54. Expulsion

383 12 0
                                    

Shayne's POV
Ingay ang sumalubong sa akin pagkapasok sa lobby. Ang daming tao sa gym akala ko kung sino lang na nagkaiinitan sa basketball pero parang natanaw ko si Ryder. Patakbo akong lumapit at nakita siyang nakikipagsuntukan. Alam kong may kinalaman 'to sa nangyari kahapon. Alam kong hindi niya palalampasin iyon but I wonder kung bakit si Denver ang kaaway niya. Dapat si Dwigth dahil siya ang may gawa noon naisip ko na baka iba naman ang pinag-aawayan nila.

"Gago ka walanghiya ka talaga. Why you just back to hell where you're coming from ha?!"

"Well let's say this is your territory but you don't own this Ryder!"

Parehas mataas ang boses nila at ayaw paawat. Pareho na rin silang may pasa sa ibat ibang parte ng mukha. Mabilis akong lumapit kay Ruder at inawat siya. Pero mukhang kahit ako ay hindi niya papakinggan ngayon.

"Tama na Ryder... tama na!" pakiusap ko pero hindi siya nakikinig.

"Ikaw 'yong nagdadala ng gulo dito alam mo ba 'yon? Naturingan ka pang may mataas na posisyon."

"Lumabas rin 'yong totoo na naiingit ka sa'kin. Hindi ba totoo naman na naiingit ka sa'kin!"

Mas lalong napikon si Ryder at susugod ulit kay Denver. Agad ko siyang niyakap para mapigilan pero nagpumiglas siya. Sinalubong ni Denver ng suntok ang papalapit na si Ryder pero dahil hinarang ko 'yong sarili ko ako 'yong natamaan. Denver hit me on the head sa sobrang lakas ng suntok niya ay nawalan ako ng balanse at natumba sa floor. Inalalayan ako ni Ryder pero huli na cause I hit the ground. Dumating ang Dean at pingalitan sila. Ihahatid sana ako ni Ryder sa clinic pero pinaiwan siya doon dahil mag-uusap pa raw sila.

Dinala nila ako sa clinic pero ang isip ko ay naiwan kay Ryder sa gym. Galit na galit ang Lolo nila and I know this time hindi niya palalampasin iyon at alam kong mapaparusahan sila.

Ryder's POV
"Hindi ko na alam kong anong gagawin ko sa inyong dalawa!"

Lolo's voice echoed at the four side of his office. Alam kong galit na galit siya sa amin. I know I gave him a headache pero hindi ko naman gagawin 'yon kung hindi dahil kay Denver. Nalaman ko lang naman na kasabwat siya nila Dwight para gumanti sa akin. Oo siya na nga raw ang bagong leader ng Dymamite. Alam kong ginagawa niya 'yan para gantihan ako pero hindi ko akalain na kakampi siya sa Dynamite. Hindi ko talaga inakala na gagawin niya 'yon.

"Lo siya 'yong nagsimula gumanti lang ako," katwiran ni Denver. Oo ako 'yong nagsimula sinugod ko ang Dynamite at naabutan ko siya doon kasama nila.

"Wag ka na mangatwiran Denver. Alam mo bang napahiya ako sa ginawa mo? Mataas yong posisyon mo, you should set a good example but look at you? You're doing the opposite! Alam mo bang hindi lang ikaw pero makakasira 'yan sa reputasyon ng school? I'm very disappointed with you." Binagsak ni Lolo ang kamao sa mesa, it create a huge sounds na lalong nagpaingay sa buong kwarto.

"Ikaw naman Ryder..." Alam kong hindi ako makakaligtas sa sermon niya kaya hinanda ko na yong tenga ko." Alam ko nang ganyan ka pero pinipilit kitang intindihin. Alam kong kailangan mo lang ng pang unawa pero sumusobra ka na!"

Hindi ko masisisi si Lolo kung sabihin niya 'yan. Lagi niya nga akong iniintindi at kinakampihan but I always disappoint him.

"I'm sorry, but you guys have to learn your lessons. Hindi kayo matuto kung hindi kayo mapaparusahan. Hindi porke apo ko kayo exempted na kayo sa parusa. Lumabag kayo sa mga rules ng school and you have to face the consequence of your actions."

I will accept any punishment he will gave us. I know I deserve but his decision shocked me.

"Ikaw Denver matatangal ka na sa posisyon mo!" Nanlaki ang mata ni Denver at hindi nakapagsalita. He badly needs that position for his training. Doon nakasalalay ang magiging grades niya pagbalik niya sa London. Natakot ako sa parusang ibibigay ni Lolo sa akin. Kung ganoon kabigat ang parusa kay Denver alam kong ganoon din sa akin. Something that I can't except to happen.

She's Not So Ordinary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon