[Special] Chapt. 59 Zion's POV

134 4 0
                                    

Story Of Zion

I'm Zion Castillo. Kinilalang makulit, maingay, palaging nakangiti, punong puno ng enerhiya at magaling sumayaw. Isa lang naman akong miyembro ng isang gang na tinatawag na BP7. Hindi ko nga alam kung anong nakain ko kung bakit ako sumali dun. Pero baka sumali lang ako dun kasi nandun ang mga kaibigan ko. Sa totoo, hindi talaga ako marunong mag-away.

Isa akong duwag, okey? I'm stupid. Inaamin ko na nga, I'm out of my mind, hahahaha. De joke lang. Madaming tao ngayon ay busy sa pag-iisip kung anong gusto nilang maging sa hinaharap. Pero ako? I'm living my life. Enjoying my life right now, not thinking of the future or anything. Kunbaga, chill na chill ako. Ayaw ko kasing ma stress katulad ng mga nerds na walang tulog kaka-aaral at kakaisip ng mga gusto nilang gawin sa future. I have goals that I want to reach in the future, but for now I'm taking it slowly and steadily. Step by step.

Dahil sa kasali ako sa isang gang ng mga ugok--este gang na GANG talaga, kailangan kong matuto mag-away. Kaya ayun, kada weekends nagpaturo ako sa mga tito kong mag-away para madepensahan ko ang sarili ko sa mga gagong lalake o mga kaaway namin. Naging habit ko na na pumunta sa bahay ng mga tito ko at tsaka magpaturo sa kanila every weekends.

Pagkatapos kong magpaturo sa kanila, sa gabi naman kapag weekends, dun ako sa basement ng bahay namin nagtatambay at nagpa-practice ng mga sayaw. Mahilig kasi akong sumayaw at naging passion ko na nga ang dancing. Nung bata pa ako, marami na akong napanalunan na mga dance battles hehehe.

Minsan, napag-isipan ko din na... Sapat na ba ang lahat sakin? Well, I have friends and my family. May kulang pa kaya? Minsan, pakiramdam ko parang may kulang talaga eh. Pero parang wala naman.

Nung first day of school, hindi ko inakala na magkaroon pala ako ng kaaway sa dance floor. Isang babaeng hindi ko inexpect na magugustuhan ko. Nagkaroon kami ng dance battle nung first day and I would like to say, she's amazing. Napapangiti ako dahil sa mga kaibigan niyang supportive sa kanya. She's Chrystal, my dance partner.

Nagkakilala kami nung naging dance partners kami. And I might say, ang bait niya. She's very cheerful. I like her smile, her cute eyes, her adorable cheeks and the way she dances, she's mesmerizing. Hindi ako nabo-bored kapag kausap ko siya. I felt comfortable whenever we talk to each other.

Binigyan kami ng kauna-unang project. The Concert For A Cause performance where kailangan mag perform by pairs and it will be graded too. Nung unang araw ng practice namin, I was impressed of her dahil madali niya lang na memorize yung choreography na tinuro ko sa kanya. I'm happy and satisfied for having her as my partner. We get along well maybe because we both have similar traits.

Nung nag perform na kami nung Concert For A Cause, napapangiti ako habang tinititigan si Chrystal na sumasayaw sa tabi ko. At nung ginawa na namin yung stunt, I felt my heart beating when I lifted her on my arms and threw her on the air. At nung masalo ko na siya, I felt my heart skipped a beat again. Nung maibaba ko na siya, pareho kaming nag bow sa audience. That moment was unforgettable. Hindi ko talaga makalimutan iyun. Kahit pawis na pawis kami nun sa kakasayaw, we both know that it's all worth it.

Habang nagtatagal, I'm starting to like her. Like ayan naman ang palaging nararamdaman ng mga lalake kapag malapit sila sa mga babae diba? Not all but some. Habang nagtatagal, parang naiilang na ako kapag magkasama kami.

Pinapawisan ako kapag malapit siya ng konti sa mukha ko, tumitibok ng mabilis yung puso ko kapag ngumingiti siya, minsan nauutal din ako kapag nag-uusap kami, ganyan.

Hanggang sa naglakas ng loob akong mag confess sa kanya na may gusto ako sa kanya. I confessed to her right after we performed on the Final Talent's Competition. Hindi ko inexpect na nag confess din siya sakin. Sabi niya na crush niya ako. Who wouldn't be happy right?

Kahit nag confess na kami na gusto namin ang isa't isa, komportable pa din kami sa isa't isa. Makapag-usap pa din kami ng maayos, makapag practice, walang ilangan, we're fine.

Hanggang sa naglakas naman ulit ako ng loob na magsabi sa kanya na...

"Can I court you?"

At first akala ko hindi siya papayag. But I was shocked when she said:

"Yes."

Hindi ko ma-contain ang sarili ko. Puta, gusto kong sumigaw nun at tsaka yakapin siya ng mahigpit. At ako eto ngayon, nanliligaw pa din sa kanya. I can wait for her. Kaya ko siyang hintayin hanggang sa mamatay kami. I won't give up on her.

I'm going to protect her. Poprotektahan ko siya. I'm going to be her shield, her angel when she needs me, and her shoulder who she can lean on. I'm going to do whatever it takes to protect her. At tsaka mamahalin ko siya ng buong buo.

Chrystal is my precious Crystal.

***************
Author's Note:
Sorry sa mga readers na naghihintay ng update ko. I'm very sorry. Ngayon lang kasi ako naka-update dahil busy ako sa school eh. Huhu, kasi naman andami ng mga assignments na pinagawa samin kaya wala talaga akong oras makapag-update. Pramis, I'll do my very best to update this weekend. Sorry po ulit sa mga readers who got tired waiting for me to update. Mianhae, cheongmal mianhae.

~Song Sang Ki💖

Eto pang pa cheer up

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Eto pang pa cheer up. My hobi💖

BAD BOY IN LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon