Chapter 39

3.7K 165 24
                                    

Chapter 39: You shouldn't
  
   
    
    
     
Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapasulyap sa table nila Hunter at Stella. Nakakainis lang kasing tingnan na parang ang saya pa nilang dalawa sa isa't isa. Ni hindi man lang ako sinabihan ni Hunter na dadalhin nya yang babaeng yan dito sa party ng kambal. Hindi kasi pwedeng magkita si Mckey at Stella lalo na't nandito rin si Autumn. Malaking gulo pag nagkataon.
    
    
Buti na lang at medyo malayo layo ang pwesto ng table ni Mckey. Mukha rin namang walang balak itong si Stella na umalis sa tabi ni Hunter.
     
     
Edi wow.
     
    
"Zoe, yung gift mo sa kambal hindi mo pa nabibigay." saad ni Hailey habang umiinom ng wine.
    
  
"Shit! oo nga pala!" nawala na sa isip kong ibigay tong mga regalo ko sakanila. Bwisit kasi tong Hunter na 'to. Basta. Siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito.
    
     
"Iaabot ko lang muna 'to sakanila." pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko. Tumango naman sila kaya tumayo na ako.
   
   
Inilibot ko muna ang paningin ko sa buong party. Baka kasi nasa paligid lang ang kambal at nag-e-enterain ng mga bisita.
   
  
"Hi Zoe." bati ng isang moreno at matangkad na lalake ng humarang sya sa dinaraanan ko. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka. Pamilyar sya pero hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
   
  
"Do I know you?"
   
   
Natawa siya ng kaunti at naglahad ng kamay. "I'm Daniel de Guzman. Chris and Autumn's cousin." nakangiting pagpapakilala nya. Tinanggap ko naman ang kamay nya.
   
  
"Ahh yeah, I remember. Sa NAU ka rin nag-aaral, right?"
   
  
"Yep. I'm one of the varsity players in our basketball team." I see. Parehas pala kayo ni Hunter. Napatangu-tango na lang ako at ngumiti. Wala na akong masabi.
    
   
Napatingin ako sa kamay kong hawak nya pa rin pala hanggang ngayon. I find this awkward. "Uhh, you can let go of my hand Daniel."
   
  
"Ohh, sorry." saad nya sabay napakamot sa batok nya. Napangiti ako ng kaunti ng makitang namula ang mukha nya. Ngayon ko lang napansin na may itsura pala tong pinsan nina Autumn. Kung sabagay, magaganda ang lahi ng pamilya nila kaya hindi na dapat ako magtaka kung pati tong si Daniel ay may pagkakahawig kay Chris.
    
    
"Aalis ka na ba?" biglang tanong ni Daniel.
   
 
Napailing naman ako. "No, I'll just give this gifts for the twins." pagtukoy ko sa paper bags. "Nakita mo ba sila?" tanong ko pa.
   
  
"Hm. Kanina kasa-kasama pa lang namin sila pero umalis rin agad. Mukhang mahihirapan ka dahil sa dami ng bisita." saad nya habang lumilingon sa paligid na tila naghahanap sa kambal. "Gusto mo, samahan kita?" alok nya.
    
  
"Okay lang ba sayo?"
   
  
"Of course. Maliit na bagay lang naman yun." hindi ko magawang alisin ang ngiti ko sakanya. Hindi ko rin naman kasi maitatanggi na bukod sa pagiging gwapo ay mukha rin syang mabait.
    
   
Sabay kaming naglakad ni Daniel para maghanap sa kambal. Pakiramdam ko nga'y hindi kami naghahanap dahil mas nagmukha kaming namamasyal. Hindi rin naman ako nagmamadaling maibigay ang mga regalo kaya hinayaan ko na lang rin sa pagkekwento itong si Daniel. Panay tuloy ang tawa ko sa mga jokes nya.
    
   
"Ayun pala sila Chris." usal ni Daniel ng mabatchawan niya ang kambal na naglalakad papasok ng bahay nila.
   
  
"Tara, puntahan natin." pagyayaya ko. Hinawakan pa ako ni Daniel sa kamay para alalayan sa pag-akyat sa tatlong hakbang na hagdan papalapit sa kambal.
   
   
"Autumn, Chris!" tawag nya. Agad naman syang narinig ng dalawa at natigil para maghintay sa paglapit namin.
  
  
"Happy Birthday twins." bati ko ulit sakanila sa pangalawang beses. Iniabot ko na rin ang regalo ko sakanila na ipinagpasalamat naman nila.
   
   
"Buti magkasama kayo?" nakangiting tanong ni Chris samin ni Daniel. Nagkatinginan naman kami ni Daniel at sabay pang natawa.
    
  
"Actually ako 'tong unang bumati sakanya kanina. Nagpakilala ako hanggang sa ito, sinamahan ko siya. I didn't expect na ganito pala siya kabait." napailing naman ako sa pambobola niya. Feeling ko nga joke pa rin yung sinabi nya dahil kahit sarili ko, hindi makapaniwalang mabait ako.
    
   
"By the way Zoe, nagtext pala si tito. He's asking for you. Hindi ka daw kasi sumasagot sa mga text and calls nya. Sinabi ko naman na nandito ka sa birthday party namin ni Chris and that you're safe." napakapa ako sa katawan ko't naalalang wala pa lang bulsa ang dress. Sinilip ko rin ang wallet ko pero hindi ko pa rin nakita ang phone ko.
   
  
Yeah right! I forgot it in my car. Psh.
   
   
"Thanks for telling me that Autumn. Sorry naabala ka pa tuloy ni dad."
  
 
"Oh no it's okay. Basta tungkol sainyo ng mga kaibigan ko, walang problema sakin." see that? Eto ang matatawag na mabait.
  
  
"Thank you again Autumn." sabay beso ko sakanya. "Mauna na muna ko. Kukunin ko lang muna yung phone ko sa kotse para hindi kana istorbohin ni dad." natatawang sabi ko kahit totoo naman.
    
  
For sure, may gusto na namang sabihin si dad sakin kaya sya napatawag. Baka nga pagalitan na naman nya 'ko. Kasi ganon naman lagi e. Never pang nangyari na tumawag sya dahil nag-aalala sya.
   
   
"Samahan na kita Zoe." alok ulit ni Daniel.
   
 
"Uhh no it's okay. I can do it by myself Daniel. Malapit lang rin naman." huling saad ko bago sila lisanin.
    
   
Agad kong tinahak ang daan patungo sa pinagpark ko ng sasakyan ko. Hindi pa man ako nakakalapit ay pinatunog ko ng agad ang alarm para mabuksan ko ng agad ang pinto.
   
   
"Gotcha!" usal ko sa phone ko ng makuha ko ito sa loob ng kotse. Sandali ko pa itong pinagmasdan at nakita nga ang dalawang text at tatlong missed calls ni dad.
    
   
Tss. Whatever.
    
 
Agad kong sinara ang pinto ng kotse. Sa pagtalikod ko ay hindi ko inaasahang mabubunggo ako sa kung sino man. "Aww." sabay himas sa noo ko.
  
  
Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko paharap sa nakabunggo sakin. And GUESS WHAT??!
  
 
"Hunter?" what is he doing here?
   
   
Imbis na magsalita'y hindi siya umimik. Napansin kong naka white V-neck shirt na siya ngayon. Pero mas napansin ko pa rin ang seryosong pagtitig niya sakin tulad kanina. Hindi ko mawari kung malungkot, galit o naiinis ba ang ekspreskyon ng mukha nya.
    
  
"Why are you with him?" maya-mayang saad nya.
   
  
Kumunot ang noo ko. "Him?" nagtatakang tanong ko sabay lingon sa kaliwa't kanan ko. Sinong tinutukoy nya?
   
  
"Tss. Him, Daniel." ahh... so it means, nakita niya kaming magkasama. Tss.
    
    
"So? Tsaka bakit kilala mo sya?"
   
  
"Bakit hindi? Pinsan siya ni Chris at nakakalaro namin siya ng basketball kaya kilala ko. Ikaw, paano mo siya nakilala?"
    
   
"H-He introduce himself."
  
 
"Tss. Kaya inentertain mo ganon?"
   
   
Napataas ako ng isang kilay sa sinabi nya. Kung makapagsalita siya, parang ang sama sama ng ginawa ko. "Ano bang pake mo?"
   
   
Napakurap kurap siya sa sinabi ko. Halatang hindi niya inaasahan na ganon ang isasagot ko. Parang mas naging malinaw sakin ngayon ang ipinaparating ng ekspresyon nya, naiinis siya. Gustuhin ko mang umalis pero hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa sistema ko para gawin yun. Tanging nagawa ko na lang ay ang makipagtitigan sakanya ng masama.
    
  
"You shouldn't be with him, Zoe." mahinahon at halos pabulong nyang saad.
    
  
"What?"
  
  
"You shouldn't be with Daniel."
    
   
"What? Why are you saying that?"
   
   
"It kinda pisses me off.."
    
  
Napailing ako. "Baliw kana." usal ko tsaka siya nilagpasan. Hindi pa man ako nakakalayo ng hablutin nya agad ang braso ko paharap sakanya. "Ano ba--" agad ng naputol ang sinasabi ko nang mabilis nyang halikan ang labi ko. Sa sobrang pagkabigla ay nagawa ko syang itulak at sampalin ng malakas.
    
  
Kumuyom ang panga nyang hinarap ako't nagsalita. "Oo Zoe, baliw na ako. Baliw na baliw na sayo." napaiwas ako ng tingin. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung saan niya galing ang lakas ng loob niya at nagagawa nyang sabihin sakin ito matapos nya kong balewalain kanina. "So please, layuan mo sya."
   
  
Lakas loob ko siyang hinarap at napailing. "No Hunter. I have the rights to whom I wanted to be with." magsasalita na sana siya pero inunahan ko na. "Tulad mo, meron kang Stella. Hindi kita pinipigilan kahit anong gawin nyo sa harapan ko." kahit na minsan, parang hindi na gusto ng puso ko ang nakikita ko.
     
     
Natawa ng mapakla si Hunter at napailing. "Because that's what you want, Zoe. I did that just for you. You're the only thing in the world that matters to me." napangiwi ako.
     
  
"Edi kung ayaw mo na, tumigil ka. Wala namang pumipilit sayo." madiin kong sambit. Dahan dahan kong inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko tsaka siya tinalikuran.
     
    
"Zoe." pagtawag nya kaya natigil ako. "Hindi ako titigil hanggat wala kang sinasabi." hinarap ko sya. He slowly turned his head fully to me and smirked. "And if you still want to be with Daniel... then I'll make sure it won't happen." bakas sa mukha nya ang determinasyon na nagbigay ng dahilan para kabahan naman ako.
     
      
   
---

Ayan, dahil sinipag ako, 2 chapters ang inupdate ko ngayon. Don't forget to vote para mas sipagin ako mga beshie! At gugustuhin ko ring makabasa ng maraming comments from you in every chapters. Ikatutuwa kong malaman ang reactions nyo sa flow ng story ko. Mwaa💕

Innocent Devil meets Naughty AngelDove le storie prendono vita. Scoprilo ora