31: simple glimpse....

1.9K 42 49
                                    

LJ pov...

Napatingin ako ulit sa litrato ni Paine na ibinigay ni Kint sa akin. Tssk why do I have to do this? Why do I have to kill you Paine? Nasaan ka ba? Mapapatawad mo kaya ako kapag sinabi ko sa iyo ang kaduwagan ko dati? Bakit ganito ang nangyari sa inyo? Sana lumabas na ang katotohana sa pagkamatay ng inyong mga magulang.

"Hi Lulu." napansin ko nga si Lulu na nakatayo sa tapat ng kanyang kotse.

Lumapit nga siya sa akin habang tinitingnan ko ang litrato ni Paine. Paranmg temang naman siyang napapangiti. Teka, posible kayang kilala niya si Paine o nakikita niya si Paine?

"Kilala mo ba ang babaeng ito?" usisa ko sa kanya.

"Huh? Hi-hindi ahh." 

"Kung makangiti ka naman parang kilala mo." nagsusuplado lang.

"Sino ba ang babaeng ito sa litrato LJ?" usisa naman nito, maloko nga.

Napatingin naman ako sa kalangitan. "Siya ang babaeng kailangan kong patayin." seryosong sagot ko.

"WHAT?!" bulalas nito na ikinagulat ko naman.

"Hehehehe,got you! Fools month ngayon diba? Hahahahaha!!" agad ko namang binawi ang sinabi ko at pilit akong napapatawa sa kanya.

"Ako yan, tingnan mo nga mabuti malapit kami oh." sagot nito ng nakaismid.

"Ha-ha-ha! Andami pwede mong pangloko sa akin yan pa talaga? Ang layo nuh!"

 

Umalis na nga sya, napikon siguro sa biro ko. Ibinalik ko na nga sa loob ng envelope ang litrato ni Paine at pumasok sa loob ng kotse.

"Let's go." masaya namang pumasok si Lez sa loob ng kotse at nginitian ko siya.

Tumungo na kami sa isang restaurant para magdinner. So far so good. Masaya kaming nag-uusap yung tipong ayoko ng matapos ang araw na ito kasi para siyang stresstab na ginagamot lahat ng stress ko sa buhay.

"Waa, I'm so full." wika naman nito matapos niyang kumain.

"Punta tayo ng bar." yaya ko sa kanya.

"Call! I want to be wild for now." wika nito at napangiti na lang ako sa kanya.

SLEEP pov...

Nakakabadtrip naman ang araw na ito. Maagang umalis ang dalawang hinayupak na iyon, hayyy. Ang hirap kapag ang puso umataki sa katinuan pumapalya ang turnilyo. Matapos kong pumunta kung saan-saan buong araw nagpasya na nga akong magbar para magchill.

"Isang shot pa." utos ko sa bartender.

"Isang shot nga ng tequila." wika ng lalaking umupo sa tabi ko kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Hi Bro!" bati ko sa kanya. May nahanap na din akong mapipikon.

"Ano ginagawa mo dito?" usisa nito.

I FEEL NO PAIN...Where stories live. Discover now