7. Ang Cute mo Kasi

1.2K 56 1
                                    

Shayne's POV
We file into the classroom, take our seats and as the lesson went on I can't help but to feel that someone was eyeing me.

I look at my left and saw Dale listen attentively to the teacher. I looked at Yana hindi rin naman siya. I looked to the right only to find out that Ryder was staring at me.

Please Ryder stop staring at me. Maniniwala ako sa sinabi ni Victor na nagseselos ka pag 'di ka tumigil. Pero wala eh nakatingin pa rin siya sa akin

"Bakit?" batatakang tanong ko.

"Anong shampoo mo?"

Paano nakapasok ang shampoo d'on? Baka naman gusto niya ring gamitin 'yong ginagamit kong shampoo.

"Bakit?"

"May kuto ka eh."

Ano may kuto raw ako? Kinapa ko 'yong gilid ng tenga ko, sa part na tinitignan niya. Parang wala naman.

"Dale may kuto ba?" tanong ko kay Dale pero si Victor 'yong sumagot.

"Wala!" nasa tabi siya ni Ryder kaya nakikita niya rin yon.

"Wala naman pala!" Inirapan ko si Ryder.

"Eh, nakatakas na eh bobo!"

"Anong sabi mo?"

"Narinig mo?"

"Oo," me and my stupid mouth. Inamin ko rin na narinig ko. Babarahin na naman ako nito.

"Narinig mo naman pala, tsk!"

Hindi ko na lang siya pinansin at nakinig sa teacher. Classmate ko na siya, kaya kung araw-araw kaming ganito at araw-araw ko siyang papatulan walang mangyayari. Hindi naman magpapatalo 'yan.

"Class, gagawa kayo ng research paper by group 'to. Group which consist of 6 members. Bahala na kayo kung sino ang ka-group niyo. Bahala kayo 'yong tatlong babae tatlong lalaki, kung puro babae at puro lalaki basta group yourself into six maliwanag ba?"

"Yes, Ma'am!"

"Okay you'll report that on Friday so get ready. Is there any question?"

"None!" sabay-sabay na sagot nila.

"Okay class dismiss!"

Nagkanya-kanya na silang tayo ng magdismiss ang teacher. I fix my things at tumayo na rin.

"Tayo ng anim ang mag kakagrupo ha?" Tyrone suggested.

"Sure no prob," sagot ni Dale.

"Sige payag din ako," pagpayag ni Victor.

"Ikaw Shayne?" tanong ni Yana.

"Oo naman, walang problema," si Ryder lang naman ang ayaw kong ka-group, wala naman problema sa akin kung maka-group ko ang mga kaibigan niya.

"Kung okay kay Shayne okay rin sa'kin," sagot ni Yana. Si Ryder na lang 'yong hindi pumapayag.

"Ikaw Ride?" tanong sa kanya ni Tyrone pero hindi siya sumagot.

"Silence means yes...." sabi naman ni Victor. Hindi naman siya kumontra so we assume na pumayag na siya.

Hay...okay na si Dale si Victor at Tyrone okay lang din pero si Ryder makakagrupo ko hell no! But definitely yes, naka oo na ako kaya 'di ko na pwedeng bawiin. Akala ko naman kasi 'di siya papayag.

"Shayne tara kain tayo?"

"Kain na naman kakakain lang natin," sagot ko kay Yana at ngumiti

"Gusto mo Yana, tayong dalawa na lang," alok ni Victor kay Yana at kumindat pa. Inirapan naman siya ni Yana.

She's Not So Ordinary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon