Chapt. 67 You'll be alright

155 8 4
                                    

ICE'S POV

Akala ko tumigil na yung oras. Akala ko tumigil din yung tibok ng puso ko. Pakiramdam ko huminto ang lahat. Tila putok ng baril nalang ang narinig ko. Linapitan ko siya tsaka niyugyog yung katawan niya.

"Hyung, umalis na kayo. Kami nang bahala dito. Ilabas mo na si Sally Noona dito." Tumango ako tsaka binuhat na siya at hinanap ko agad yung exit. Gusto ko na siyang ialis sa lugar na ito. This place is too much.
Gusto ko na talaga siyang ilabas sa lugar na ito.

I sighed in relief when I found the exit. Nang makalabas na ako sa pintuan na yun, ang unang bumungad sakin ang mga nag-aalalang mga mukha ni Cass at Shan. "Ice!" Sabay na sigaw nila at napatingin sa taong binubuhat ko.

"O-okay lang ba kayo? Tara umalis na tayo. Sumunod lang kayo sakin." Sabi ni Shan at tumakbo na kami. Sumakay kami sa kotse ko at si Shan na ang nagpasyang mag drive.

Napatingin ako sa labas ng bintana at sa huli ko nalang nalaman na may mga police cars pala na naka park sa harap ng building. Does this mean... Tumawag talaga ng police si Vinci Hyung?

"Umalis na tayo dito. Sina Andrew na bahala." Sabi ni Cass sa harap at nginitian ako mula sa salamin para hindi na ako mag-aalala sa mga kaibigan ko. May tiwala naman ako sa mga yun eh. Inalis ko yung buhok niya na nasa mga mata niya at hinawakan ang pisngi niya. You'll be alright. Hindi mo ako iiwan diba? Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat, makikita ko lang ulit ang ngiti at tawa mo.

VINCI'S POV

Akala ko huli na kami. Akala ko mapapahamak na yung kapatid ko. Salamat sa diyos nalang at dumating na agad yung mga police dahil kung hindi, baka nagwala na ako.

"Itaas niyo ang mga kamay niyo!" Sigaw ko at nagpalabas ng baril at tinutok ito sa babaeng may hawak din na baril.

"Ibaba mo yang baril mo kung ayaw mong mamatay ka ngayon." Sabi ko at tinignan ko siya ng masama. Nanigas siya tsaka binitawan yung baril niya at mahinang tinaas yung mga kamay niya.

"GAGO KA ANONG GINAGAWA MO SA---" Hindi na natapos sa pagsasalita si Drake nang maitutok ko din sa kanya yung isa pang baril na dala ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Tumahimik ka din kung ayaw mong mawala ka kaagad sa mundong ito. Tandaan mo, may atraso ka pa sakin gago ka." Biglang nagsipasukan yung mga pulis at tsaka hinuli na sina Drake at ang mga kasama niya.

Pagkatapos ng lahat ng iyun ay lumabas na kami sa lugar na iyun. May mga sugat yung mga mukha nina Andrew, Nathan, Zion at Trevor. Nakipagbugbugan kasi sila bago kami dumating ni Jasper. Mga tarantado talaga... Pero hindi ko sila pwedeng papagalitan. Gusto lang naman nila iligtas si Sally eh and I've never been more proud of them.

"Hyung... Ang sakit ng katawan ko hehe." Reklamo ni Andrew at tumawa na parang baliw.

"Iyan kasi nakipagbugbugan ka pa, hindi mo naman pala kaya."

"Oy Hyung kaya ko ha! Ang sakit lang nung sipa ng lalake. Tinamaan niya pa talaga yung tagiliran ko." Ginulo ko yung buhok niya at inalayan ko siya.
Tinignan ko si Nathan at may sugat siya sa kabilang pisngi niya at sa labi din niya.

"Nathan," Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sakin. "Okay ka lang ba? Masakit din ba ang katawan mo?" Ngumiti siya at nag umiling na parang bata. "Okay na okay lang ako Hyung. Malakas 'to oh!"

"Pabida ka talaga." Komento naman ni Trevor kaya natawa kami. Kamusta din kaya 'tong baboy na 'to? Huwag niyang sabihin na masakit din katawan niya, bubugbugin ko talaga 'to. "Eh ikaw Trevor? Masakit din ba ang katawan mo?"

"Pfft, ako? Masakit yung katawan? Wala nga akong sugat eh."

"Eh ano naman yang tumutulo sa kamay mo?" Napatingin siya sa kamay niya at nanlaki ang mga mata niya.

BAD BOY IN LUVWhere stories live. Discover now