Chapter 75

3.6K 95 2
                                    

Chapter 75: We will
   
  
  
  
  
Hindi ako dumiretso sa bahay namin. Tumungo ako sa bahay nina Skylar para doon matulog dahil alam kong may posibilidad na pumunta sa bahay namin si Hunter. Ayokong marinig lahat ng kasinungalin niya gayong kitang kita naman ng dalawang mata ko ang panlolokong ginawa niya kasama si Claudette.
    
  
"Zoe, I-I never meant to hurt you.."
   
   
Bullshit! Hindi niya sadyang saktan ako pero nagawa na niya! Kung talagang mahal niya ako, edi sana sa umpisa pa lang nilayuan na niya yung ex girlfriend niya pero hindi! Alam na niyang may nakaraan na sila pero nakisama pa rin siya.
   
  
Maraming paraan Hunter! MARAMI! Wag mong sabihin na dahil may pinagsamahan kayo kaya hindi mo siya magawang itulak nung halikan ka niya. Like Damn!! Hindi ako tanga para hindi ko maisip na may nararamdaman ka pa rin sakanya. Ginusto mo rin ang nangyari kaya hinayaan mo lang siya!
    
   
Errr!
    
  
Tuluyan na namang bumuhos ang mga luha sa mga mata ko. Paulit ulit na sakit na lang ang nararamdaman ko dahil kay Hunter. Kinaya kong tiisin noon dahil mahal ko siya. Pinalampas ko ang sakit na nararamdaman ko para lang sakanya. Pero ito? Hindi na. Ayoko na. Sawang sawa na ako.
   
  
All this time, nagawa kong magtiwala sa mga sinabi niya. Naniwala akong hindi niya ako magagawang saktan at ipagpalit sa iba....pero nagkamali pala ako.
  
  
"Zoe, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Skylar. Hinarap ko lang siya sa naluluha kong mga mata. "O great! Ang tanga ko talaga. Bakit ko ba tinanong ang bagay na yun, e obvious namang hindi." dagdag niya.
  
 
Napapunas ako sa gilid ng mata ko at pilit na ngumiti. "I'm fine Skylar. Pasensya na at naabala pa kita."
   
 
"Nako Zoe, wag mo ngang isipin yan. Kahit kailan, hindi ka nakaabala sakin." nakangiti niyang saad.
   
 
"Thanks.." sagot ko na lang sabay umiwas ng tingin.
   
 
Sandaling natahimik ang paligid. Alam kong pinagmamasdan ako ni Skylar pero hindi ko na lang ito nagawang pansinin. Masyado akong nalulunod sa alaalang may ibang mas mahal si Hunter at yun ay si Claudette na unang nagpatibok ng puso niya.
     
  
"Zoe..ano ba talagang nangyari?" maya-mayang tanong ni Skylar.
   
 
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya. Nasasaktan lang kasi ako pag umuulit sa utak ko ang nasaksihan ko sa condo ni Hunter.
     
   
"He doesn't love me anymore.." napayuko ako ng maramdaman ko na naman ang pananakit ng lalamunan ko.
  
 
"Huh? P-Paano mo naman nasabi yan?"
   

"Dahil sa ex niya." matipid kong sagot.
   
  
"Ex niya? Teka, mahal niya pa ang ex niya??"
  
 
Napabuntong hininga ako. "Wala siyang sinabi pero yun ang nararamdaman ko... Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano sila magtitigan, and I felt so stupid that time Skylar... niloko niya ako." naghalikan pa sila kahit alam na naman ni Hunter na hindi dapat mangyari yun. Isama mo pa yung si Claudette na may tinatagong landi sa katawan niya. Alam na niyang may bago ng girlfriend si Hunter pero pinagpilitan niya pa rin ang sarili niya.
  
 
Oo at may karapatan siyang sabihin ang nararamdaman niya sa taong mahal niya pero sana naman, alam niyang ilugar yung sarili niya!
  
  
"Wala naman pala siyang sinabi... Tsaka imposibleng babalikan ni Hunter ang ex niya lalo na't meron na kayong relasyong dalawa." yun na nga yung punto ko, meron na ngang kami, pero nakuha niya pa rin akong saktan. "Baka na-misinterpret mo lang ang mga nakita mo Zoe." sambit ni Skylar na halatang pinapagaan ang loob ko. 
   
 
"Hindi ko alam Skylar... hindi ko na alam.." sana ganon na lang kadaling paniwalaan na mali lang ang mga nakita ko. Na sana madali lang ayusin ang nawasak kong puso.
  
 
Pero hindi...
  
  
Inilapit ni Skylar ang sarili niya sabay patong ng kamay niya sa likod ko. "Alam kong wala ako sa sitwasyon niyo ni Hunter para manghimasok sa relasyon ninyong dalawa.. pero hindi tamang basta basta niyo na lang iwasan ang isa't isa ng hindi nalalaman ang totoong rason ng problema ninyo... Mabuting pag-usapan niyo ng maayos bago kayo gumawa ng desisyon na pagsisisihan niyo sa huli Zoe." napakagat ako ng ibabang labi sa pagpipigil ng luha ko.
   
  
Litong-lito na ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung ano ang tama at dapat kong gawin. Naglalaban ang puso't isip ko, pati konsensya ko nakikisama na rin. Para na lang atang sasabog ako sa halu-halong emosyon na nararamdaman ko.
  
   
    
    
   
Sa sumunod na mga gabi, panay ang text at call ni Hunter sa phone ko. Hindi ko iyon sinasagot dahil wala talaga akong ganang makipag-usap sakanya. Panay lang ang pagiging tulala ko sa isang bagay habang lumilipad ang isip ko. Wala akong alam na gawin kundi ang tumunganga na lang at magmukmok sa kwarto ni Skylar. Hinahayaan na lang niya ako dahil mukhang naiintindihan naman niya ang kalagayan ko.
    
  
"Zoe.." pagtawag ni Skylar. "Nasa labas si Hunter.." nanlaki ang mga mata kong hinarap si Skylar sa sinabi niya.
    
   
Napabangon ako sa hinihigaan ko.
   
 
"What?! No way!"
   
 
"S-Sorry, nasabi ko kasi kay Chris na nandito ka... Tapos nabanggit naman ni Chris kay Hunter kaya nngungulit siya ngayon.. gusto ka daw niyang kausapin. Napa-oo na rin naman ako dahil nahihirapan din akong nakikitang nagkakaganyan ka... Malay mo, mali pala ang--"
   
 
"Kahit na Skylar..." agad kong pinutol ang sinasabi niya. "Hindi pa ako handang kausapin si Hunter. Puno pa rin ako ng galit sakanya... sa tuwing naaalala ko siya, silang dalawa ni Claudette ang lumalabas sa isip ko."
     
   
*tok! tok! tok!*
   
 
sabay kaming napaharap ni Skylar sa pinto. "Zoe..." biglang kumalabog ang puso ko ng marinig ang boses ni Hunter.
   
 
Namiss ko siya pero....Ugh!
   
  
Nilingon kong muli si Skylar tsaka umiling. "Ayos lang kung ayaw mo siyang kausapin, Zoe... pero kahit makinig ka man lang sakanya, okay na. Bigyan mo siya ng chance na magpaliwanag.." sandali akong napaisip sa sinabi ni Skylar. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako sumagot ng, "Sige, papasukin mo siya."
  
 
Ngumiti si Skylar bago niya ako talikuran. Humiga akong muli sa kama tsaka kinumutan ang sarili ko hanggang bewang. Susundin ko ang payo ni Skylar, makikinig lang ako kay Hunter pero hindi ko siya haharapin.
  
 
"Thanks Skylar.." dinig kong ani Hunter sa may pinto. Pumikit ako ng marinig ko ang paghakbang niya papalapit sakin. Natutukso ako. Gusto kong humarap para yakapin siya pero kasalungat iyon ng sinasabi ng utak ko. Pinipigilan ako nito gamit ang masakit na alaalang nagawa ni Hunter.
   
   
"Zoe.." hindi ako sumagot. Naramdaman ko ang paglubog ng gilid ng kama dahil sa pag-upo niya sa likod ko. "Namimiss na kita..." saad niya sa malungkot niyang boses.
   
 
Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naiiyak na naman ako sa sitwasyon naming dalawa. Kahit kailan, hindi ko inisip na hahantong kami sa ganito. Ang akala ko noon, magiging masaya kami sa relasyon namin. Pero tama nga sila, kapag nagmahal ka, may kaakibat itong sakit na dapat mong harapin. Pero tama bang maramdaman ko ang ganitong katinding sakit?? Tama bang maramdaman kong parang pinapatay ako sa loob ko sa ideyang may ibang mahal ang taong mahal ko??
   
  
Damn!
   
 
Nandito ba siya para humingi ng tawad dahil nakita ko ang totoo? Nandito ba siya para sabihing si Claudette na ulit ang mahal niya? Nandito ba siya para makipaghiwalay? Para magpaalam?? Cause God, I can't!!
     
     
"Alam kong gising ka, and it's okay if you don't want to talk to me, Zoe.. but for now, please give me a chance to explain myself." dinig ko ang pagsinghap niya ng malalim. "Hindi ko alam na sumunod si Claudette dito sa Pilipinas.. nagulat rin ako nung bigla ko siyang makita sa labas ng condo ko.. I thought that she needs something about our business kaya hinayaan ko siya... Hanggang sa pumasok siya sa kwarto ko at nagconfess na mahal pa rin niya daw ako.." pagkatapos naghalikan kayo. Oo, alam ko. Nakita ko nga diba. Kaya nga ako nasaktan diba.
  
 
"Stop." utos ko bago niya pa maituloy ang sinasabi niya. Hindi ko na kayang marinig ulit ang senaryong yun sa condo niya.
   
  
Dahan dahan akong napabangon sa hinihigaan ko tsaka siya nilingon. "Nakita ko na lahat kaya wala ka ng dapat ulitin pa sa nangyari sainyo, Hunter." walang gana kong sambit.
  
 
Kumunot ang noo niya. "Kung nakita mo lahat, then why are you acting this way, Zoe?" naguguluhan niyang tanong.
   
 
"Anong gusto mong gawin ko? Na matuwa ako dahil narinig ko ang pag-amin ng ex mo? Na magpa-party ako dahil nakita kong naghalikan kayong dalawa, ganon ba ha Hunter? Sige nga, kung ikaw ang makakita na may kahalikan akong iba, matutuwa ka ba?" sandali siyang natahimik sa sinabi ko. Nilapit niya ang mga kamay niya sakin pero tinabig ko iyon.
   
 
"Oo hinalikan ako ni Claudette pero hindi ko naman yun ginusto--"
  
 
"Liar!" pasinghal kong utas sakanya. "Hindi mo ginusto pero bakit hindi mo pinigilan? Bakit hinayaan mo lang siya? Hunter, ang daming paraan para tumigil siya yet you still chose to let her do what she wants to do because you still have feelings for her!"
  
 
"God Zoe, hindi yan totoo.. Alam mong ikaw na ang mahal ko.. ikaw lang."
   
 
"Oo alam kong ako lang ang mahal mo Hunter. Pero nung dumating yang si Claudette, hindi ko na alam.."
   
 
Kumuyom ang panga niya. "Is this how little you think of my love for you, huh Zoe?" kasabay nun ang pagtulo ng luha sa kaliwang mata niya.
  
 
Natahimik ako.
 
   
Lalong dinudurog ang puso ko. Napayuko ako. Hindi ko na siya magawang lingunin dahil sa luhang umaagos sa mga mata ko. Nasasaktan na ako sa sitwasyon namin.
    
  
"Alam kong kasalanan ko lahat ng 'to pero maniwala ka, wala na akong nararamdaman kay Claudette... Hindi ko tinanggap ang pagmamahal niya dahil sinabi kong ikaw na ang mahal ko." garalgal na ang boses niya sa pagkakataong iyon. Alam kong nasasaktan na rin siya pero wala akong magawa. Mahal ko siya pero kinakain ako ng pride ko.
     
    
Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko. "Please Zoe, believe me.." hinalikan niya ang mga kamay ko na para bang nagmamakaawa na patawarin ko siya. Gusto ko, pero hindi ko pa kaya ngayon.
  
 
Umiling ako. "Leave me alone.."
  
 
"No Zoe, please don't hurt me like this.." basag na ang boses niya dahil sa walang tigil niyang pag-iyak. Ayoko namang magpakaplastik sakanya at sabihing ayos na ang lahat kahit hindi naman talaga.
   
 
I'm sorry Hunter....
    
  
"Hunter please, I just need some time for myself.." pakiusap ko.
  
   
"Zoe.." paos niyang pagbanggit sa pangalan ko. "Maaayos pa rin natin to, diba?" Humugot ako ng malalim na hininga at dahan dahang inalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya.
  
   
Nagpunas ako ng pisngi.
    
 
"Leave."
  
 
"Zoe--"
  

"I said leave." madiin kong sambit sakanya. Iniwas ko ang tingin ko sakanya tsaka ako humigang muli para talikuran siya.
   
 
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Ramdam ko rin ang pag-angat ng kama senyales na tumayo na siya.
    
  
"We'll still gonna fight for each other, Zoe...cause we are not the couple who doesn't try." huling saad niya bago ko marinig ang paghakbang niya papalayo at pagbukas-sara ng pinto.
   
  
 
We will..
      
   
  
---

Innocent Devil meets Naughty AngelWhere stories live. Discover now