Chapter 11

4.5K 150 5
                                    

Chapter 11: Love triangle
      
     
         
      
      
Hinila ako ni Hunter papalabas ng bar. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang may balak syang sabihin na interesado naman akong malaman.
     
    
Hanggang sa makarating kami sa parking area, doon ko lang rin napansin ang itim nyang polo na nakabukas ang tatlong itaas na parte ng bitones. Yung babaeng kasama nya siguro ang gumawa nito sakanya. Mukhang hindi na kinayang magpigil kaya paunti unti na syang hinahalay. Syempre tatanggi pa ba si Hunter? Grasya nga para sakanya ang halayin ng mga babae. Lalo na't lalake sya, wala namang mawawala sakanya.
        
        
"So what?" tanong ko ng makita ko ang pagsandal nya sa kotse nya.
        
     
He slowly looked at me with his lustful eyes. The expression on his face is telling me that he desires something.
      
      
"What?" I asked again as he bit his lower lip.
      
      
"I really want to kiss you."
     
    
"No, you can't kiss me, Hunter." natawa naman sya ng kaunti tsaka umalis sa pagkakasandal nya sa kotse. Inilagay nya ang isang kamay nya sa kanyang bulsa sabay himas ng madiin sa batok nya.
     
       
"Kasalanan mo 'to.." saad nya sa boses na parang natatawa. Kita ko pa ang pag-iling nya bago nya ako lapitan sa kinatatayuan ko.
      
    
"Wala akong kasalanan. Ginagawa ko lang ang hilig kong gawin."
     
    
"So hilig mo pala ang mang-akit, huh Zoe?" he smirked.
        
      
  
"Oo.."
     
    
"Bukod sa mang-akit, ano pang hilig mong gawin?"
      
 
Sandali akong napatingin sa malayo, napaisip ako sa tanong nya bago ko siya sagutin.  
      
     
"Manakit.."
      
    
"So you mean, sasaktan mo ko.. Physically or emotionally?" napangiwi ako. Bakit parang natutuwa pa sya sa ideyang sasaktan ko sya? Ngayon lang ako nakakita ng taong masaya sa ideyang masasaktan sya ng iba.
    
    
Yung totoo, Nagte-take ba sya ng drugs?
     
      
"Maybe both." he grinned as he touches his lips, staring at me seductively.
      
      
"Hmm.. siguraduhin mo lang na masasarapan ako sa sakit na ibibigay mo.." kaya naman pala tuwang tuwa ang isang to dahil madumi ang iniisip nya. Akala nya siguro, katulad ako ng ibang babaeng naikakama nya.
      
       
"You're ridiculous, Hunter."
     
    
"Yeah right, it's better to be ridiculous than absolutely boring." aniya tsaka ako kinindatan. Inirapan ko naman sya at naisip na ibahin ang topic. Ayokong mas lumalim pa ang nalalaman nya sakin at baka malaman nya pa pati plano ko sa pagpapabagsak ko sakanya.
     
       
"So how's your relationship status with Colline? Complicated pa ba?" tanong ko. Napataas naman sya ng kilay na parang may ibig syang pakahulugan sa ekspresyon ng mukha nya.
      
      
"Don't you know anything about me Zoe?" napakunot ako ng noo sa sinabi nya. Nagkunwari akong nagtataka na parang walang alam.
     
     
Duh? OF COURSE MAY ALAM AKO! Siya tong walang alam na may alam ako sakanya. Marami akong alam about sa background nya. Nagpapanggap lang ako dahil kasama to sa mga plano ko. Cause sometimes, you have to play the role of a fool to fool the fool who thinks they are fooling you.
     
       
"I'm good at winning girls over."
    
     
"You're good at winning girls over? So you mean magkaayos na kayo ni Colline?" natawa sya ng kaunti sabay suklay sa buhok nya. Messy hair but still looks good. That's Hunter.
      
      
"Absolutely.." napangiti ako sa sagot nya dahil umaayon sa plano ko ang nangyayari.
     
       
      
*phone rings*
       
        
    
"Speaking of.." saad ni Hunter tsaka nya ipinakita ang phone nya. Mas napangiti ako ng makitang si Colline ang tumatawag.
         
         
Mukha naman pa lang hindi mahirap bolahin si Colline dahil agad silang nagkaayos sa loob lang ng ilang oras. Kung ako sya, hindi ko na patatawarin ang gagong to. Makita mo ba naman ang fiancé mong may kaharutang iba, malamang masasaktan ka ng matinde. Pwera na lang kung hindi mo talaga yan mahal, walang effect yan sayo kahit magsex pa sila sa harapan mo.
     
    
Pero teka, ano naman rin kaya ang tumatakbo sa utak ni Colline? Naalala ko yung sinabi ni Hunter kanina na Colline is different. Paanong pinatawad nya nga ng ganon kabilis si Hunter pagkatapos nya kaming makitang dalawa na magkasama? Nadala nga ba sya sa mga pambobola ni Hunter? O si Colline tong may dala dala para mabola si Hunter?
      
     
IMPOSSIBLE!
      
     
Hindi pwedeng katulad ko sya sa mga plano ko. Hindi pwedeng maunahan nya ko. Kung may binabalak syang masama kay Hunter, hindi pwede. Ako dapat ang gagawa nun. Kung may balak syang pahulugin si Hunter sa kanya, dapat kasama sya. Mas masa-satisfied ako pag nangyari yun.
        
         
"She's here.." natigil ako sa pag-iisip ko sa pagsasalita ni Hunter. Hindi ko na nagawang sumagot ng makita ang pagtakbo nya papalayo.
       
       
Sinundan ko ng tingin ang pagtakbo nya patungo sa isang kotse. It's Colline. Napatago ako sa isang poste habang pinagmamasdan ang pag-uusap nilang dalawa.
      
       
Tama si Hunter, nagkaayos na sila.
     
        
Nandyan pa ang pagyakap ni Colline sabay halik sa labi ni Hunter.
        
           
At that point, parang nakaisip ako ng mas maganda at panibagong ideya. I will be their love triangle in their bullshit relationship. Mukha namang hindi ako mahihirapan kay Hunter dahil nagawa ko syang akitin kanina.
       
      
The next time na gagawin ko ulit yun, sisiguraduhin kong magdadalawang isip na sya samin ni Colline. Hihintayin ko munang lumalim ang nararamdaman ni Colline para kay Hunter para mas umayon ang plano ko sa pagsira sakanilang dalawa.
        
       
         
---

Innocent Devil meets Naughty AngelOnde histórias criam vida. Descubra agora