53:the truth pain??

646 22 20
                                    

LJ pov…

Nagulantang kami ni Commit ng may biglaang bumabaril sa aming sasakyan. Inutusan nga niya akong tawagan si Paine at ginawa ko naman iyon agad. Mabuti na lang at sinagot agad ni Paine.

[Ano naman kailangan mo kuya?]

“Paine si Lj ito, nanganganib ang buhay naming ngayon ng kuya mo kaya magpadala ka rito ng back-up. May mga..shit!” napalingon naman ako sa kotseng humahabol sa amin at gumanti ako ng pagbaril. “May mga kotseng humahabol sa amin! Matutunton mo rin kung nasaan kami dahil may gps ang kotse. Pakicheck na rin ang kotseng sumusunod sa amin,” tuluyan ko na ngang binaba ang tawag.

Si Commit ang nagpapaharurot ng kotse habang ako naman ang bumabaril sa mga kotseng sumusunod sa amin. Mabuti na lang at natatamaan ko naman sila.

“Commit!” pareho kaming napatingin ni Commit sa tumawag sa kanya sa kotseng tumabi sa kanan niya.

“Uncle!”bulalas ni Commit. Si Speedy nga ang nasa puting kotse at may kasama siyang mga tauhan na siyang tumutulong sa amin.

3RD person pov…

Sa kabutihang palad dumating sina Speedy kasama ang iba pang pusakal at askals. Tinulungan nila sina Commit at Lj. Naghahabulan lang ang tatlong kotse at gantihan ng barilan hanggang nakadating sila sa pinakadulong parti ng parola. Kung saan tubig dagat na ang bubungad sayo kaya wala nang nagawa sina Commit kundi ang tumigil at harapin ang kanilang mga kalaban. Biglang iniliko ni Commit ang kotse pabalik para salubungin ang kalaban nila. Ganun din ang ginawa nina Speedy na sumusunod sa kotse nina Commit.

“Commit alam mo na gagawin!” hiyaw ni Speedy sa pamangkin nito at tumango naman si Commit sa kanya. “Boys ready!”

“Lj ihagis mo mamaya,” iniabot ni Commit ang granada kay Lj.



Pinagitnaan nila ang kalabang kotse at saktong papalapit na sila sa kotse, ipinhirit agad iyon ni Commit at Speedy. Nang nakatapat na nila ang kotse bigla namang inihagis ni Lj at Poodle ang granadang hawak-hawak nila sa loob ng kotse nang kalaban nila. Tuluyan na nga silang sumirit papalayo.

PAINE pov…

Parang binagsakan ako ng 10 wheeler truck sa mga sinabi ni Lj sa akin. Napahawak ako ng mahigpit sa aking cellphone ng ibinaba na nga ni Lj ang tawag.

“Ano nangyari sayo Paine? May nangyari bas a kuya mo?” nag-aalalang tanong ni Lulu sa akin kaya natauhan naman ako at bumalik ang presensiya ng aking utak.

“Munchkin!” taranta akong napasugod sa computer lab naming at agad ko ngang inagaw ang laptop ni Munchkin para tignan ang gps nina kuya Commit.

“Ano ba nangyayari Paine?!” naiinis na usisa naman ni Lulu, ang kulit!

Hinarap ko na siya, “they’re in danger.” Bumalik na ako sa aking ginagawa at salamat naman dahil tinulungan ako ni Munchkin habang ang iba naman ay napasugod kay Lulu para alalayan ito. “Kumalma ka Lulu, think about your baby.”

Naging busy na kami ni Munchkin sa pagdedetect ng gps at iba pang info tungkol sa mga kotseng humahabol kina Commit.

I FEEL NO PAIN...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon