3. Little Brother's Care

1.4K 40 1
                                    

Dedicated to: @VendoMachine

Kiko's POV
Nakita ko si Ryder pati 'yong grupo niya na may nilagay sa locker. Daga pala buti na lang 'di takot si ate sa daga.

Pero kahit na hindi ko palalampasin 'yong ginawa niya. Paano pala kung takot si ate sa daga? Paano pala kung may sakit siya sa puso at namatay? I know I'm exaggerating here, pero paano nga kung may nangyari kay ate dahil sa ginawa nila?

Alam ko leader siya ng fraternity dito sa school. Bawal nga 'yong fraternity na 'yon pero si Ryder ang nagpasimuno kaya 'di nila masaway. Apo ba naman mg may ari ng school.

Paano ko nalaman? Syempre kwenento sa'kin ng classmate ko. Tsaka sino ba naman 'di makakakilala sa kanya 'di ba? Kinakatakutan siya ng lahat— pero hindi ako. Hindi ko alam kung anong kasalanan sa kanya ni ate. Pero mali man o tama si ate pagtatangol ko pa rin siya. Syempre ako ang lalaki sa'ming dalawa. Kahit ako ang mas bata dapat protektahan ko siya.

"Kiko 'wag mo ng ituloy 'yong plano mo hindi mo kilala si Ryder," si Ian 'yan siya 'yong kaibigan ko.

"Pero binastos niya si Ate," bahagya kong nilingon si Ian bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Ikaw na rin nagsabi 'di ba, hindi naman natakot 'yong ate mo? Tsaka isa pa, baka lalo niyang pag-initan 'yong ate mo kapag nakisali ka."

Naiisip ko na rin naman 'yan. Pero buo na ang pasya ko. Hindi ko pwedeng palampasin 'to.

"Hay naku Ian, bahala ka kung ayaw mong sumama hindi naman kita pinipilit." Umalis na ko at tinalikuran siya. Hinintay ko si Ryder sa may gate. Sakto naman na 'di pa ako matagal naghihintay lumabas na rin siya.

"Shawornwong!" tawag ko sa kanya at lumingon naman siya. Kasama niya 'yong bataan niya. Naku patay anong laban ko dito?

Ryder's POV
I was about to enter my car when I heard someone called me.

"Shawornwong!"

At sino naman tong batang 'to? Lakas loob maghamon sup*t naman.

"Totoy si Master Ryder ba 'yong tinatawag mo?" tanong ni Lester sa kanya, isa sa mga member ng fraternity ko.

"Oo si Ryder," matapang na sagot niya pero hindi nakaligtas sa paningin ko na nanginginig ang kamay niya.

"Aba ang tapang mo ah! Sino ka ba? " Tanong ni Dwight—ang punisher sa grupo namin. Kahit ako 'yong leader wala akong magagawa kung 'di papayag ang punisher. Sila 'yong magpaparusa sa mga bumabangga sa'min.

"Ako si Francis Corpus, kapatid ni Shayne Corpus."

"At sino naman si Shayne Corpus?" Dwight asked and blocked his way.

" 'Yong babaeng binabastos ng Master n'yo!"

Kaya pala ang tapang niya, kapatid ni Amazona. Pero wala siyang laban sa grupo na 'to.

Ako lang 'yong kasali sa grupo na'to. Hindi kasali yong tatlo. Sa totoo lang matagal na nila akong pinaalis sa grupo pero hindi ko pwedeng basta umalis.

Kung ang fraternity ay may initiation, sa fraternity namin, gan'on din ang gagawin kapag umalis ka. At hindi lang basta parusa kundi torture, pati pamilya mo idadamay nila. Kaya nga hindi ako makaalis rito.

"Pabayaan n'yo na siya," saway ko kay Dwight. Shayne is my business I can handle her kahit di na mangialam ang grupo.

"Pero 'di naman yata pwede 'yon Master, Kailangan niyang makilala kung sino 'yong binabangga niya," sagot ni Dwight.

"Tama Master, kailangan niya mabigyan ng leksyon!"pag-sang-ayon pa ng iba.

"Pabayaan n'yo na, bata naman 'yan, supot pa."

She's Not So Ordinary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon