44: what you don't know

861 37 20
                                    

PAINE pov..

Napagdesisyunan ko ng lumabas ng silid ko matapos ang isang linggo. Nakakabagot din pala ang umiyak ng umiyak. Kailangan ko ng bumangon sa dugmok na ito. Palabas na sana ako ng bahay ng pagdaan ko sa opisina ni Uncle Speedy narinig kong pagjujuramentado nito kaya napalapit ako sa pintuan.

"Tangina Lj yun pinupunterya niya tayo!" rinig kong paninigaw ni Uncle.

Tinutotoo nga ni Lj ang sabi niyang paghihirapan nya kami. Kasalanan ko 'to eh, kung hindi na sana ako nakipagkita kay Full, kung itinuloy ko na sana ang pagpatay kay Love Jake hindi ito mangyayari.

Nakita ko ngang natigilan si Uncle Speedy pagkakita niya sa akin kaya pati sina Liar napatingin na din sa akin kaya pumasok ako.

"Sorry sa inyong lahat dahil sa akin nagkakaganito tayo. Sorry, sorry.." todong pagsosorry ko at pagpigil na dumaloy ang aking mga luha.

"Ano ka ba Paine wala kang kasalanan! Sadyang makitid lang ang utak ng lalaking yun!" singhal naman sa akin ni kuya Commit.

Hindi na nga sumagot at nilapitan ako ni Sleep saka inalalayan lumabas ng silid. Tumungo kami sa firing range. Napatingin ako sa kanya ng makarating na kami dun, nilalagyan niya ng bala ang baril. Patuloy niya parin kayang hinahanap ang kuya niya?

"Nagkita na ba kayo?" tanong ko sa kanya at kumuha din ako ng baril at nilagyan ito ng bala.

"Hindi, ayaw niya ata magpahanap sa akin" seryosong sagot nito saka nagpaputok at bull’s eye ang target. "Mabuti naman at lumabas kana sa lungga mo. Akala ko nagpakamatay kana dun."

Pilit naman akong napangiti at binaril yung target ko. "Isinugal ng anak ko ang buhay niya para sa akin kaya ayoko sayangin iyon."

"Alam ba niya?" tanong niya sa akin at hinarap niya ako.

"Hindi at hindi na importante iyon. Malaki na ang kasalanan ko sa kanya ayoko ng dagdagan pa." ipinutok ko na nga ang huling bala ng baril ko pero hindi ko natamaan ang target dahil sa luhang pumatak sa aking mata.

Itinapik naman ako ni Sleep sa balikat. "Hindi bagay sayo ang umiyak, awkward."

"Taena mo" napangiti na nga lang ako sa kanya.

LJ pov...

Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumapi sa akin at nandito ako ngayon sa labas ng bahay nina Paine. Nasa loob lang ako ng kotse ko at naghihintay na baka lalabas siya. Ilang linggo ko na din hindi nakita. Hindi ko naman nabalitaan na napagkamatay siya.

"Aisht! Ano ka ba LJ!! Bakit nandito ka!! Atupagin mo nga ang trabaho mo!!" pangangaral ko lang sa aking sarili.

Natigilan naman ako ng matanaw kong nag-uusap si Sleep at Paine sa loob. Nakangiti pa ito sa hinayupak na yun! Okay naman pala siya eh bakit pa ba ako nag-aalala sayo! Fuck!!

Bago pa dumilim ang paningin ko ipinahirit ko na ang kotse ko papalayo sa impyernong letseng na lugar na iyon at diretso ako agad sa opisina.

I FEEL NO PAIN...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon