MCCO 34 - #Mad

3.2K 105 41
                                    

Chapter 34

I took off my black aviator while looking outside the window. I'm already home after three years.

It wasn't that easy to get back. President Kang didn't allow Jackson to go with me, dahil marami pa siyang aasikasuhin pero next month ay pwede niya nakong samahan dahil sasamahan ko ito sa isang expo.

Jackson help me once again. Ipagpapatuloy ko ang pagiging intern doctor ko sa isang kasosyong hospital ng Seoul Hospital dito sa Pilipinas. Ang Montañez Group Hospital.

Hinila ko ang isang maleta ko palakad lakad sa loob ng airport. Konte lamang ang dinala kong gamit dahil babalik akong Korea. I don't intend to stay. Kung pupwede ay pabibilisan ko na ang kasal ng makabalik na.

Hindi ko alam kung sino ang susundo sakin. Si Papa ba o si Erene. Napagdesisyunan kong pumunta munang comfort room at pagkalabas ko ay namataan ko ang isang lalakeng matangkad at may itim na buhok na may kausap sa telepono.

Hindi ko ito pinansin ngunit bigla kong naalala si Castielle. Ipinilig ko ang ulo ko at umiling-iling. Why would I even thought of him? Maybe because the man kinda resemble the devil I once knew.

Tumunog ang cellphone kaya 'yun ang pinagkaabalahan ko. It was Papa who called kaya kaagad kong sinagot.

"I'm already here, Pa. Where are you?" I asked habang hila-hila ang maleta ko.

"I'm sorry, nak. Hindi kita masusundo. Galing akong Laguna, hindi kita mapupuntahan kaagad." anito.

Napabuntong hininga ako. "All right, Pa. Marunong naman akong umuwi. Si Tuning?"

"Nasa bahay. She already cooked your favorite Sinigang."

Napangiti ako. "Alright. See you later, Pa. Love you."

"Love you too, anak." sagot nito bago maputol ang linya.

Ibubulsa ko na sana ang cellphone ko ng may mabangga ako. Inangat ko ang mukha ko at halos matutop ko ang bibig ng makita kung sino ang nabangga ko.

"Stave!?" di makapaniwalang tanong ko.

Nanlaki ang mata niya ng makita ako. "Nari!?" ganoon din ito.

The last time we saw each other was when we talked inside a coffee shop for a closure. Wala na kaming naging koneksyon pagkatapos nun.

Hindi niya malaman kong ngingiti ba siya o ano. Bigla nalamang niya kong hinila at niyakap ng napakahigpit. Napangiti ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.

I miss him. I know he tried to contact me dahil nabanggit ni Erene na hinahanap ako ni Staven pero hindi ko pinasabi na nasa Korea ako. I was hiding. Ayokong magpakita dahil hiyang-hiya ako sa sarili ko.

"Damn, Nari! Ilang taon kitang hinanap!" bulalas nito ng kumalas siya ng yakap.

Kumunot ang noo ko. "Hinanap mo ko?"

Tumango siya. "I went to America, para ipagpatuloy ang pag-memedisina. Kakarating ko lang..." aniya at sinulyapan ang kabuoan ko.

"How are you? San ka nanggaling? We really need to talk." testimonya nito.

Tumango ako at hinawakan ang braso niya para pakalmahin. "Yes, we'll talk. But, first, we need to eat." sagot ko.

Staven and I went to a restaurant near NAIA dahil pareho kaming gutom. I didn't expect that he will be the first person na makaka-encounter ko dito sa Pilipinas.

Staven is still Staven. Pakiramdam ko ay bumalik kami sa dati. Pawang magkaibigan lamang at walang namamagitan sa isa't-isa.

Staven changed though. Well, lumaki ang katawan niya. His face became matured but his handsome face is still there. Mas lalo siyang gumwapo. And from my deepest thoughts, ano na kaya siya ngayon?

Master Casanova (Master #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon