Chapter 64

3.5K 106 14
                                    

NOTE: This chapter will be Hunter's point of view. Ipahinga muna natin ang kay Zoe. *wink*
     
    
Chapter 64: Not even
   
   
   
   
  
I see it.
   
 
I see myself with Zoe..
    
  
I see us getting married. Moving in together. In the couch. Waking up to good morning kisses. Having arguments and making up after. Cooking our favorite foods. Smiling for no reason. Annoying each other when we're bored. Having the cutest little babies. Watching them grow up. Never leaving each other's side.
   
  
I see us together.
   
  
Forever.
   
  
Pero ngayon, parang malabo ng mangyari ang bagay na yun. Bawat oras na maalala kong ikakasal siya sa iba, parang mamamatay ako sa sakit na nararamdan ko. Oo, hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila ng dad niya.
  
    
-Flashback-
    
  
Nagawa kong akyatin ang bakod nila ng walang nakakakita sakin. Gusto ko lang sanang i-check si Zoe kung ayos lang ba siya. Hindi kasi ako mapakali sa bahay lalo na't hindi siya gaanong nagrereply sa mga text ko. Palihim akong sumilip sa isang bintana at saktong nakita ko si Zoe na nakaupo sa sofa sa sala nila.
  
  
"Ano, nalaman na ba ni detective Tan kung sinong nagpakalat ng post?" bigla akong napayuko para magtago ng sumulpot ang dad niya sa likuran niya.
   
   
May detective sila? Wow..
   
  
"Yes." sagot ni Zoe.
   
   
"Good." umayos ako ng upo para makinig. "Utusan mo na rin siyang i-hack ang facebook page na yun para mabura ang mga kumalat na post. Malaking kasiraan yan sa imahe mo pag kumalat pa yan lalo."  dinig kong utas ng dad niya.
    
     
"Napagawa ko na."
  
  
"Kung bakit kasi nakikisama ka kung kani-kanino." pangangaral ng dad niya. Para naman akong tinamaan ng palakol dahil alam kong ako ang tinutukoy ng dad niya dahil malinaw na ako ang kasama niya sa pictures. "Sigurado ka bang walang namamagitan sainyo nung lalakeng nasa picture?" napalunok ako. Parang bigla akong kinabahan ng hindi ko agad marinig na sumagot si Zoe.
    
   
"Wala dad." sa totoo lang, nakaramdam ako ng pagkadismaya at lungkot sa sagot niya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit itinanggi niyang wala kaming relasyon.
   
 
...maybe because there's a reason, right?
    
   
"Mabuti naman kung ganon. Hindi ka pwedeng magkaron ng ibang karelasyon lalo na't ikakasal ka na sa bakasyon." the fuck?!
   
  
Halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi ng daddy ni Zoe. I just don't get it. Bakit siya ikakasal sa iba? Wala namang sinabi sakin si Zoe tungkol sa bagay na yun. Besides ang bata niya pa kung ikakasal siyang agad... at dapat, akin lang!
    
  
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sumunod na usapan nila dahil mabilis akong umalis papalabas ng gate ng bahay nila. Hindi ko na kasi kayang madagdagan pa ang malalaman ko, mas masasaktan lang ako. Sobrang hindi ko inaasahan na ganon ang madadatnan ko. Parang may sumusuntok tuloy sa puso ko habang umuulit sa utak ko ang sinabi ng daddy niya.
   
   
-End of Flashback-
    
  
Napailing na lang ako sa alaalang yun. Hindi ko nga maiwasang matawa sa sarili ko matapos kong marinig ang usapan nila. Nagawa ko pa rin kasing maghintay malapit sa bahay nila nung gabing yun dahil sa pag-aalala ko kay Zoe. Gustuhin ko mang magmukmok at magtampo sakanya, hindi ko magawa. Ayokong sumabay sa problema niya. Mahal ko siya kaya nagawa kong isantabi ang nararamdaman ko.
     
    
Sighed.
   
  
Ang bigat ng nararamdaman ko sa dibdib ko. Ang daming tanong na bumabagabag sa utak ko. Para akong tangang naghihintay ng isang taong sasagot sakin kahit alam kong wala namang darating. Nakakapagod rin pa lang mag-isip pero hindi ko magawang magpahinga.
    
   
Ikakasal siya sa iba.... what about me? what about us?
     
   
"Ikaw Hunter, sasama ka?" natigil ako sa pag-iisip sa biglang pagtapik ni Chris sa balikat ko. Kumunot ang kilay ko sa pagtataka. "Are you listening?" tanong niya dahilan para mapaharap rin sakin sina Andrew, Blaise at Isaac.
    
 
Napakamot ako ng ulo. "Uhh.." not really.
   
   
"Sinasabi ko na nga ba!" natatawang saad ni Blaise sabay napapalakpak. "Iniisip mo na naman ang girlfriend mo no?" sabay siko niya sakin.
    
 
Kung makapagsalita siya, akala mo hindi rin siya ganitong natutulala sa pag-iisip kay Claire. Psh.
  
  
"Sino ba sa dalawa, Hunter? Si Stella ba o si Zoe?" pabirong tanong naman ni Andrew. Sinamaan ko siya ng tingin. Tinatanong pa ba yan? Alam naman nilang si Zoe talaga ang sineseryoso ko noon pa man.
   
 
"Tss. Kay Zoe syempre." sagot ko tsaka napasandal sa arm chair. Tinaas ko ang mga paa ko sabay patong nito sa isa pang bakanteng arm chair sa tapat ko. "Ano pa lang tinutukoy niyo kanina? Sasama saan?" pag-iiba ko ng usapan.
   
  
"Sa prom ng NAU bro." sagot ni Isaac.
   
 
"Kailan?"
 
 
"Next week, friday... ano, sama ka?" nakangiting sagot niya.
  
  
"Pwede ba ang outsiders?"
  
 
"Syempre hindi!" kumunot ang kilay ko. "You know us bro. We don't follow rules, we break the rules." nag-apiran sila na para bang planado na ang lahat. Napailing iling naman akong nakangiti. Alam ko na ang ibig sabihin nila, we're going to gatecrash their prom.
   
  
Brilliant idea!
    
  
"Okay, I'm going." nakangising saad ko.
   
 
Natuwa naman sila sa pagpayag ko. Nasundan pa ng mga nakakatuwang biruan ang kwentuhan naming magbabarkada. Kahit papaano, nawala ang inaalala ko kanina dahil sakanila.
    
   
"Hunter, si Stella..." pabiting saad ni Chris habang nakatitig sa phone niya. Sinulyapan ko lang siya. Wala na sana akong balak pang pakinggan ang susunod na sasabihin niya pero, "sinugod si Zoe sa school nila." bigla akong napatayo sa gulat.
   
  
"Seriously?!" sabay kuha ko sa phone niya. Nakumpirma ko ngang totoo ang sinasabi niya dahil sa nakita kong picture na sinend sakanya ng isa sa mga kaibigan ni Zoe.
    
  
Mabilis kong binalik ang phone kay Chris sabay kumaripas ng takbo palabas ng classroom. Wala akong maisip na rason sa pagsugod ni Stella kay Zoe. Kung tutuusin, dapat si Zoe pa nga ang gumawa nun dahil sa mga post na ikinalat ni Stella sa facebook. Kahit ako man ay naging apektado sa paninirang ginawa niya kay Zoe, nakita ko kasi kung paano dinibdib ni Zoe ang mga pamba-bash ng ibang tao. Kahit na pinapakita niyang ayos at ngumingiti siya, alam kong malungkot at nasasaktan siya sa loob niya.
   
  
Nakapasok ako ng walang kahirap hirap sa NAU. Nakita kong nakalupong ang mga tao sa front lawn. Babalewalain ko na sana ito ng biglang, "Sumosobra ka na!" napaharap ako sa isang banda nang marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses. Lumapit ako. Naningkit ang mga mata ko habang tinititigan ang dalawang babae.
   
 
Si Zoe at Stella!
    
 
Nataranta ako. "Excuse me!" pagsingit ko sa mga tao para makalapit akong agad sa kinaroroonan nila Zoe. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang maabutan ko na lang na sinasabunutan na ni Stella si Zoe.
   
  
Fuck! 
   
  
"Stella!" hinablot ko agad ang kamay niya para pigilan siya. Nilayo ko naman si Zoe na halatang nabigla sa pagsulpot ko. "What the hell are you doing?!" pasinghal kong saad kay Stella. Galit agad ang naramdaman ko. Kung hindi lang siya babae, malamang ay kanina ko pa siya sinaktan ng triple sa pananakit kay Zoe.
     
  
"Kinalat niya ang lihim ko, Hunter.. pinahiya niya ako sa lahat!" rason niya. Hindi ko alam ang tinutukoy niya pero hindi pa rin sapat na rason yun para saktan ng ganito si Zoe.
    
   
Napailing ako. "Tss. sana hinayaan mo na lang. Mas lalong napahiya ka lang sa ginawa mong 'to Stella."
    
  
Lumapit si Stella sakin. Nakangiwi siyang tumitig kay Zoe pabalik sakin. "Bakit siya pa ang kinakampihan mo ha? Hindi ka ba naaawa sakin? May pinagsamahan rin naman tayo Hunter.." humawak siya sakin.
  
 
"Did you really think I cared about you?" walang gana kong sinulyapan ko ang kamay niyang nakahawak sakin tsaka ko ito binawi. "You mess with her, you mess with me." madiin kong sambit tsaka ko siya tinalikuran. Kinuha ko naman ang kamay ni Zoe at sinama siya para makaalis sa lugar na yun.
   
 
Hindi pa man kami nakakalayo nang maramdaman ko na lang ang pagyakap ni Stella sa likuran ko. "Hunter no, please. Magbabago ako para sayo... basta ako lang ang piliin mo.. Ako na lang ulit." humihikbing sabi niya. Hindi ko nagawang umimik dahil sa mahina ako kapag may babaeng umiiyak.
   
 
Dahan dahan kong inalis ang mga kamay ni Stella tsaka siya hinarap. Napatitig ako sa mga mata niya, bakas dito ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Hindi ko maiwasang hindi maawa sakanya. Naging ganito siya dahil sakin. Pinaasa ko siya. Pinaniwala ko siya sa mga pambobola ko. I can't blame anyone because this is all my fault.
   
 
Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko sa mga mata ni Stella ang planong pagpapakasal ni Zoe sa iba. Parang nakikita ko na ang sarili ko kay Stella. Naiisip ko nga na baka mas malala pa ang gawin ko para lang pigilan si Zoe pag dumating ang araw na iiwan niya rin ako.
 
    
Easy, Hunter...
    
    
Napayuko ako at pilit na inalis sa isip ko ang lahat. Malungkot kong hinarap si Stella. "I'm so, so sorry.." marami sana akong gustong sabihin pero tanging yun lang ang nasabi ko. Napailing-iling si Stella na mukhang hindi tanggap ang sinabi ko.
   
   
Niyakap niya ako.
   
 
"No Hunter, no... I love you. mahal mo rin ako diba? Tell me again, please.." mangiyak-ngiyak niyang pakiusap.
  
   
Kumalas ako sa yakap niya. "I'm sorry Stella, but I don't feel the same way." nilingon ko si Zoe. "Since then, Zoe already owns my heart." sa pagkakataong yun, muli kong tinalikuran si Stella habang hawak hawak ang kamay ni Zoe.
   
  
Kasama si Zoe, dinala ako ng mga paa ko sa likod ng gymnasium kung nasaan ang isang garden. Saktong walang tao at tahimik ang paligid. Unang pumasok sa isip ko na tanungin si Zoe tungkol sa bagay kung saan ikakasal siya sa kung sino man. Gusto kong itanong kung bakit at paano...pero,
   
 
"Everything is okay.." yun na lang ang nasabi ko even though I'm not okay.
   
  
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya't ngumiti. Ayokong ipahalata sakanya ang totoong nararamdaman ko. "You'll be alright, no one can hurt you now... cause from now on, I'm going to protect you... always." hinalikan ko siya sa noo sabay yakap. Damang dama ko ang mainit na likidong kumawala sa mga mata ko pero mabilis ko itong pinunasan.
    
  
Sana nga magawa nga kitang proteksyonan Zoe... kahit na sa panahong hindi na ako ang kasama mo... sana magawa ko pa rin.
   
  
"You don't regret having me, right?" bulong niya. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sakanya. "Hear my heartbeat? just focus on that." not on my crying eyes.. Damn!
   
 
Humugot ako ng lakas ng loob para harapin si Zoe. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya. "I don't regret anything, Zoe." wala akong pinagsisisihan simula nung araw na nakilala kita hanggang ngayon.
    
  
I gave her a sudden kiss.
   
   
"I love you. Nothing and nobody.... not even time will change that." and not even your marriage with someone.
   
 
  
----

Innocent Devil meets Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon