Chapter 26

4K 118 6
                                    

Chapter 26: Cute
    
     
     
     
    
Pagkatapos kong hinanda ang mga gamit ko para sa Beach wear festival, nagpahatid na rin ako sa driver ko sa meeting place namin ni George. Hindi naman niya kasi alam kung saan ako nakatira kaya hindi niya rin ako masusundo sa bahay.
       
    
"2 days and 1 night, not bad." saad ko ng makababa ako ng kotse ni George. Pagkatapos ng halos tatlong oras na byahe ay nakarating din kami sa mismong resort ng beach.
     
      
Maganda ang tanawin.
     
    
Sobrang ganda...
    
      
Nakatanggap na rin ako ng text kay Hunter na kanina pa sila umano nakarating ni Colline dito sakay ng Porsche nyang kotse. Hindi ko na lang muna nireplyan dahil baka makahalata si George na palagi akong may katext sa phone.
      
       
"2 rooms for us." saad ni George ng makalapit kami sa accommodation area.
         
     
"Hindi po kayo magsasama?"
   
    
"Kaya nga 2 rooms meaning hiwalay diba. Common sense, gosh!" sarkastikong sagot ko. Halatang nagulat si George sa inasta ko. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko sa tanong nung babae dahil obvious naman ang sagot.
     
    
"O-Opo.." napayukong sabi nya. Inassist niya kami patungo sa mga kwartong tutuluyan namin. Nauna akong hinatid at sumunod naman ang kay George.
      
      
Maaga pa naman kaya napahiga akong sandali sa kama. Naisip kong bigla si Hunter, for sure busug na busog na ang mga mata nyang nagmamasid sa mga babaeng natatanaw niya dito sa Beach. I wonder, ano na rin kayang ginagawa ni Colline sakanya. Tss.
     
       
"Kahit bukas lang, paniwalain mo si Colline na may pag-asa pa sainyong dalawa."
     
          
Napasinghap ako ng malalim ng maalala ko ang sinabi ko kay Hunter kahapon. Sumang-ayon naman sya. Napagdesisyunang ko na ring magbihis na ng two piece para sa paglabas ko ng room. Ayoko ng sayangin ang oras sa mga plano ko kaya naman tinext ko na rin si Hunter na magready na sya kasama si Colline.
       
        
"Wow Zoe, n-nakakapanibago ka na talaga." saad ni George sa paglabas ko ng kwarto. Nagsoot muna ako ng short-shorts pero wala akong sinoot na pandoble sa pang-itaas ko.
    
      
Ngumuso naman ako. "Hindi ba bagay?"
    
    
"H-Ha? Syempre bagay... bagay na bagay mo." aniya kaya napangiti ako sabay sabing salamat. Pinagmasdan ko siya ng sandali at napansin ang pamumula ng kanyang mga tenga at pisngi.
     
   
     
      
Silence.....
     
      
     
     
"George... let's go?" saad ko ng mapatulala siya sakin.
     
     
"Uhh, oo tara." sabay naming inilakad ang hallway ng villa papalabas ng beach.
    
     
Pansin ko sa peripheral view ko ang mga taong napapatingin sa pagdaan ko. Pati ang ulo nila ay napapasama sa paglakad ko.
        
       
"Come closer to me, Zoe." biglang hila saakin ni George papalapit sakanya. Mukhang napansin niya rin ang mga matang napapatitig sakin. Dati hindi naman sya ganito. O well..
     
     
Tirik na tirik pa ang araw kaya marami talaga ang mga taong nagsasamantala sa magandang kundisyon ng panahon. Inilibot ko pa ang paningin ko sa beach tsaka ko nabatchawan ang dalawang taong kanina ko pa inaasahang makita.
      
        
"Doon tayo George." pagyayaya ko sakanya sabay turo sa lugar malapit sa kinatatayuan ni Colline at Hunter. Sumang-ayon naman si George at nagpatianod sa paghila ko sakanya.
    
      
Habang papalapit kami sakanila, ay nahalata ko na agad ang walang ganang itsura ni Hunter. Halatang napipilitan na lang siyang makisama kay Colline. Gusto ko sana siyang senyasanan na ayus ayusin niya ang pakikitungo niya kay Colline pero napansin ko na naman ang pagiging tulala ni George sakin.
      
      
"Hey.." saad ko kay George sabay kaway ko ng kamay sa mukha nya. Napakurap kurap naman syang nabalik sa sariling katinuan.
    
   
"Y-Yes?"
     
     
"We're here."
     
   
"Uh, yeah.." parang may kakaiba sa ikinikilos ni George. Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko, dahil sakin iyon.
     
     
Ng muli kong ibinaling ang atensyon ko kina Hunter, hindi ko inaasahan na magtatama agad ang mga mata naming dalawa. Para siyang halaman na nadiligan at muling nabuhayan sa itsura niya. Kung kanina todo simangot sya, ngayon ay lagpas tenga na ang ngiti niya.
      
       
"That's Colline, right?" saad ko kay George na kunwaring wala akong kaalam alam na nandito sila.
        
      
"Colline!" pagtawag nya. Hindi sya narinig nito kaya tumakbo na sya papalapit kay Colline. Sumunod naman ako.
     
       
"You're here?" dinig ko ng makalapit ako sakanila. Nakakunot naman ang noo ni Hunter na tinititigan ang dalawa pabalik sakin. Mukhang nakukuha na nya ang rason kung bakit gusto kong saktan ang dalawa.
    
       
"Yeah, niyaya ako ni Zoe." aniya sabay turo sakin. Nanibago bigla ang timpla ng mukha ni Colline. Naiinis na sya.
     
     
"Sige, enjoy. Alis na kami." walang gana nyang saad sabay hila kay Hunter. Kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni George.
     
     
Napalingon ako sa ibang direksyon para itago ang tuwang nararamdaman ko. Nakaka-excite panoorin ang reaksyon ng dalawa. Si Colline na nairita ng makita ako, at si George na nalungkot ng makita si Colline na kasama si Hunter.
     
      
     
*bvvv! bvvv!*
(Text message from Hunter)
"Stop smiling, it's so cute."
     
      
Napalingon ako kay Hunter at nahuli ang seryosong pagtitig nya sakin. Para siyang nahiya sa nakita ko kaya napaiwas siyang bigla ng tingin. Damn Hunter, stop being so cute.
      
      
    
---

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon