Chapter 15

4.5K 131 4
                                    

Chapter 15: Game





Sa pagpasok ko ng bahay nina Autumn, una kong nakita agad ang Hunter na nakangiting nakatitig sakin. Nakabuka pa ang dating ng kanyang pag-upo habang nakahawak sa mga labi nya. Inirapan ko na lang sya at agad na dumiretso sa kwarto ni Autumn.


Bwiset!


"Bullshit Hunter!" utas ko sabay wasiwas ng buhok ko sa likod.


"O my gosh Zoe, ano yan?!" gulat na saad ni Hailey ng mapatingin siya sakin. Nilapitan nya pa ako sabay kuha sa kamay ko.


"What?!" iritang tanong ko.


"Bakit may pasa ka sa kamay?"


"Hindi to pasa, hinalikan to ni Hunter." ngayon ko lang rin halos nakita ito, parang nakulong ang dugo sa kamay ko sa ginawang paghalik ni Hunter.


"Hickey on your arm from Hunter...how?"


Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ang ginawa ni Hunter sakin kanina sa garden. Bwiset na yun! Ito pala ang ibig nyang sabihin na marka. Ni hindi ko man lang naisip na magagawa nya kong bigyan ng chikinini sa kamay. Gosh!


"Love mark agad?" pang-aasar ni Skylar.


"Shut up Skylar! This is not a love mark."


"Bakit ka ba may ganyan? Don't tell me may something na sainyo sa loob lang ng sampung minuto?"


"God Sasha! Syempre wala! Ni hindi ko nga gusto ang taong yun!" naiiritang saad ko habang pilit na pinupunas ang marka sa kamay ko.


ERR!!


"Hindi yan maaalis." saad ni Autumn.


"What? How did you know?!"


"K-Kase nababasa ko. 5 to 12 days as far as I know, sometimes pwedeng maging permanent depende kung paano ka hinalikan.."


"No way!" sigaw ko habang pilit na kinakaskas ang marka.


Bwisit na Hunter de la Vega! Halatang pinlano nya ang bagay na to!


"Paano ka ba hinalikan?"


"The hell Hailey, anong klaseng tanong yan?!"


"Syempre, malay mo malalim ang paghalik nya kaya mas tatagal.. or maybe alam ni Hunter kung paano gumawa ng marka na magiging permanente sa balat mo."


"Oh gosh! No freaking way!" hysterical na akong nagwawala habang tinititigan ang marka. Katamtaman ang laki nito at visible talaga dahil sa puti ko.


"Mawawala rin yan, easy ka lang." saad ni Sasha.


Napasinghap na lang ako ng malalim bago itigil ang pagkalkal sa kamay ko.


Bigla sumagi sa isip ko ang plano ko. Para itong bumbilya na lumitaw sa tuktok ng ulo ko kaya napaisip ako ng mas magandang igaganti ko. Paniniwalain ko si Hunter na sasakay ako sa mga gusto nya. Paniniwalain ko syang kanya ako. Hanggang sa maniwala siya, tsaka ko sya titirahin ng patalikod. Yung tipong hindi niya aasahang nahulog na pala sya sa patibong ko. At sa oras na mahulog na nga sya, hindi na sya makakabangon pang muli.



Pagkatapos ng dalawang oras naming pagbisita kay Autumn ay napagdesisyunan na rin naming magkakaibigan na umuwi na. Hindi na kami nagawang ihatid ni Autumn pababa ng hagdan dahil sa kumikirot pa rin ang puson nya.


"Nandito pa rin pala sila.." bulong ni Hailey. She's referring to the boys. Nasa living room pa nga rin sila habang may nakahapag na kung anu anong junk foods sa table.


Sumakit sana ang tiyan mo Hunter!


"Aalis na kayo?" tanong ni Chris ng mapalingon sya samin. Bigla namang napangiti si Skylar at nangunang magsalita.


"Oo Chris.."


"Osige, hatid ko na kayo sa labas." saad ni Chris na mas ikinangiti ni Skylar. Hula ko, kinikilig na to sa loob nya.


"I'll go with you Chris." nakangising sabi ni Hunter sabay baling ng tingin nya sakin.


"Sure dude."



Naunang naglakad si Chris at Hunter sa harapan namin. Hanggang sa makarating kami ng sasakyan ko, isa isang sumakay ng kotse ang mga kaibigan ko.


Pinagbuksan pa ako ng pinto ni Hunter sa driver's seat kaya nginitian ko sya. Yung ngiting mapapaniwala ko syang wala akong galit na nararamdaman sakanya.


"Thanks Hunter." nilapitan ko sya sabay bigay ng halik sa pisngi niya. Halatang nagulat sya sa ginawa ko dahil hindi na nya nagawang sumagot ng makasakay ako ng kotse.


"Wow. What was that Zoe?" natatawang tanong ni Hailey. napangisi ako sa loob habang tinititigan si Hunter na parang nawala ang kaluluwa sa sariling katawan. Ilang sandali ko syang pinagmasdan bago ko simulang imaneho ang kotse papalabas ng gate.



*tok! tok! tok!*



Mukhang ngayon lang ulit sinaniban ng kaluluwa itong si Hunter. Nakuha nya pang makahabol sa kotse. Syempre pinagbuksan ko ng bintana.



"Take care." aniya ng bumaba ang bintana ng kotse ko, ngumiti naman ako bilang tugon.


Pinaandar ko na ang sasakyan papalayo sakanila bago sagutin si Hailey sa tanong nya.


"That was just a game, Hailey. The first one to fall, loses.." and for sure, Hunter will lose the game.



---

Innocent Devil meets Naughty AngelWhere stories live. Discover now