9: at the bike shop..

3.8K 72 28
                                    

PAINE...


Nakafullgeared na kami ni Lulu para tumngo sa bike shop. Hindi po para magnakaw kundi on-site view ng pagnanakawan namin. Sabi nga ng guro ko sa interior design namin the best ang on-site. Pareho kaming gumamit ng MV AGUSTA RIVALE 800. Magkaiba lang ang kulay namin, metallic black sa akin at sa kanya naman ay isang red/silver.

"Let's have a deal Shut-up." wika ko sa kanya pagsakay niya sa motorsiklo.

"What?" usisa naman nito.

"Kung sino ang huling magpark siya ang maglalandi sa incharge dun." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Then its a deal." sumang-ayon agad at isinuot na niya ang kanyang helmet.

Sinuot ko na din ang helmet ko at si Sleep ang ginawa naming flag man.

"Okay girls, ready!" paninigaw nito. Kating-kati na ako na maunahan ang bruhang ito. "Start your engine and gooooooooooooo..!!!" 

Naghabulan na nga kaming dalawa patungo sa bike shop. Waaa..hehehehe, nauunahan ko siya!! Mga 30 minutes lang naman ang biyahe patungong bike shop. SHIT!!Malapit na ang malandi!! Hinirit ko na ang motorsiklo para makapark ako sa malapit na lot. 

"Opss..." mukhang mas naunahan ko pa ang sasakyang ito, hahaha! Hala sige magbusina ka diyan.

Hindi na muna ako bumaba ng motorsiklo, hinihintay ko pa kasi si Lulu na dumating. Napalingon ako sa sasakyan na inagawan ko ng pwesto. Napaatras ito para lumipat sa tabi ko nang....

"Putchak!! Ang daya mong malandi ka!!" hiyaw sa akin ni Lulu ng makapark siya sa tabi ko.

"Hahahhahahaha!!!" todo-tawa talaga ako hindi kay Lulu kundi sa kotse.  "Tara na nga sa loob, highblood na yung kotse. Inagawan ko na nga ng parking lot inagawan mo pa." tawa trip lang ako ngayon. "Putchak!! The epic fail of idiotss!! Hahahaha!!"

Hala, todo busina lang ito. Hanggang napikon na siya kaya lumipat na siya ng paking lot. Bumaba na nga kami ni Lulu at hinubad ang helmet na suot namin.

KINT...

Puteks naman na LJ yun saan naman kaya nagsuot? Kanina pa ako dito sa labas ahhh... paniguradong naghiganti talaga iyon sa dalawang riders. Makapasok na lang nga.

"Goodmorning Ma'am." waa...Ma'am/ ano ako bading? Makabati naman ang guard na ito.

"Sir, mukha po ba akong babae??" masinghalan nga ito.

"Hindi po kayo ang binabati ko Sir, sila po." sabay turo pa siya sa likuran ko.

Paglingon ko..angels brought me here to witness this two beautiful creature created by God. Uwaa!!!!

"Excuse us, hindi libre ang pagnanasa sa amin." wow, naman makasinghal ang babaeng nakafull-geared na kulay asul.

I FEEL NO PAIN...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon