MCCO 43 - #Tonight

4.1K 126 15
                                    

Chapter 43

I watched the waves in the ocean. Masakit na ang sikat ng araw dahil magtatanghalian narin. Castielle and Angeleu are in front of me eating while my mind is drifting far from them.

His father is now coming home? Anong ibig sabihin nito kung gano'n? Hindi na matutuloy ang kasal nila Tita Sarah at Papa dahil babalik na ito sa kanila?

But how come? When I looked at Tita Sarah, she looks in love with my Papa. Naalala ko ang kwento ni Castielle tungkol sa isang prinsipe. Hindi ko parin maintindihan kung may koneksyon ba ako ro'n o wala.

All I know is that the Prince wants the King back in the castle. Why would the King wants to go back all of a sudden? I don't know why I feel fine even if my father would be hurt.

Am I selfish? I don't want to be lalo na't kung kay Papa ako magiging selfish. Through the years my father supported me in everything that I want. He was always there for me whenever I need help or even I don't need any help.

He was there. Hindi niya ko kailan man sinaktan, hindi niya ko kailanman pinabayaan, at hindi niya ko iniwan. And here I am, nagdadalawang isip pa kung susundin ba siya o hindi.

Mahal ko si Papa at alam kong mahal niya ko at hindi ko siya ipagpapalit sa isang taong minsan nakong sinaktan at hindi sigurado kong mamahalin nga ako ng totoo.

"Mommy, subuan mo si Daddy." Rinig kong utos ni Angeleu sakin.

Napakurap ako at tumingin kay Castielle na nakangiting nakatingin sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ang hirap? Bakit lagi nalang akong pinagtataksilan ng sarili kong puso?

"Your daddy has his own hands." Sagot ko at sumubo ng pagkain ko.

"Yes, I know that, but I want you to play sweet and lovey-dovey like that kid's parents." Anito at nginuso ang nasa bandang likod ko.

Nilingon ko ito at doon nakita ang mag-asawang halos maghalikan na in public. Bigla akong namula. Bigla kong naalala ang halik ni Castielle kanina. Damn it, para kong naramdaman ulit ang pagkagat niya dito.

"Your Mommy's shy, Angeleu. She wants our lovey-dovey in private." Makahulugang sagot nito sa bata.

"Oh, shut up, Castielle..." sagot ko at umiling-iling.

"Susubuan mo lang naman..." Angeleu with pleaded eyes.

The Angeleu now isn't the Angeleu I met in the hospital. Para bang ngayon ko lang nakitang may child spirit parin pala diyan sa katawan niya.

Sumandok ako ng napakaraming kanin at ulam at itinapat sa kaniya. Nanlaki naman ang mata ni Castielle, "Say, ah, Daddy!" sabi ko ng nakangiti at sinubukang isubo sa kaniya but he dodge the spoon.

"Ang dami niyan, Mommy!" asik niya.

Tumawa si Angeleu. Pinagtitinginan kami ng mga tao and some even took a video of us. Nakaramdam ako ng takot kaya naman pinalakihan ko na ng mata si Castielle para isubo niya na.

"Isusubo mo o hindi?" banta ko.

Napalunok siya at unti-unting lumapit sakin upang ibuka ang bibig niya. Napangiti naman ako ng maisubo ko na sa kaniya at halos bumukol ang kaniyang pisnge. Natawa narin ako sa reaksyon ni Castielle.

"Nice, Mommy. Under mo si Daddy!"

I smirked. "Of course..."

Nguya lang ng nguya si Castielle. Uminom siya ng tubig matapos malunok ang kinain. He glared at me and then he was on his plate scooping a food in his spoon. "Ikaw naman, Mommy. Subo mo na'to..." sabi niya at itinapat sakin ang mas maraming lamang kutsyara.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon