15: ShayDer

847 33 3
                                    

Shayne's POV
Kinabukasan nakasalubong ko sa hallway si Ryder. Muntik ko na siyang mabangga kaya lumipat ako sa kanan. Lumipat din siya kaya bumalik ako sa kaliwa, pero bumalik ulit siya kaya iyon nagkabanggaan na tuloy kami. Natawa na lang kaming pareho sa ginawa namin.

"Ikaw na mauna." Nakangiting ani niya.

"Hindi na, ikaw na."

"Ladies first."

Wow gentleman din pala 'tong loko na 'to. In fairness, hindi na kami nag-aaway. Kailangan pa pala naming makulong para lang nagkabati kami.

"Ladies first?" I asked sarcastically.

"Yup," he said popping the 'p'

"Hindi ba sabi mo hindi ako babae?" 

"Ah oo nga pala," sagot niya at naglakad na palayo sa akin.

"Ryder wait..." I called his attention. Hindi ako nagpapansin ah. Gusto ko lang ibigay 'yong towel na pinahiram niya sa akin.

Inabot ko sa kanya 'yong towel at ngumiti.

"Thanks," I smiled widely as I handed him his towel.

Tipid na ngiti lang 'yong sinagot niya sa akin at tuluyan ng umalis. Okay lang kahit hindi niya ako kinausap at least hindi niya ako inaway.

Ryder's POV
"Oh pare n'andito kana pala." Salubong sa akin ni Victor nang pumasok ako sa loob ng classroom. Andoon na rin sina Tyrone at Dale.

Umupo ako sa tabi ni Dale. Napansin ko lang parang tahimik siya ngayon. Well, n'ong isang araw pa, simula n'ong nakulong kami ni Shynne sa lumang library. I know na gusto niya si Shayne maybe that's the reason of his sentiments.

Wala naman siyang dapat ipag-alala. Wala naman akong...

.
.
.
Wala nga ba? My mind contradicted me.

Nasa gan'on akong pag-iisip nang magsalita si Dale sa tabi ko.

"Pare pwede ba tayong mag-usap?"

"About what?" tanong ko kahit alam ko na naman kung tungkol saan ang sasabihin niya.

"Mamaya ko na lang sasabihin, after class."

"Okay, sige sure."

Natapos ang klase at hinintay ko sa labas si Dale. Pinauna ko na sina Tyrone at Victor sa canteen.

"Pare, I'll go straight to the point. Gusto mo ba si Shayne?"

Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Inaasahan ko na ywon pero nagulat pa rin ako.

"Ryder tinatanong kita. Alam mo naman siguro na nililigawan ko siya 'di ba?"

"I know, alam ko 'yon Dale. Are you going to ask me to stay away from her? Gusto mo bang layuan layuan ko siya?"

"Hindi naman sa ganoon Pare, I just want to clarify things. May gusto ka ba sa kanya?"

"Paano kung sabihin kong oo?" I answered at may paghahamon ma nilabanan ang tingin niya.

"So, gusto mo nga siya?" paniniguro niya.

Gusto ko nga ba siya? Hindi ko rin alam. Ayaw kong mag-away kami ni Dale ng dahil lang sa isang babae. Pero hindi ko rin alam kung kaya kong magpaubaya.

I know kailan lang n'ong nakilala ko 'yong babaeng 'yon, pero marami ng nagbago. Hindi ko rin maiintindihan minsan 'yong sarili ko.

"Well, silence means yes," sapantaha ni Dale. "Wala naman akong magagawa kung gusto mo rin siya, pero Pare, gusto ko rin siya. Ayaw ko sana na mag-away tayo ng dahil sa kanya."

She's Not So Ordinary (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon