Chapt. 63 About to

186 3 1
                                    

CASS' POV

Nang maibukas ko yung dalawang mga mata ko, imahe agad ng mga tao ang makikita ko. Inikot ko yung tingin ko sa buong paligid. Madilim. Tila isang ilaw lang ang nag-iilaw sa buong paligid. Napatingin sakin yung lalakeng naka mask, naka black sunglasses at may scarf sa bibig. Ang putanginang lalakeng nagpanggap bilang si Andrew.

"Gising na pala ang prinsesa natin eh. Kamusta tulog, Cassandra?" Sabi ng isa na may boses ng babae.

"Sino kayo?!" Sinubukan kong galawin ang mga kamay ko nang marealize ko na nakatali pala ang mga kamay ko sa likod ng upuan na inuupuan ko ngayon.

"Malalaman mo din, Cass. But for now, dito ka muna okay? Isusundo pa kasi namin ang tatlo mo pang mga kaibigan. Naghahanap pa kami ng tamang oras at lugar para sunduin sila." Sabi pa ng isa na may boses din ng babae. Sino 'tong mag taong 'to?

"Don't you dare."

"Maygash nakakatakot naman! Anong magagawa mo ha? Wala naman diba? Kaya it's best if you sit here and pahinga muna."

"Huwag niyong galawin ang mga kaibigan ko!" Galit na sabi ko at sinubukang kumawala sa tali pero sumasakit lang lalo yung kamay ko.

"Sige maiwan ka muna dito ah? Sleep well!" Narinig ko kaagad yung malakas na pagsira ng pintuan. Inikot ko ulit yung paligid, hoping na makakita ako ng matulis na bagay o ano.

Sh-t... I hate this place...

ANDREW'S POV

"Sir!" Tumakbo agad ako sa lalakeng studyante na nakaupo sa tapat ng convenience store. "Eto po." Inabot niya sakin yung cellphone ni Cass.

"Nakita mo ba ang owner ng cellphone na eto?" Bakas sa boses ko yung panic. Hindi na ako makapagsalita ng maayos sa sobrang takot. Nag-aalala na ako ng sobra kay Cass at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

"Hindi po sir."

"Sige. Salamat." Umalis agad ako at tumakbo sa kung saan-saan. Pumunta ako sa malapit na supermarket baka nandoon siya. Pero pagdating ko dun, wala siya dun. Napahinto ako sa pagtatakbo sa tabi ng kalsada. Nanginginig na yung mga kamay ko dahil sa sobrang takot at kaba. Kung anu-ano na ang mga pumapasok sa isip ko na nagtatakot sa akin. Ayaw ko yun paniniwalaan yun.

Tatakbo na sana ako nang makarinig ako ng vibration sa bulsa ko. Kinapa ko yung bulsa ko para makuha ko yung cellphone ko. Unknown number.

"Sino 'to?"

["Si Andrew Tan ba 'to?"] Naikuyom ko kaagad ang mga palad ko nang makarinig ng boses ng lalake.

"Sino 'to?"

Rinig na rinig ko yung tawa niya sa kabilang linya. A laugh that sounds like he's mocking me.

["Hulaan mo. By the way, hawak-hawak namin ang prinsesa mo."]

"Pakker ka! Huwag na huwag mong galawin o saktan si Cass!!"

["Hanapin mo muna kung nasaan kami."]

"Pakyuu kang gago ka! Huwag mong galawin si Cass!"

["Andrew! Huwag kang pumunta dito please! Please parang awa mo huwag mong hanapin ako. I'm fine really..."]

"Cass...." Parang nanghihina yung katawan ko dahil sa mahinang boses ni Cass. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

["Huwag mo akong hanapin Andrew. I'm begging you, papatayin ka nila kapag pumunta ka dito. Please stay where you are, don't look for me. Maging okay din ako Andrew. Huwag kang mag-- AHHHHH!!!"] Nakarinig ako ng malakas na hampas sa kabilang linya. Nanlaki yung mga mata ko at umiinit na yung ulo ko dahil sa galit.

BAD BOY IN LUVWhere stories live. Discover now