28: the 4th alliance???

2.2K 46 27
                                    

SLEEP pov...

Sa 100 beses kong tawag sa kanila mabuti naman at sinagot na din ni Lulu ang tawag ko. 

 

me: kanina pa ako tumatawag bakit hindi niyo sinasagot?!

lulu: nasa ospital kami!! May balak pumatay kay Commit kaya binaril siya sa apartment namin. Mabuti na lang at nahabol namin ang kumuha sa kanya. Inooperahan si Commit!! ANo ba kailangan mo?!!

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Kailangan malaman iyon ni Speedy at naglakad na nga ako pabalik sa opisina ni Master Speedy.

me: ano?! shit!! sige sasabihan ko si Speedy.

lulu: teka!! HUwag na huwag mong sasabihin sa kanya!! Ayaw ni Paine na ipaalam sa uncle niya hanggang hindi pa nagkamalay si Commit!!

me: bakit naman?

lulu: basta! we trust you Sleep!.

Nawala na nga siya sa kabilang linya. Kaya pala palpak ang gawa nila, tssk. Papasok na sana ako ng opisina ni Uncle Gry ng may tumawag sa akin.

"Sleep!"

Napalingon na nga ako. "Ano iyon Mody?"

"Si Gry ba ang nag-utos na patayin si Commit?" seryosong tanong nito.

"Huh?! Pa-paano niyo naman nasabi iyon?" 

"Tinawagan ako ni Lulu at kwenento ang nangyari. Narinig ko ding may inutos sa iyo si Speedy." seryoso ang mukha nito.

"Mali ang akala mo Mody. May natanggap kaming impormasyon tungkol sa pagbibintang ni Full kay Paine at Fear o Commit na bumaril kay LJ kaya inutusan ako ni Speedy na pasundan si Commit. pero tumawag ang inutusan namin na may naghahabol sa kanila ng dadalhin na sana nila si Commit sa ospital at iyon ay ang sasakyan nina Paine." todong pagpapaliwanag ko naman. "Tumirik na nga ang saskayan nila dahil sa pang-iipit nina Paine sa kanila."

"Tsssk,sige ako na magsasabi kay Gry." utos naman nito sa akin.

"Pero sabi ni Paine wag ko daw sasabihin sa kanya." 

"Ako na nga magsasabi di ba? Ikaw naman sinabihan na huwag sabihin ako hindi." sininghalan na nga niya ako.

Napailing na nga lang ako at umalis na din...

 LJ pov...

Ipinakita nga sa akin ni Kint ang litrato ng babaeng sinasabing kapatid ni Fear. Pagtingin ko sa litrato ng bababe hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

flashback...

"Tangaa!!!!" nagulat ako ng may biglang humila sa akin para magtago sa isang corner ng disco club malapit sa pintuan papuntang kusina.

Nagslowmo ang lahat at nakita ko ang buong mukha niya. Ang ganda niya sobra parang anghel ang kagandahan niya at kainosentihan!! Parang nakita ko n siya... nabingi ako salakas ng putok ng baril. Armado siya ng baril?? Sino siya??

I FEEL NO PAIN...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon