36. Two truth's One Lie

598 26 27
                                    

This chapter is dedicated to #GC3

Shayne's POV
Knagabihan ay nag-set kami ng bonfire sa may tabing-dagat. Ang sarap nga ng hangin at init na nanggagaling sa bonfire. Naghahalo ang init at lamig ang sarap sa pakiramdam.

"Shayne." Tumabi sa'kin si Dale. Nginitian ko naman siya.

"Dale Pqre, patulong naman!"  nagulat kami sa lakas ng sigaw ni Ryder. Napabalikwas si Dale at lumapit kay Ryder.

"Why are you shouting, galit ka ba?"

"Galit? di ah! "

"Ikaw kasi Dale 'wag kang tatabi kay Shayne." Naiiling at tumatawang komento ni Victor. Hinampas tuloy siya ni Ryder sa ulo.

Hay... ang kulit talaga ng barkada nila. Nilapitan ko naman si Yana  na abalang nag-iihaw ng seafoods. Si Tyrone naman at Farrah ay may sariling mundo.

"Tulungan mo nga ako dito," sabi ni Yana nang makalapit ako sa kanya.

"Oo nga, kaya nga lumapit ako 'di ba?" sagot Jo.

"Shayne maiba lang nanliligaw ba sa'yo sina Dale at Ryder?"

"Ham?"

"Ham? Ano wyon palaman sa tinapay?"

"I mean ha...ano?"

"Alam kong narinig mo 'yong sinabi ko."

"Fine! I... I don't know?!"

"You don't know?"

"Hindi ko alam eh!"

Umupo kami ni Yana sa nang matapos ang ginagawa. At nagpatuloy siya sa pagtatanong sa akin.

"Paanong 'di mo alam?"

"Si Dale siguro, he said it once. Nagsabi siya na manliligaw siya pero si Ryder. Hindi naman eh."

"But why is he acting like that?"

"Like what?"

"Ganyan 'yong nagseselos siya kay Dale."

Ipinag-kibit balikat ko lang ang sinabi ni Yana at tumingin sa malayo. Bakit nga ba? Bakit Ryder?

"Sino bang mas gusto mo sa kanila?

"Guys ayos na lahat, tara na!" biglang sigaw ni Victor parakunin ang atensyon namin.

"Yana, Shayne. join us here!" segunda ni Dale habang nakangiti.

Yana tapped my shoulder. "Andito tayo para mag-enjoy. Tsaka mo na isipin kung anong sagot sa tanong ko kanina."

Tama si Yana hindi ngayon ang panahon para isipin ko 'yan. At isa pa, hanggat maari ayaw kong isipin ang bagay na 'yan.

Umupo kami paikot sa bonfire. Nagkayayaan silang maglaro ng two truth's one lie. Ito 'yong laro kung saan magsasabi ka ng tatlong bagay tungkol sa sarili mo. Two truth's and a lie. Huhulaan naman ng mga kasama mo kung ano ang truth at alin ang lie.

Katabi ko si Ryder at si Dale. Eto na naman 'yong "that awkward moment" sa'ming tatlo. Eh kasi naman lagi nila akong pinagigitnaan. Kasama rin namin ang buong section namin at ilan sa mga teammates nila Ryder sa basketball. Naka join din 'yong mga kaibigan ni Farrah, na sina Kath Heart at May. Kasama din namin si Kiko at ang barkada niya kasama ang crush niyang si Jhana.

Nauna si Victor kung ano-anong pinagsasabi kaya sobrang lakas ng tawanan namin.

"1. Kinain ko yung sarili kong tae n'ong baby pa lang ako," seryosong sabi niya habang kami tumatawa. "Pangalawa, absent ako n'ong tinuro 'yong calculus kaya hindi ko alam 'yon. At pangatlo meron ako ngayon."

She's Not So Ordinary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon