52: didn't expect

570 20 8
                                    

3RD PERSONpov…

Nakadama nga ng kirot si LJ sa kanyang binti at pagtingin niya may dugo ng dumadaloy.

“Shi-shiit..” sinapo niya ang tama at sinubukan makapunta sa kanyang motorsiklo.

Paglapit niya sa kanyang motorsiklo agad naman siyang napasandal sa gilid nun at hinablot ang kanyang baril. Nakita niyang napatigil ang kotseng kulay asul hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Babarilin na niya sana ang naturang sasakyan subalit may bigla siyang nadinig na putok ng baril. Binabaril ang kotseng asul kaya sumirit naman agad papalayo.

“Pare okay ka lang?” napatingin naman siya kay Commit na lumapit sa kanya.

“Mukhang okay ba ako?! Tulungan mo na nga ako!” singhal naman ni Lj sa kanya.

Tinulungan na nga siya ni Commit at ni Munchkin makapasok sa base nila. Pagdating nila halatang gulat at shock ang mga mukha ng tao roon.

“Fuck! Tititigan niyo na lang ba kami?!” hiyaw naman ni Munchkin kaya natauhan na nga silang lahat.

Dali-dali na ngang lumapit ang iba pang mga pusakals habang ang mga askals ay kumuha ng first aid kit at tinawag si Doctor Yumiko. Nagulat naman sina Paine at Lulu sa pagtataranta ng mga lalaki sa labas ng bahay kaya napasugod na rin sila.

“Ano ba! Malayo ‘yan sa bituka! Hindi pa ako mamatay! Arayy!!” hiyaw naman ni Lj habang ginagamot siya ni Yumiko.

Natigilan naman si Paine ng makita niya si Lj, nakaupo habang ginagamot ng doktora.

“Ilang beses ko ng nakita ang asul na kotseng iyon paali-aligid sa labas,” sabi ni Commit sa kanila.

“Bakit naman niya babarilin si Lj?” usisa naman ni Poodle.

“Wala siguro mapagtripan ang tao. Huwag kana ngang mag-effort Yumiko. Masamang damo matagal namamatay,” pang-eeksina naman ni Paine habang papalapit sa kinaroroonan nina Commit.

“Tulad mo,” sagot naman ni Lj.

“Oh huwag nang sasabat makakahalata na kami,” pang-aawat naman ni Lulu sa bayaw nito.

“Kilala mo ba ang bumaril sayo Lj?” napatingin naman ang lahat sa kinaroroonan ni Sleep. Nasa portico siya ng bahay nakatayo.

“Hindi ako sigurado pero parang nakita ko na ‘yun eh,” sagot naman ni Lj. “A-a-arayy!!” biglaang hiyaw nito ng hinugot ni Yumiko ang balang bumaon sa binti niya.

“Kotse iyon ni Kint,” sabi naman ni Sleep kaya natuon ang atensyon sa kanya habang pababa siya papunta sa kanila. Nang makalapit na nga siya, “bakit kaya pupunta rito si Kint at mag-aaligid? Bakit ka niya binaril? Tingin mo Lj?”

Hindi na nga nakasagot si LJ dahil nawalan na ito ng malay kaya binuhat na lang siya ng mga askals patungo sa guestroom nila. Matapos nilang maihatid si LJ sa guestroom nagpatawag ng meeting si Speedy kaya nasa conference room ngayon silang lahat.

“Baka naman may traydor na humiram ng kotse ni Kint. Kung siya iyon bakit naman niya babarilin si Lj?” nagtatakang tanong ni Paine sa kanila.

“Guys…” nagtaas ng kamay si Lulu kaya napatingin ang lahat sa kanya. “May hindi pa ako sinasabi, actually. The day I fainted was the day I saw Kint and Love Jake together.”

I FEEL NO PAIN...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon