Chapter 52

3.4K 101 23
                                    

Chapter 52: Surprise
  
   
   
   
  
Matapos ng pasko at bagong taon ay balik klase na naman ulit. Talagang naghintay ako sa pasukan para lang makita ulit si Hunter. Alam kong hindi siya pumapasok sa university namin pero may posibilidad na dito ulit sila magte-training kaya naghanda ako. Para nga akong ewan na nag-aayos ng sarili ko sa salamin kaninang nasa bahay ako.
    
  
"Aga ah?" bungad ni Hailey pagpasok ko ng classroom. Wala pa ang iba naming kaibigan.
  
  
"Maaga lang nagising." rason ko.
  
 
"Sus. Maaga dahil may gustong makita, ganon ba?"
   
  
"Shh..shut up." saad ko't napalinga linga pa sa mga kaklase ko. Baka may makarinig pa sakanya't ano pang isipin nila.
   
  
"Haha okay fine. Gusto mo bang pumunta tayo sa gymnasium para silipin siya?" mahinang sambit niya sabay kindat. Namuo naman ang ngiti sa labi ko't napatango. Hindi ko na naitangging ganon nga ang intensyon ko sa pagpasok ko ng maaga.
    
  
Bakas sa mukha ko ang kaba at nerbyos habang patungo kami sa gymnasium. Pinaghandaan ko pa lang  ang sasabihin ko kay Hunter kung sakali mang magkita kami. Para nga akong may inaaral na script dahil sa nakuha ko pang humarap sa salamin habang iniimagine kausap ko na nga si Hunter. Haaay baliw na talaga ako.
   
  
*preeeeeet!*
  
  
Nadatnan naming nagsisimula na sa training ang dalawang basketball team. Mabilis kong nilibot ang mga mata ko sa loob ng gymnasium pero wala akong nakitang Hunter de la Vega. Nakapagtataka.
  
  
"Bakit parang wala siya?" tanong ni Hailey habang nakatingin sa mga basketball players.
   
   
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko rin alam.."
  
 
"Teka." saad ni Hailey.
  
 
"Anong gagawin--" hindi na niya ko hinintay pang matapos dahil mabilis niyang tinungo ang mga ka-team ni Hunter. Nanatili lang akong nakatayo habang pinagmamasdan ko ang paglakad niya na parang isang modelo. Kita ko pa ang pag-ayos niya sa buhok niya sabay plantsa sa damit niya gamit ang mga palad niya.
   
  
Really Hailey?
 
 
Napahawak ako sa bibig ko sa pagpipigil ng tawa habang pinapanood kung paano niya kausapin ang mga kalalakihan. Todo ngiti kasi siya na halatang nagpapa-cute. Infernes naman dahil mukhang effective nga ang ginagawa niya.
   
  
Bumalik siya sakin ng may ngiti sa labi niya sabay wasiwas ng buhok niya. "Ano yun?" nangingiting tanong ko.
  
 
"Alam ko na kung nasan ang Hunter mo." tsaka siya kumindat. Lumapit siya sakin sabay bulong sa tenga ko kung saan ang kinaroroonan ni Hunter. Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ko dahil pagkakataon ko na ito para makita at makausap siya ng kaming dalawa lang.
   
  
"Thanks Hailey, iba ka talaga!" pagpapasalamat ko sakanya sabay yakap.
  
  
"Wala yun, basta ikaw Zoe. Osige na, puntahan na natin siya." nakangiting sabi niya. Napatangu-tango naman ako.
    
  
Hindi pa man kami nakakalayo ay may, "Zoe." natigil naman ako sa paglalakad at hinarap ang pamilyar na boses na tumawag sakin.
  
  
"Oh? Hi Daniel." wrong timing.
   
  
"Ang aga mong nandito?" tanong niya habang papalapit samin ni Hailey.
   
 
"Uhh, n-napadaan lang kami. Paalis na nga rin kami, diba Hailey?" tumingin ako kay Hailey tsaka sumenyas gamit ang mga mata ko. Mabilis naman niya itong nakuha kaya napatangu-tango siya sabay sabing, "Oo, tama."
   
  
"Ahh osige, nood kayo sa laban namin next week ah?" nakangiting ani Daniel.
   

"Oo, manonood naman talaga kami." sagot ko.
  
 
"Sabi mo yan ah? Aasahan kita dun Zoe." awkward...
   
 
"Uhh, hehe sige Daniel. Una na kami. Nagmamadali kasi kami sa klase e. Bye!" pagpapaalam ko sabay kaway.
   
 
"Okay, bye.." aniya tsaka tinaas ang kamay niya. Mabilis ko siyang tinalikuran sabay hila kay Hailey papalabas ng gymnasium.
   
  
Buti at hindi na nagtanong ng marami si Daniel dahil nagmamadali talaga akong puntahan si Hunter. Pinagtitinginan na kami ng mga taong nadaraanan namin dahil sa paghila ko kay Hailey. Halos kaladkarin ko na nga siya sa paglalakad makapunta lang agad ng Epidòseis university.
  
  
"D-Dito na lang ako.." hinihingal na saad ni Hailey habang sapu-sapo ang dibdib niya.
  
  
Nasa labas na kami ng gymnasium ng Epidòseis. Hinihingal rin ako pero mas ramdam kong dinadaga ang dibdib ko sa sobrang kaba. Sa loob ng gymnasium ang eksaktong lugar na binulong sakin ni Hailey. Pinaiwan daw umano siya ng couch nila para hintayin ang ihahatid na tarpaulins na isasabit bilang disenyo sa araw mismo ng basketball tournament.
    
  
"Sige na Zoe, pumasok ka na.."
   
 
"Huh? Paano ka?"
  

"Ano ka ba, hindi naman ako mawawala dito no. Tsaka sainyong dalawa lang dapat ang moment na 'to, hindi dapat ako kasama kaya grab your opportunity na." sambit niya sabay marahang pagtulak sakin.
  
 
"S-Sige.." sandali ko pa siyang nilingon bago ko tahakin ang daan papasok ng gymnasium.
   
   
Habang naglalakad ay lalong lumalakas ang pagkabog ng puso ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ni Hunter sa oras na makita niya ako. Hindi ko rin alam kung ano bang mangyayari pagkatapos kong sabihin lahat ng dapat kong sabihin sakanya. Pero hanggat wala pang resulta, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko malaman niya lang ang totoo.
   
  
I can do this...
    
    
  
Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko nang maaninag ko siyang nakatayo sa loob. Sandali akong natigil para pagmasdan siya. Kahit nakatalikod ay malakas pa rin ang dating niya. Ramdam ko ang kiliti sa loob ng tiyan ko na parang may naglalarong mga alitaptap. Humugot ako ng malalim na hininga bago mapagdesisyunang humakbang para lapitan siya.
   
   
"Hun--" natigil akong muli nang makitang lumabas sa isang pinto si Stella patungo kay Hunter. Dahan dahan nitong pinalupot ang kamay niya sa likod ni Hunter para yakapin siya.
  
 
"Happy 2 months sating dalawa, Hunter." The hell?! Dalawang buwan na nga sila? Ang bilis..
   
  
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng gymnasium. Ngayon ko lang napansin ang mga nakasabit na tarpaulins na puro pictures ni Hunter at halatang walang konektado para sa tournament. Kung ganon, surprise monthsary pala ito ni Stella at kasabwat ang couch at mga ka-team ni Hunter para dito.
   
  
Damn! Pati ako ay nasurpresa!
   
  
Sa pagharap ni Hunter sakanya ay siyang paghila ni Stella sa ulo ni Hunter para magdikit ang mga labi nilang dalawa. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Hunter habang nakapikit naman ang mga mata ni Stella. Samantalang ako naman tong nanigas sa kinatatayuan ko habang damang dama ang paninikip ng dibdib ko.
   
 
Ilang segundo rin ang tinagal nila sa ganong posisyon bago nila harapin ang isa't isa. Napakagat ako ng ibabang labi sa sakit na nararamdaman ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko dahil nahihirapan akong lumunok ng maayos. Ano tong mainit na likidong tumulo sa mga mata ko?
   
  
Shit... Am I crying?
   
  
Napakurap kurap ako. Pinilit kong huminga ng maayos habang iniiwas ang paningin ko. Ilang beses ko na silang nakitang magkasama, ilang beses ko ng naramdaman ang ganitong sakit, pero bakit parang unang beses pa rin ang ganitong pangyayari sakin? Bakit hindi pa rin ako nasasanay? Bakit parang winawasak ang puso ko? Bakit?
   
    
Hindi pala para samin ang moment na 'to.
  
   
"Oh, bakit ang bilis mo namang lumabas?" wala akong imik ng salubungin ako ni Hailey. Yumuko lang ako't napabuntong hininga. Hindi na rin niya nagawang magtanong ulit dahil mukhang nahalata niya sa ekpresyon ko ang nangyari.
   
  
Nasaktan ako..
  
  
  
---

Innocent Devil meets Naughty AngelWhere stories live. Discover now