MCCO 7 - #Pikon

4.6K 169 18
                                    

Chapter 7

Imagine me, wearing my nursing uniform, na sobrang puti, wearing my clean white shoes at pinaglinis lang ng isang maruming banyo.

Ilang beses ko nang minura at pinatay sa isip ko si Castielle. Ang fuck boy na'yun! Hindi ko ma-gets kong anong sinasabi niyang hard time na binigay ko sa kaniya.

Saan ko ba siya pinahirapan? Wala akong matandaan. Ang alam ko lang ako ang pinahihirapan niya ngayon.

Nakatakip ang ilong ko habang naglilinis ng banyo. Ang totoo niyan hindi naman gaano madumi pero mapanghe. Partida! Girls Comfort Room palang ito, may boys pa! Ugh!

Kumpleto na ang mga kagamitan dito na binigay ni Castielle, pero shit! Hindi man lang ako binigyan ng gloves panglinis? Good God! Kadiri!

At ang gagong 'yun! Paniguradong kalandian na si Doktora! Ang landi landi talaga! Siguro pinahihirapan niya ako kasi hindi ako nagpapalandi sa kaniya.

But, brace yourself, Narian. Gawin mo to para kay Staven. Isipin mo nalang na babalik na siya sayo pagkatapos nito at mawawala na kami ng koneksyon ng fuck boy na'yun!

Nakakaisang cubicle palang ako at may isa pa. I-mo-mop ko pa ang buong banyo! Pupunasan ko pa ang mga lababo pati ang salamin!

And the most disgusting part is! Lilinisin ko ang inidoro! Fucking disgusting! The hell with him! Arggghhh!

It takes me an hour to mop the floor bago ako pumasok sa isa nanamang cubicle para linisin ang ang inidoro. Jusko po!

Inangat ko ang laylayan ng uniform ko para hindi mabasa. I squatted para malinisan kong mabuti matapos kong taktakan ng zonrox at powder para bumula.

I was in the middle of cleaning the orange stain all over the basin when someone cough kaya napalingon ako sa likod.

Doon ko nakita si Castielle na may ngiti sa labi habang nakasandal sa gilid ng pintuan ng cubicle habang nakahalukipkip.

"Having fun?" asar na tanong niya at tinaas baba pa ang kaniyang kilay.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit kaagad akong ngumiti. "Yeah! I'm so enjoying this work. Thank you, ha?" ani ko na parang sayang-saya ako sa ginagawa ko tapos ipinakita ko pa sa kaniya kung paano ako maglinis ng inidoro.

Biglang nawala ang ngiti sa labi niya. Ha! Gotcha! He wants me to suffer kaya naman ipapakita ko sa kaniya na enjoy ako.

"So you're having fun. Hmm? Well, then. You can do it everyday hanggang matapos ang one week." seryosong sabi nito.

Nanlaki ang mata ko. Shit! What the fuck? Bahagya akong tumalikod para pumikit ng mariin. I don't want him to see na I'm not in favor by it.

I tried to smile and looked at him, "Pleasure!" sagot ko at muling tumalikod at minura siya sa isip.

Umalis na si Castielle sa banyo ng mga babae. Pagkatapos kung maglinis roon ay lalabas na sana ako ng biglang may humahangos na babaeng pumasok na nabunggo pa ako.

Nagmamadali siyang tumungo sa lababo ngunit hindi pa siya nakakarating doon ng agad siyang sumuka, sapo-sapo ang tiyan niya.

Nanlaki ang mata ko. Suka parin siya ng suka kaya kaagad akong lumapit sa kaniya.

"Ayos ka lang ba, Miss?" tanong ko sa kaniya.

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon