32. Tapsi na lang

566 22 3
                                    

Farrah's POV
Nagawan naman ng paraan ni Tyrone 'yong nangyari. Na-plat pala yung gulong kaya humingi siya ng tulong at tinulak ang kotse niya hanggang sa makarating kami sa pinakalapit na vulcanizing shop.

Maybe blessing in disguise na rin 'yong nangyari. If it wasn't happen  hindi naman siya mag-dosorry at hindi naman kami magkakabati. Masaya na rin ako dahil bati na kami. Well. hindi pala kasi balik kami sa dati, nang aasaran, we used to annoy each other cause he's jerk and I'm born to be brat and up until now I am. Pero mas mabuti na rin kasi iyon naman talaga 'yong normal sa amin. Sana lang 'wag niya ako ulit awayin kapag nakipag-break na naman sa kanya 'yong so called playmates niya.

Shayne's POV
Time has passed at naging maayos naman ang samahan namin ni Ryder. Well actually hindi lang si Ryder kundi kaming lahat na barkada. Oo masasabi ko naman na kahit sandaling panahon pa lang ang pagkakilala namin ay barkada na rin ang turing namin sa isa't isa. Si Farrah at Tyrone iyon madalas pa rin mag away pero napansin ko lang mas sweet na sila sa isa't isa. Si Victor at Yana katulad din nila  laging nagbabagayan pero there's was something between the two of them ayaw lang aminin. Dale Ryder and I? Well, love triangle pa rin kami. Maganda kasi ako kaya love triangle kami, no kidding aside, si Dale nanliligaw siya sa akin. He kept on giving me a present everyday. Flowers, chocolates, stuffed toys, food at kung ano-ano pa. He also loves to fetch me para sabay kaming pumasok at hinahatid rin ako pauwi. Ang nakakalito lang si Ryder ginagaya niya 'yong mga ginagawa ni Dale eh hindi naman siya nanliligaw sa akin. He didn't say anything pero ginagawa niya 'yong ginagawa ng isang lalaking manliligaw. Naguguluhan na nga ako sa kanya but I can't asked him regard this matter so keep on wondering na lang. But somehow I feel comfortable with his presence. Actually nasasanay na ako sa kanya minsan he will barge on my room tapos wala namang gagawin kundi matulog. But sometimes, I find his gestures sweet. He also never failed to make me laugh and smile. Although minsan napipikon pa rin ako sa kanya.

I'm so deep into my thoughts when I heard someone spoke behind me. It was Dale and Ryder. Iyan na naman parang lagi silang nagpapaligsan just to get my attention.

"Oh!" panabay na bigkas nila sabay lapag ng styro na may lamang pagkain sa harap ko.

"Hmmm?" what's with them this time. Nag-uusap ba sila kung anong ibibigay sa akin at palagi silang nagkakasabay.

"Kumain ka na," sabi ni Ryder at pilit na sinisiksik 'yong styro na may print na bubuyog na hawak niya.

"Shayne try this one mas masarap 'to!" Dale said at pilit ding ibinibigay sa akin 'yong hawak niya na isa rin brand ng fast food chain nay may tatak naman na letter M na kulay dilaw. Well rivalry ng hawak ni Ryder. Magkaiba talaga sila ng taste kahit sa pagkain.

Para naman akong naestatwa sa ginagawa nila. Sabi ko nasanay na ako pero 'di pa rin pala. Tell me how will I get used to it?

"Hi Dale, Shayne and Ryder. Oh ano 'yan?" tanong ng kadarating lang na si Victor.  "Well...I guess nagpapa-cute na naman kayo kay Shayne just by giving her a lunch?" Victor smirked.

"Shayne, meron akong tapsi baka gusto mo?"

Nagulat sina Dale at Ryder nang kunin ko ang inalok na tapsi ni Victor. Eh kasi naman nahirapan akong pumili sa kanila. I mean sa pagkain na binibigay nila. Buti pa tapsi na lang mas masarap pa.

"Thanks Victor." I smiled.

"Welcome Shayne. So, since Shayne pick my Tapsi, I guess you owe me this guys," sabi ni Victor at kinuha 'yong hawak nina Dale at Ryder. Naguluhan man 'di na rin sila nagreklamo sa ginawa ni Victor. Mayamaya dumating na rin si Yana.

"Hi YanYan!"I have something for you."

"Talaga ano 'yon VicVic?"

Wow kailan pa sila nagkaroon ng endearment? Sige na sila na si YanYan at VicVic. Hindi ko pinansin 'yong sweetness nina Yana at Victor ay bumaling kay Dale at Ryder. Too bad I don't have my camera. I guess I need to capture the annoyance on their faces, ang cute nilang dalawa. Naka-pout sila at nakatingin sa malayo basta ang cute nila pareho. Ngayon ko lang sila nakitang ganyan lalo na si Dale. Nagalit ba sila kasi 'yong binigay ni Victor ang pinili ko?

"Kain tayo."

"Sige," labas sa ilong na sagot nilang pareho.

Isn't it too childish Two hot campus heartthrobs get easily annoyed over those little things? Please tell me how to deal with these two?

💕💕💕
#TeamMcdo or #TeamJolibee
Comment down!

She's Not So Ordinary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon