Chapter 63

3.3K 120 3
                                    

Chapter 63: Heart
    
   
    
  
  
Sa paglipas ng isang linggo, nagawang alamin ni detective Tan ang isang lihim na pinakatatago ni Stella. Nanahimik ako sa mga araw na nagpapakasaya siya sa ginawa niyang pagganti sakin. Lingid sa kaalaman niya, palihim na pala akong gumagawa ng isang plano na sisira sa pagkatao niya. Kung tutuusin, masasabi kong sira na ang pagkatao niya dahil sa sikreto niya. Hindi ko inaasahan na nagagawa niyang ibenta ang katawan niya sa kung kani-kaninong lalake para lang makuha ang luho niya.
   
 
Napakadesperada!
    
  
Gamit ang isang unknown page, hindi na ako nagdalawang isip pang ipa-upload ang lahat ng pictures na ebidensiyang magpapatunay na mas masahol pa sakin ang ugali ni Stella. Gusto kong ilantad sa mga netizens na maling magpaniwala sa mga pekeng impormasyon.
    
   
You must seek for evidence first!
   
   
Wala akong pakealam kung masasaktan siya at maging dahilan ito para bumaba ang tingin ng mga tao sakanya. Nagawa niyang sirain ang imahe ko sa maraming tao kaya binabalik ko lang kung anong binigay niya, 'cause hell yeah, It's pay back time, bitch!
   
  
Sakay ng kotse ko, tinatahak ko na ang daan papasok ng main gate ng NAU. Hindi pa man ako nangangalahati ng bigla na lang may sumulpot na tao sa mismong dinaraanan ko. Shit! Napapreno akong agad. Bubusinahan ko na sana ang tatanga-tangang humarang sa sasakyan ko pero natigilan ako ng mapagtanto ko kung sino siya.
    
  
"Stella.." dumaloy agad ang inis sa sistema ko. Gusto ko siyang sagasaan sa mga oras na 'to para mamatay na lang siya pero naisip kong may mas grabe akong nagawa sakanya at mas magandang mahirapan siya habang nabubuhay siya.
   
   
Galit na galit siyang kinakalampag ang harapan ng kotse ko. "Bumaba ka diyan!" hindi ko siya naririnig pero kita kong ganon mismo ang sinasabi ng bibig niya. Dinuduro niya pa ako na para bang reyna siyang inuutusan ako.
    
  
Napangisi ako. Mukhang mabilis na nakarating sakanya ang nabunyag niyang sikretong pina-post ko sa facebook. Kung sabagay, mabilis rin itong kumalat sa Epidòseis kaya hindi na ako magtataka. Ngayon, siya naman ang nakakaramdam ng galit na pinaramdam niya sa akin. Ang pagkakaiba lang, siya ang sumugod at siya ang mas mapapahiya ngayon.
      
 
Pinatay ko ang makina tsaka bumaba ng kotse. Ngayon ko lang napansin ang mga estudyanteng nakikiusyo. Masyado nga naman kaming agaw-pansin dahil nasa gitna pa kami ng front lawn ng university. Dinig ko pa ang bulungan ng iba na halatang may alam kung anong nangyayari sa pagitan naming dalawa ni Stella. Halos lahat ay nasa panig ko na ngayon. Halatang naging malinaw sakanila ang totoong rason dahil sa mga pinapost ko.
   
  
Hindi ko na lang sila pinansin.
    
  
Binaling ko ang atensyon ko sa pulang pula at galit na mukha ni Stella. "Walang hiya ka!" sigaw niya. Hindi ko nagawang umatras sa biglang pagsugod niya patungo sakin.
    
   
*PAK!*
   
  
Sumama ang ulo ko sa malakas na sampal na inabot ko galing sakanya. Ramdam ko ang sakit sa kanang pisngi ko pero hindi ko iyon ininda. Ayokong ipakita sakanyang mahina ako. Ayoko.
  
 
Dahan dahan ko siyang nilingon tsaka ngumisi. "Was that supposed to hurt?" pang-aasar ko.
    
 
"Ahhh!" sigaw niya. Muling lumipad ang kamay niya patungo sakin pero agad ko iyong pinigilan. "Bitiwan mo nga ako!"
   
  
"One is enough, Stella." tama na ang isang pananakit mo. "Masyado ka atang nawiwili? Ha!" sarkastikong saad ko.
  
 
Binawi niya ang kamay niya. "Aminin mong ikaw ang nagpakalat ng mga post na yun!" nagngangalit niyang sambit.
    
 
Natawa ako ng mapakla. "Bakit ko naman gagawin yun? Ano ka, sineswerte? Tss."
  
  
"Alam kong ikaw ang gumawa nun Zoe. Ikaw lang naman ang may matinding galit sakin noon pa man... Tinuring pa man din kitang kaibigan, pinagkatiwalaan pa kita pero tinraydor mo lang ako..." napailing-iling siya sabay natawa. "Sabi mo, wala lang kayo ni Hunter...sabi mo kaibigan lang kayo... pero nagsinungaling ka."
   
  
"That's right, I lied... but sorry not sorry, Stella. Alam naman nating sa simula pa lang, ikaw na ang may kasalanan dito. Masyado kang nagpaniwala sa mga nakikita mo, and this is what you get from trusting me."
    
  
"I hate you! Burahin mong lahat ng yun, Zoe!" madiin niyang sambit.
  
 
"Bakit Stella? Nahihiya ka ba sa bagay na kinasanayan mong gawin? Dapat nga matuwa ka pa dahil wala ka ng itatagong sikreto. Kusa pang lalapit ang mga lalake sayo para sa katawan mo.." sandali akong natigil para lumapit sakanya. Hinimas ko ang iilang hibla ng buhok niya tsaka ngumiti. "You should thank me."
   
 
"Sumosobra ka na!" hindi na siya nakapagpigil pa at mabilis niyang hinablot ang buhok ko para sabunutan ito. Napasigaw na ako sa sakit dahil sa paghila niya. Naluluha na ang mga mata ko. Kahit anong atras ang gawin ko ay siya namang paghigpit ng pagsabunot niya sakin.
  
  
Damn! It fucking hurts!
   
    
"Stella!" dinig ko ang isang pamilyar na boses. Naramdaman ko na lang ang kamay na humawak sa braso ko papalayo kay Stella. "What the hell are you doing?!" hinawi ko ang iilang buhok na nakaharang sa mga mata ko.
   
  
Hunter...
     
  
"Kinalat niya ang lihim ko, Hunter.. pinahiya niya ako sa lahat!" rason niya.
    
"Tss. sana hinayaan mo na lang. Mas lalong napahiya ka lang sa ginawa mong 'to Stella."
    
  
Lumapit si Stella kay Hunter. "Bakit siya pa ang kinakampihan mo ha? Hindi ka ba naaawa sakin? May pinagsamahan rin naman tayo Hunter.." hinawan niya si Hunter.
  
 
"Did you really think I cared about you?" nilingon ni Hunter ang mga kamay ni Stella na nakahawak sakanya. Padabog niyang binawi ito. "You mess with her, you mess with me." walang ganang utas ni Hunter tsaka niya tinalikuran si Stella. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko tsaka hinila ako papaalis.
   
 
Mabilis na nakahabol si Stella sabay yakap sa likuran ni Hunter. "Hunter no, please. Magbabago ako para sayo... basta ako lang ang piliin mo.. Ako na lang ulit." humihikbing sabi niya. Nanatiling walang imik si Hunter. Tanging pag-iyak ni Stella ang umaalingawngaw sa paligid kasabay ng mga bulungan ng mga taong nanonood samin.
   
 
Nakatitig lang ako sa blankong mukha ni Hunter bago ko maramdaman ang pagbitaw niya sa kamay ko. Napakurap-kurap ako. What's the meaning of this? Dahan dahan niyang inalis ang pagkakayakap ni Stella sakanya tsaka niya ito hinarap. Tinitigan niya ito na para bang naaawa sa itsura ni Stella. Gusto ko siyang pigilan pero pinangunahan ako ng takot. Hindi ko magawang magsalita. Parang may tumutusok sa puso ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Nalilito na ako. May nararamdaman ba talaga si Hunter para kay Stella?
    
  
Nangingilid na ang mga luha sa mata ko.
   
 
Napayuko si Hunter at malungkot na hinarap si Stella. "I'm so, so sorry.." aniya. Napailing-iling si Stella sabay yakap kay Hunter.
   
 
"No Hunter, no... I love you. mahal mo rin ako diba? Tell me again, please.." umiiyak na pakiusap ni Stella. Pilit na kumalas si Hunter sa pagkakayap ni Stella. Bumuntong hininga siya't binasa ang labi niya.
    
  
"I'm sorry Stella, but I don't feel the same way." nilingon niya ako kaya napaharap rin sakin si Stella. "Since then, Zoe already owns my heart." muli niyang kinuha ang kamay ko't naglakad papalayo kay Stella.
    
  
Naiwang tulala at hindi makapaniwala si Stella sa nangyari. Nilingon ko ang likod ni Hunter. Hindi ko maiwasang ang mga katanungang bumabagabag sa isip ko. Tahimik lang siya habang hinihila ako patungo sa isang tahimik na lugar. Mukhang alam niya ang pasikot sikot na daan dito sa NAU.
    
   
Hanggang sa makarating kami sa garden sa may likod ng gymnasium, wala pa rin siyang imik. Tinitigan niya lang ako direkta sa mga mata. Kinabahan ako. Why is he looking at me like that? I wish I could explain his eyes or maybe I can see what's on his mind.
   
 
Nanghihinayang ba siyang ako ang pinili niya at hindi si Stella? 
   
   
Bumuntong hininga siya. "Everything is okay.." nilagay niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko't ngumiti. "You'll be alright, no one can hurt you now... cause from now on, I'm going to protect you... always." hinalikan niya ako sa noo sabay yakap.
    
  
"You don't regret having me, right?" bulong ko. Mas lalo namang humigpit ang pagkakabalot ng kamay niya sakin. Halos naririnig ko na ang pagtibok ng puso niya. "Hear my heartbeat? just focus on that."
   
 
Is this a YES answer?
    
 
Hinarap niya ako sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. "I don't regret anything, Zoe." binigyan niya ako ng sandaling halik sa labi at ngumiti. "I love you. Nothing and nobody.... not even time will change that." thank you for reminding me what butterflies in stomach feels like.
   
   
 
----

Innocent Devil meets Naughty AngelWhere stories live. Discover now