Chapter 40

3.7K 105 17
                                    

Chapter 40: Anak
    
    
    
    
    
Kasalukuyan akong pumipili ng damit na isosoot ko para sa pag-alis namin mamaya. Pagkauwi ko kasi galing ng party kagabi, sinabihan ako ni dad na makikipagkita kami ngayong araw sa lalakeng ipapakasal sakin. Syempre bilang anak, wala akong magagawa kundi ang sumunod sa utos nya.
    
  
Kahit labag sa kalooban ko.
    
   
"Zoe.." napapikit ako ng mariin sa inis. Narinig ko na naman kasi ang boses nya at halatang pumasok na naman sya ng kwarto ko ng walang pahintulot.
     
   
Napabuntong hininga akong humarap sakanya. "How many times do I have to tell you this Leah, knock first before entering my room." napairap ako't muling hinarap ang cabinet ko. Letche! Why can't I choose any of this clothes?
    
   
"Pasensya na.. Nakabukas kasi yung pinto kaya pumasok na ako."
    
   
"Tss. Whatever." saad ko ng hindi siya nililingon.
   
   
"Ahm.. Gusto lang sana kitang makausap, Zoe."
    
   
Hinarap ko siya. "Makausap?"
   
 
"Tungkol sa arrange marriage mo." hell yeah. Mukhang nabanggit na sakanya ni dad. Hindi rin naman ako magtataka pa. Halos ilang buwan na namin siyang kasama sa bahay kaya marami na rin syang nalalaman.
     
   
"So?"
   
   
"Gusto mo ba talagang gawin to? O napipilitan ka lang dahil sa daddy mo?" napaiwas ako ng tingin sa tanong nya. Ang daming sagot na pumasok sa isip ko. Ang daming salita na gusto kong sabihin kay Leah. Pero naisip ko, kahit ibulalas ko ito sakanya, wala rin namang mangyayari. Mas mabuti pang kimkimin ko na lang ito.
   
     
"H-Hindi naman sa nangingialam ako Zoe. Pero kung ayaw mo talaga, pwede kong kausapin ang daddy mo tungkol dito."
     
    
Natawa ako ng mapakla sa sinabi nya. "Satingin mo ba pakikinggan ka nya? Ha! Ako nga na anak niya, walang nagawa. Ikaw pa kaya na.." sampid lang dito. Hindi ko na nagawang ituloy ang sinasabi ko. Pakiramdam ko ayoko siyang saktan sa mga salita ko kahit na kinamumuhian ko siya. Ang gulo.
    
    
"Wala namang masama kung susubukan ko para sayo Zoe. Sabihin mo lang kung gusto mo, gagawin ko naman."
    
   
"You don't have to. Hindi mo mapipilit si dad kahit anong sabihin mo. All he thinks is just for himself. You can't please him. Kahit maglupasay ka pa sa daan, walang mangyayari." sandali akong napabuntong hininga. "He always tells me na para sakin lahat ng 'to...  kahit halata namang para sakanya lang talaga. Lahat ng desisyon, dapat nakabase sakanya. Dapat alam mo yan dahil asawa kana nya ngayon. Makasarili si dad, Leah."
     
  
Mabilis siyang napalapit sa harapan ko. "Zoe, wag mong sabihin yan. Hindi yan totoo."
    
  
"Totoo yun! Panong hindi ko sasabihin yun e ama ko sya. Matagal ko na syang nakakasama. Isa pa, ikaw ang isa sa mga ebidensya na sarili nya lang ang iniisip nya. He chose you over me." at masakit yun bilang isang anak. Para kang tinapon kasi wala ka ng kwenta. Ganon ang pakiramdam ko, Leah.
      
   
"Wag mong isin yan Zoe. Daddy mo pa rin sya. Mahal ka niya at hindi ka niya pinagpalit kahit kanino man...kahit sakin." sinubukan niyang hawakan ako pero agad kong tinabig ang kamay nya.
    
  
"Nasasabi mo lang yan kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko. Subukan mong lumugar dito, baka sakaling maintindihan mo ang sinasabi ko."
    
  
Napabuntong hininga sya. "Hindi na kailangan Zoe. Naiintindihan ko ang mga sinasabi mo dahil mas higit pa ang nangyari sakin sa sitwasyon mo ngayon." kumunot ang noo ko ng tumigil siya. Tinitigan ko sya na para bang naghihintay ako sa susunod na sasabihin nya. "Inabandona ako ng sarili kong mga magulang. Naghiwalay sila at nagkaron ng kanya-kanyang pamilya. Iniwan lang nila ako sa lola ko. Masakit yun bilang anak. Pakiramdam ko, basura na lang ako para sakanila. Walang kwenta kaya tinapon at kinalimutan." halos pabulong na lang nya ng sabihin ang huling pangungusap. Kahit na tinititigan ko lang sya, pakiramdam ko'y nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nya.
   
    
Napayuko ako. "Sorry.." yun lang ang tanging nasabi ko. Hindi ko alam pero yun ang gustong sabihin ng puso ko. Parang kanina lang ay naiinis ako pero ngayon ay nagbago na. Alam ko, mas nangingibabaw ngayon ang awa at lungkot ko para kay Leah.
    
   
Ramdam kong hinawakan nya ang kanang balikat ko. Napatingin naman ako sakanya't bumungad ang maaliwalas nyang mukha na may ngiti sa labi nya. Mama...
     
  
Nakita ko na naman si mama sakanya.
   
    
"Ma'am Zoe, Ma'am Leah." tawag ng isang maid sa may pinto. Sabay kaming napaharap ni Leah sakanya. "Aalis na daw po kayo sabi ni sir." anya.
   
  
"Sige po manang, pakisabi susunod na kami." nakangiting sagot ni Leah bago umalis ang maid.
     
   
"Magbibihis lang muna 'ko." saad ko.
    
 
Tumango siya. Mas lumaki ang ngiti niya. "Sige Zoe, hihintayin na lang kita sa labas." utas niya bago ako talikuran.
   
  
Pinagmasdan ko ang kabuuan nya bago ko siya muling tawagin. "Uhh, Leah sandali."
     
  
"Bakit Zoe?"
   
  
"Not to offend you, pero, yan na ba ang isosoot mo sa pag-alis natin?" tanong ko. Tiningnan naman nya ang sarili nyang soot at napatango sya na parang hindi sigurado sa sagot nyang 'oo'.
     
   
"Magpalit ka ng iba. Pagdating kasi sa negosyo, gusto ni dad na presentable ang lahat. Maayos at perpekto." dahan dahan ko pang sinabi ang huling pangungusap. Hindi naman sa nanghuhusga pero mapagkakamalan talaga syang katulong sa mahabang palda at long sleeves na soot nya. Baka ano pang isipin ng mga kasosyo ni dad na imi-meet namin mamaya.
    
    
"Uhh kase, ito na ang pinakamaayos sa mga damit ko Zoe. Pasensya na, hindi na lang siguro ako sasama."
   
  
"No. Hindi papayag si dad... Sandali." saad ko at mabilis na tumungo sa cabinet ko. Naalala ko kasi na nandoon ang paboritong dress ni mama. Sinadya kong itago ito sa cabinet bilang remembrance ko sakanya nung namatay sya. "Eto, isoot mo." sabi ko ng mailabas ko ang damit.
   
   
"Nako! Hindi na Zoe, nakakahiya sayo. Damit mo yan."
    
  
"Come on Leah. Wag ka ng mahiya. Tsaka hindi naman sakin 'to. Kay mommy ko. Tinabi ko lang sa cabinet nung nawala sya.." napabuntong hininga ako at pilit na inalis ang lungkot na nararamdaman ko. "Kaya sige na, isoot mo na. Ayokong mapagkamalan ka nilang katulong tulad ng nagawa ko noon." natatawang sabi ko.
    
    
Kinuha na rin nya ang damit at ngumiti. Nagulat pa ako ng bigla nya akong yakapin. "Salamat, anak."
     
    
   
---

Innocent Devil meets Naughty AngelWhere stories live. Discover now