33: island hopping

1.6K 44 8
                                    

PAINE pov...

Nasa gitna na kami ng karagatan para bantayan ang paparating na mga medical staffs na bibisita sa matalinong doktora.

"Andyan na sila." wika ni Sleep.

Kaya nagsipwesto na kami. Si Lulu ang actress namin kaya siya ang umakting na may sugat habang sina Uncle Grey at Auntie Mody ang nagmomonitor sa ere.

"Help!!" tawag pansin namin sa kanila. "Help!!"

Nakailang ulit pa kami ng paghingi ng tulong hanggang napansin nga nila kami at inilapit nila ang kanilang yate sa yate namin.

"What happened in here?" usisa ng kanong nakaeyeglasses.

"Yung fish hook imbes na isda mabingwit yung paa ng kasama namin ang nabingwit." pagrarason naman ni Sleep kaya todo explain naman ang lalaking pinoy sa kanya.

"Okay, Ron get our first aid kit." utos ng kano sa kasamang Pinoy nito.

Dali-dali namang kinuha ng lalaking pinoy ang kit at bumalik agad sa yate namin. Nagsenyasan na nga kami na i-operate na ang plano. 

"I will do it faster so bare with me." wika ng kano sa kay Lulu na todo arte naman.

"Just do it shit!!" hiyaw ni Lulu. Gusto ko ng matawa sa pag-inarte nito pero todo pigil parin ako.

 

Tututrokpa lang ng injection ang kano sa paa ni Lulu ng inunahan naman siya ng pagturok ni Lulu sa leeg ng pampatulog. Habang kami naman ni Sleep ay tinututukan naman ng baril ang ibang kasama pa nito pwera kay Ron na kasabwat namin. 

"Nahuli na namin ang first target natin." report ko kina Uncle Grey.

"Good proceed to the next step." sagot ni Uncle Grey.

Ipinahubad na nga namin sila ng kanilang damit at isinuot iyon saka kami naglipat ng yate. Nagsimula na ngang umarangkada ang yate papunta sa isla habang nagbibigay ng ilang babala si Ron sa amin. Nakafulldisguise attire kami kaya siguradong hindi kami madaling mahuli.

"Maging alerto lang tayo at iwasan niyong lumingon o tumingin saan-saan habang patungo tayo sa silid ni Doktora Akita. Kunting linga lang natin pagdududahan na tayo ng mga securities. 

 

Ito na nga ang pinakahihintay namin, ang makadating sa isla ng doktora. Malaparaiso ang dating nito pero yung upgraded dahil pagtungtong niyo palang sa pantalan security check agad. Thanks to the technology dahil napeke namin ang biometrics kaya nakalusot kami sa first check. Sumakay kami agad sa golf cart dahil nasa tuktok ng bundok ang laboratory ng doktora.

Hindi rin kami masyadong makasalita dahilsa tauhannila ang nagdadrive ng cart at dumagdag pa ang earpiece na nilagay sa amin para mamonitor ang usapan namin. Mabuti na lang at may sign language kami para sa plano at sinisira naman ni Auntie Mody ang voice tracking. Sobrang napahanga naman kami ni Lulu sa ganda ng lab nito. Animo'y isang resthouse lang ito sa tuktok ng bundok. Nakadating na nga kami sa tapat ng pintuan ng lab.

I FEEL NO PAIN...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon