Halikan kita diyan eh >:D

Cass:Subukan mo,maba-black eye ka lang naman sakin kahit mahal kita.

OH GUYS KITA NIYO?! KINIKILIG NA NAMAN PWET KO AHIHIHIHI!!

*Screams inside*

Mahal din kita Cass!! Mwuaaa!! 😘

**************

BAD BOY IN LUVWhere stories live. Discover now