30: rebelasyon

1.9K 36 13
                                    

LJ pov...

Bago ako tuluyang tumungo kay Lez dumaan muna ako sa base nina papa dahil may pag-uusapan kami tungkol sa bagong alyansa at sa magkapatid na Ly. Iniisip ko parin kung sino ang babeng iyon kung patay na nga ba si Paine. Masasagot lamang iyon kapag si Commit mimsmo ang tatanungin ko pero mukhang hindi naman ako masasagot nito.

Pumasok na nga ako sa conference room kung saan nandun na din ang ibang miyembro at si Papa. Naupo na nga ako sa tabi ni Kint at nagsimula na din kaming magpulong.

"Hindi ko inaasahan na isa sa mga kasapi ko sa drug world ang sumusuporta sa bagong sulpot na alyansa. Sekreto sila kung umataki at hindi madaling matukoy ang kanilang identity kaya nakakapikon sila but we're doing our best to find and know them well. Idagdag niyo pa ang magkapatid na Ly na inuunti-unti naman tayo." napatingin naman si Papa sa akin. 

 

Alam ko na ang rason kung bakit niya ako tinitingnan at iyon ay ang nais kong masolve ang kaso nila. Umiwas na nga lang ako ng tingin sa kanya at napatingin sa cellphone ko.

"Diba patay na ang bunsong anak na babae?" usisa naman ni Kint.

"Iyon ang akala ng lahat at yun ang kinalat nila pero ang totoong buhay na buhay pa siya. Nagtutulungan silang magkapatid para ipaghiganti ang kanilang mga magulang. Unti-unti na nila tayong inuubos kahit si Speed at Liar ay walang kawala sa listahan nila ibig sabihin nun dapat natin silang unahan."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Papa at bigla na may sayang nadama. Buhay pa nga si Paine at siya ang babaeng ito? She looks staunning now, grabe ang pag-improve niya. Aisht, hindi-hindi may syota kana LJ huwag ka ng humanga sa kanya sabay iling.

 

"Hoy LJ ano iniiling mo diyan?!" singhal naman sa akin ni Papa at napatingin ako sa kanila nasa akin pala ang atensyon.

"Ah wala, masakit lang ang leeg ko. Aww." palusot ko naman sabay sapo sa leeg ko.

"Anyway, leave the Ly sibling to Kint and LJ guys tuonan niyo na lang ng pansin ang bagong alyansa." info pa ni Papa.

Matapos ang mahabang usapan nagpaiwan naman ako sa conference room para kausapin si Papa.

"Pa, bakit ako pa ang inatasan mo sa magkapatid? Bakit naman natin sila papatayin? Pwede naman natin sabihin sa kanila ang totoo." wika ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin ng seryoso.

"Hihintayin mo pa ba ako ang papatayin nila o isa sa ating pamilya ang mapapatay nila? Wala silang pinipili na papatayin at alam mo naman na kasali ako sa issue ng pumatay sa kanilang mga magulang." nagagalaiting wika ni Papa.

"Kapag makausap ko sila sasabihin kong wala kayong kinalaman dun. Pakana lang iyon nina Speed at Liar." 

Natigilan ulit si Papa at hinarap ako. "Mag-isip ka nga iho, ang taong puno ng poot sa puso hindi mo mababali ang kanilang misyon kaya unahan mo na sila bago kapa maunahan nila."

Napaisip ako dun sa sinabi ni Papa. "Dad, wala nga ba kayong kinalaman dun sa pagkamatay nila?"

"Ilang beses ko ba ipaliwanag sa iyo wala akong alam sa krimeng iyon. Dinamay lang nila ang pangalan ko dun para sa akin maibaling ang galit at atensyon." sagot naman nito at pumasok na nga sa opisina niya.

I FEEL NO PAIN...Where stories live. Discover now