Chapter 73

3.2K 92 14
                                    

Chapter 73: Still
     
   
  
  
  
Kinabukasan, masaya ang bungad sakin ng umaga. Una kasing pumasok sa isip ko si Hunter at naalala kong totoo pala ang mga nangyari kagabi. Hindi ko talaga inaasahan na darating siya at magkakaayos kami. Matapos nga ang gabing iyon ay siya pa itong naghatid sa akin papauwi ng bahay. Ayaw pa sana naming maghiwalay kaya lang, oras na.
   
  
Tsh. Para kaming mga teenage couple.
  
 
Inabot ko ang phone ko sa table at nakitang wala pang text ni Hunter ni isa. Paniguradong natutulog pa siya ngayon dahil sa pagod. Itetext ko na sana siya para batiin ng 'Good morning' ng maisip kong puntahan ko na lang kaya siya sa condo niya?
  
  
Oo, tama!
   
 
Sakto at nasabi niya noong namimiss na niya ang luto ko. Nakakamiss rin naman siyang ipagluto kaya sige, pupuntahan ko siya.
   
 
Napabangon akong agad sa hinihigaan ko para maghanda sa pagpunta sa condo ni Hunter. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko ng maiharap ko ang sarili ko sa salamin. Sariwang sariwa pa kasi sa isip ko lahat ng mga sinabi sakin ni Hunter kagabi. That he'll fight for me, He'll fight for us. Nagkaron tuloy ako ng lakas ng loob na kami na talaga ang magkakatuluyan hanggang dulo.
  
 
Kahit na alam kong hindi papayag si dad, hindi ko pa rin hahayaan na siya ang masusunod sa kung sino ang pipiliin kong makasama sa panghabang-buhay. Ayokong may pagsisisihan akong isang bagay na hindi ko nagawang ipaglaban.
   
    
     
Pagkatapos kong mag-ayos, direkta kong tinungo ang kotse ko papaalis ng bahay. Dumaan muna ako sa Mr. Park Cakes para may madala sa condo ni Hunter. Pinalagyan ko pa ito ng, "We'll fight for us." sa sticky note. Napapailing pa kong nakangiti dahil sa kacornyhan ko.
   
  
Haaay Zoe. In love ka nga talaga.
   
    
Hanggang sa makarating ako sa building kung nasaan ang condo ni Hunter, mabilis kong pinarada ang kotse ko sa parking lot. Habang dala-dala ang cake, bitbit ko ang ngiti sa labi ko. Paniguradong masusurpresa siya sa pagdating ko.
  
 
I can't wait to see him.
      
    
Dahil maaga pa, kaunti pa lang ang mga taong nakasabay ko papaakyat ng elevator. Ang iba sakanila ay nakapantulog pa na mukhang bumili ng breakfast sa malapit na supermarket. Naalala ko tuloy nung nilagnat si Hunter. Pinuntahan ko rin siya sa condo niya't bumili ng mga ingredients na gagamitin sa sinigang.
    
  
*ting*
  
  
Sa pagbukas ng elevator, tinahak kong agad ang hallway papunta sa condo ni Hunter. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako. Ang weird. Siguro ganito lang talaga kapag nasasabik kang makita ang taong mahal mo.
    
  
Humugot ako ng malalim na hininga pagkarating sa harap ng pintuan ng condo ni Hunter. Kakatukin ko na sana ang pinto ng makitang nakabukas ito ng kaunti. Hindi naman ako nag-isip ng kung ano. Baka kasi gising na pala si Hunter at nakalimutan niya lang isara ng mabuti ang pinto.
  
  
Pumasok ako.
   
  
Kita ko ang dalawang box ng pizza na nakalapag sa table ng sala. Mukha ngang gising na siya at nakuha niyang magpadeliver ng makakain niya. Nilapag ko na rin sa table ang box ng cake para hanapin siya. Maglalakad na sana ako patungo sa kusina ng makarinig ako ng, "Why?" boses ng isang babae.
     
   
Napalunok ako.
  
 
Maybe he's watching a movie.. sa isip ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa sarili ko para maglakad ng dahan dahan. Para kasing mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko. "Pay attention to me, Claudette." nanlaki ang mga mata ko ng makitang magkasama si Hunter at Claudette. Nakaawang ng kaunti ang pinto sakto para matago ko ang sarili ko't makita sila.
   
   
WHAT THE HELL IS SHE DOING HERE?!!
  
    
"I-I just don't get it Hunter.." umiiyak na saad ni Claudette. MAS LALONG HINDI KO NAMAN MAKUHA ANG NANGYAYARI. Naguguluhan na ako! "Just leave her Hunter... ako na lang ulit, tayo na lang ulit..." napayuko si Hunter sabay napapailing. Ang bigat na ng pakiramdam ko. Alam kong anumang oras ay maiiyak na naman ako.
   
 
Unti-unting umangat ang mga kamay ni Claudette para hawakan ang magkabilang pisngi ni Hunter. Hindi umimik si Hunter hanggang sa ilapit ni Claudette ang mukha niya't magdikit ang mga labi nilang dalawa. Nanghina ako ng hindi man lang kumilos si Hunter para itulak si Claudette.
   
   
Ano 'to?
   
  
Gusto ko silang sugurin, gusto ko silang murahin at saktan pero hindi ko magawa dahil ako na 'tong nauna nilang nasaktan. Ramdam ko ang unti-unting pagkawasak ng puso ko. Para itong dinudurog ng pinong pino sa loob.
   
  
"Hunter, i love you.." nakangiting ani Claudette. Hinimas ni Hunter ang buhok niya't tumitig ng direkta sa mga mata nito. Hindi siya nakangiti pero alam kong may ibig sabihin ito. Napakurap kurap ako hanggang sa bumagsak na ang mga luha ko
   
 
Hindi ko na kinaya pang panoorin ang susunod na mangyayari. Hindi ko na kayang makita ang panlolokong ginagawa ni Hunter. Nagmadali akong lumabas ng condo niya habang nakahawak ang mga kamay ko sa bibig ko.
    
  
Ang sakit sakit...
   
   
Hanggang sa makarating ako sa parking lot, napasandal na ako sa kotse ko dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Kahit anong pigil ko'y patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko. Tinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko't napahagulgol sa nararamdaman sakit dahil sa mga nasaksihan ko.
    
  
Bakit Hunter? Bakit mo nagawa 'to? Bakit? Hindi ko inaasahang ako pala ang masusurpresa sa dadatnan ko. Bakit hindi niya tinanggihan si Claudette? Ni hindi man lang niya ako binanggit dito. Marami siyang pwedeng gawin para tumigil si Claudette pero nanatili siyang tahimik at nakatunganga lang..
  
 
Kaya ba ganon siyang makatitig kay Claudette, kaya ba hinayaan niya lang na halikan siya nito, kaya ba hindi niya ito tinakwil tulad ng ginawa niya noon kay Stella ay dahil mahal niya pa ito? Dahil may nararamdaman pa siya para dito? GOSH! SYEMPRE OO ZOE. TINATANONG PA BANG LAHAT NG YAN?! PINAPAHIRAPAN MO PA ANG SARILI MO E OBVIOUS NA NAMAN ANG SAGOT.
   
  
Damn Yes!! He still loves his ex!!!
      
    
Pinunasan ko ang basang pisngi ko kahit na hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng luha ko. Aalis na ako. Ayoko na. Iiwan ko siya. Hindi ko na siya ipaglalaban pa. Dahil kung nagawa niya akong lokohin at ipagpalit, pwes, ititigil ko na rin kung anong meron samin!
     
   
  
---
  
Happy Valentine's Day everyone! Etong chapter ang gift ko sainyo hehe ≧∇≦

Innocent Devil meets Naughty AngelDonde viven las historias. Descúbrelo ahora