Chapt. 41 Chill

309 7 0
                                    

Nandito kami ngayon kila Nathan. Wala kaming klase for today kasi may seminar ang lahat ng mga teachers for the whole day.

 Wala kaming klase for today kasi may seminar ang lahat ng mga teachers for the whole day

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At infernes, ang laki ng bahay ni Nathan. Isa siyang modern styled house. Ang cute nga eh. May pool area sa likod at basketball court pa. Ang yaman ni Nath. Kakadating lang nina Zion at Chrystal dahil sinundo pa ni Zion si Chrystal sa bahay nila.

Nandito kami ngayon sa pool area, nagpapahangin lang at nagchi-chill. Ang mga lalake naman ay nag si-swimming at syempre naka shirt sila.
Shet, ang ganda din ng pool area nina Nathan.

Naglalaro sina Nath, Trevs at Andrew ng beach ball

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naglalaro sina Nath, Trevs at Andrew ng beach ball. Hindi kasi kaming nainform eh kaya wala kaming dalang damit panligo *pouts*

Kakadating lang din ni Ice. Napansin niya na naliligo ang mga kaibigan niya kaya dumeretso siya sa restroom para pumalit siguro ng damit o ano.

"Nakakainggit, sana nagdala tayo ng damit panligo." Sabi ni Cass at patuloy lang sa pag kain ng piattos.

"Oo nga, gusto ko pa naman nag swimming." Sabi din ni Chrystal na kakaupo lang.

Nung lumabas si Ice ng restroom, agad siyang pumunta sa pool area. Halos malaglag ko yung panga ko nang ihubad niya ang t-shirt niya. Pakshet! Huwag tumingin Sally baka masunog ang mga eyeballs mo. Umiwas ako ng tingin at tumingin nalang sa librong hinahawakan ko.

Rinig ko ang mga tawa ng mga kaibigan ni Ice pero hindi ko pinansin. "Uy Noona! Nakahubad si Hyung oh! Nakalabas ang abs ni Hyung! Tignan mo oh!" Rinig kong sigaw ni Trevor sakin pero hindi ko pa din siya pinansin. Pakiramdam ko umiinit ang pisngi ko >.<

After a couple of minutes, binaba ko yung libro at tsaka tinignan sila. Masaya silang naglalaro ng beach ball. Hindi pa din ako makaget-over na sa anim sa kanila, si Ice lang ang walang damit. Huhuhu! Shemay!

_________

Busy ako sa panonood ng k-drama sa phone ko nang biglang sumigaw si Cass. "Uy gago!" Napatingin agad ako sa mga lalake. Nanlaki din ang mga mata ko dahil humubad din ng shirt si Andrew. Shemay, mga bastos 'tong mga lalake na 'to. Hindi ba nila alam na may mga babae silang kasama? Kung makahubad parang sila lang ang nandito >.<

BAD BOY IN LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon