MCCO 10 - #Pissed

4.5K 161 16
                                    

Chapter 10

Nakakainis! Nakakainis talaga ang lalakeng 'yun! Bwesit!

Alam kong may kasalanan ako sa kaniya—and maybe our argument made him get pissed pero bakit ba iniintindi ko siya!? At bakit din ba siya pissed?

Dapat nga'y ang iniintindi ko ay si Staven at hindi siya. Dapat nga'y masiyahan pa ako dahil wala nakong koneksyon sa lalakeng 'yun.

Breathe in, breathe out, Nari. You shouldn't be pissed because of that guy. Ang intindihin ko ngayon ay kung paano ako makakaganti kay Staven sa pagtawag niya saking whore.

Lintek lang ang walang ganti! I maybe a silent type of a person pero hindi ako santa. Hinding-hindi. I maybe pure pero hindi ako inosente.

"I think the Master Casanova has already invaded your whole system, dear..."

Napahinto ako sa paglalakad ng harangin ni Ynesa Labresca ang daan. Nakahalukipkip ito at may ngiting nakakaloko.

Kumunot ang noo ko. "Ano nanaman?"

Kung sasabihin niya nanaman na may gusto sakin si Castielle ay mabuti pang layasan ko na siya kaagad.

"Chill, girl. I'm just here to tell you na halos magkaroon na ng malaking karatula diyan sa noo mo saying na inis na inis ka kay Castielle." she said and laughed.

Para naman akong tangang pinakiramdaman ang noo ko. Halata na ba talaga ang inis ko sa lalakeng 'yun? Nag-iwas ako ng tingin at umiling-iling.

Sumunod si Ynesa sakin habang pinagpatuloy ang paglakad.

"Heard what happened sa shower room kahapon. Pinagtanggol ka daw ni Master. So unsual for a casanova like him,"

Umirap ako at hindi siya pinansin. Ang bilis talaga ng chismis sa T.U. At isa pa hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya sinasabi to sakin. Ex girlfriend pa siya ni Castielle sa lagay na'yan, ah?

"Bad mood din siya sa Prive kagabi. Did you know that it's so—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay hinarap ko na siya at matamang tinignan.

"What's the catch?" I calmly asked while looking at her intently. Ano ba talaga ang gusto ng babaeng to?

Tumaas ang kilay niya at ngumisi. "I told you already, dear. Be a part of my game, lalo na't I'm very much sure that you'll never fall in love with him, am I right?"

Ah. Naalala ko na ang sinabi niyang i-seduce ko daw si Master Casanova. Like, duh! Akala niya ba'y magagawa ko 'yun? How could she include me from what game she's playing?

Pinanliitan ko siya ng mata, "Ano naman ang mapapala ko diyan sa laro mo? Tsyaka isa pa, ilang taon kana ba? Grow up, will you? Tsss..." mariing sabi ko at nilayasan na siya.

I heard her cussed. I really think napipilitan lang naman siyang pakisamahan ako. Ganoon naman ang lahat, eh. Maybe tahimik ako pero kapag kinausap mo nako, maldita talaga ako.

Maybe that's why I don't have a lot of friends. Hindi tulad ni Erene na marami kaya marami ding nalalamang chismis.

Well, it's fine with me to have Erene as my only friend as of now kasi si Staven—wala na siya.

I want to talk to him. Gusto ko siyang sumbatan! Gusto ko siyang saktan dahil sa pagpapaasa sakin. Sa lahat ng kirot na nararamdaman ko ngayon na nanggaling sa kaniya.

Bago matulog? I could hear him again calling me a whore. Castielle's whore.

Ang sakit. Ang sakit isiping ilang taon kana niyang kilala tapos sasabihin niyang whore ako? Malandi? Slut? Tangina niya!

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon