Chapt. 60 The Beginning

226 6 0
                                    

SALLY'S POV

Sabado ngayon. Naglilinis kami ngayon ng bahay ni Kuya Vinci. Kakatapos lang din namin maglinis ng kusina at sariling banyo ko. "Sandali lang Kuys ah, papakainin ko lang si Winter." Umakyat na agad ako sa kwarto ko at tsaka pinakain si Winter. Maliligo na sana ako nang bigla nalang nag ring yung cellphone ko kaya tumalon ako sa kama ko at kinuha yung cellphone ko at tsaka sinagot na yung call.

"Hello?"

["Sally...."]

Napatingin ulit ako sa caller's ID at nakita yung pangalan ni Ice dun.

"Oh-oh? Ba-bakit?"

["May ginagawa k-ka ba?"]

Kinabahan ako bigla. Yayain niya ako mag date? Huehue, na bo-bored kasi ako dito sa bahay at gusto ko din lumabas at makita siya hihi.

"W-wala naman. Bakit?"

["Gusto sana kitang yayain... Pumunta sa park at mag-usap. Gusto k-kitang makita."]

"Ah-ah..."

["Susunduin kita mamayang 11:20pm. Okay? Bye."]

"San---"

Bago pa man ako makasalita ulit, ni-end niya na yung call. Maliligo na nga lang ako hehe.

"Oy Sally! Magwalis ka nga dito sa living room!" Sigaw ni Kuya mula sa baba. Napabuntong hininga ako at bumaba na sa living room.

_______________

"Kuya! Alis muna ako!" Pagpapaalam ko kay Kuya na ngayon ay kumakain. Tinignan niya ako ng seryoso.

"At saan ka naman pupunta, aber?"
Seryosong tanong niya sakin. Huehue, sana papayagan niya naman ako oh. Tutal si Ice lang naman ang kasama ko eh.

"Kuya ka-kasi niyaya ako ni I----" Hindi pa nga ako tapos sa sasabihin ko, tumango na agad siya at tsaka tinapik ang balikat ko.

"Sige ingat bebe sis. May tiwala naman ako kay Ice eh." Ngumiti ako at tsaka niyakap siya ng mahigpit. Yiee, the best kuya in the world talaga hehehe. I labyuu suu mach Kuya qoe.

Nang makalabas na ako, saktong nakarinig ako ng busina ng kotse. Bumungad agad sakin ang napakgwapong Ice na nakasuot ng black polo, ripped jeans at black converse. Naka beanie din siya. Nginitian niya ako at tsaka kinuha na ang kamay ko at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Pasok." Pumasok na agad ako sa loob at umayos ng upo tsaka siya pumasok din. Pinaandar niya na yung makina ng kotse niya.

"Salamat pala sa pagyaya sakin." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang siya. Binalot kaagad kami ng katahimikan at tila ang hangin lang mula sa labas ang naririnig ko.

Nang makadating na kami sa harap ng park ay pinagbuksan niya ako ng pintuan tsaka ako lumabas. Naramdaman ko kaagad ang hangin na nagfo-flow sa buhok ko. "Gutom ka ba?" Tanong niya sakin sabay kuha ng kamay ko.

"Hindi naman masyado." Inikot ko yung tingin ko sa buong park. Merong madaming food stalls tsaka mga nagbebenta ng cotton candy, ice-cream, balloons, at mga laruan. Hinila niya ako sa isang bakanteng bench tsaka kami umupo dun. Pag-upo namin, ang daming naka tingin samin, karamihan mga babae. Let me rephrase that, nakatingin pala sila sa gwapong boyfriend ko. Habang nakatingin sila samin nag bubulungan sila, yung iba ang sama pa ng tingin sakin. Like anong nagawa ko sa kanila na makatingin sila sakin parang papatayin na nila ako? Dukutin ko mga mata nila eh. Hindi na nga ako nagtataka kung bakit sila nagkaka ganyan. Ikaw ba naman makatabi ng isang napakagwapong lalake na palaging tinitilian ng mga babae.

BAD BOY IN LUVWhere stories live. Discover now