MCCO 1 #Recapture

8.2K 243 29
                                    

Chapter 1

"Go Nursing! Go! Go! Go!"

Maingay ang loob ng gymnasium. Halos mabingi na nga ako sa mga sigawan ng mga kababaehang manonood lang dahil talaga namang nagwa-gwapohan ang mga baskeball players in both team.

May friendly game ang mga medicine slash biology students at nursing. At kasalukuyang mainit ang laro, lalo na't parehong magagaling ang dalawang team.

"Guidaben has the ball and shoot!!" sabi ng announcer.

Halos mapalundag ako. Tinawag ng announcer ang apelyedo niya. Sinigaw ko ang pangalan niya ng buong lakas para masapawan ang lahat ng babaeng sumisigaw para sa kaniya.

But, I didn't. Hindi-hinding ko masasapawan ang boses nila. Paos na ata ako forever, eh. Wala ng pag-asa. Kapag naman sisigaw ako ng napakalakas, katabi ko lang ata makakarinig.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng placard na ang nakasulat ay "Go #8! Go, Staven Guidaben!"

Pinanood ko kung paano tumakbo si Staven habang hawak ang bola, pagkatapos ay ipinasa sa ka-team niya hanggang sa tumakbo siya papunta sa ring nila, dahil sa tangkad niya at buff na katawan, walang kahirap hirap niyang nalampasan ang mga humaharang.

Ngunit ng ipapasa na ulit sa kaniya ang bola para i-shoot, agad naagaw ito ng isang lalakeng may medyo copper blonde ang buhok, matangkad rin at may kasing laki ng katawan ni Staven ngunit sobrang puti nito. Napairap ako ng makilala.

It's been two months since we bumped into each other in the bookstore at ngayon ko nalang ulit siya nakita. Hindi ko nga alam na lalaro siya ngayon.

Tumakbo siya sa papunta sa kanilang ring while dribbling the ball at bago pa maagaw ng iba ay kaagad niya itong na-shoot, galing sa malayo.

Oh boy! He's one hell of a sharp shooter! At sharp shooter nga naman talaga! Lalo na sa mga babae! Fuck boy!

"Ongcuanco for 3 points!"

Tilian ang mga kababaehan sa ginawang pag-shoot ni Ongcuanco. Nagulat ako ng sumigaw ng napakalakas ang babaeng katabi ko.

"I Love Youuuuu, Castielleeeee! Wooohooooh!" sigaw nito at halos maiyak-iyak na kaya di ko maiwasang mapatingin dito.

What the? Is she for real? Halos maiyak talaga siya? Tinignan ko ang lalake 'yun at mukhang nakuha ng babae ang atensyon niya.

But to my surprise, our eyes met. Hindi ko matanggal-tanggal ang titig sa kaniya. It's not that nagwagwapohan ako sa kaniya, I'm waiting for him to break lose with his stare.

Bigla siyang kumindat and gave his signature smile, twitching his lips that made every freakin girls cry because of happiness and overflowing kilig. Oh, that infamous flirty smile! Hindi parin sila nadala!

Nag-iwas ako ng tingin. Kumalabog ang puso ko. Fuck this heart! Napabunot ako ng malalim na hininga. Tumili naman ng malakas ang babaeng katabi ko.

"OMG! Kinindatan niya 'ko! I'm gonna dieee!"

What was that, Nari? Naapektuhan ka ba ng charms ng isang 'yun? Psh. Wala nang mas gwagwapo pa kay Staven, ano! Lies!

The whole game, I didn't looked at him again at itinutok ang atensyon kay Staven, after all, he was the reason why I'm here.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon