PROLOGO

26.8K 705 61
                                    

Ika-dalawampu't limang araw ng Agosto, taong 1014. Sa kalagitnaan ng digmaan ng emperyo ng Bulgaria at Byzantium sa Lambak ng Strumitsa (1).

Sa gitna ng malakas na ulan at matinding kaguluhan at karahasan, "tumakas na kayo, Rusticana! Umpisahan na ninyo ang paglalakbay." Utos ni Armentarius sa kanyang nagdadalantaong asawa at labing-apat sa kanyang mga sundalo't alipin, "kung palarin kami, magkita na lang tayo sa Magerit (2)! Hihintayin kayo roon ng ating mga kaanak."

"Alam mo ba kung ga'no kalayo 'yun mula rito? Ayoko!" Umiiyak na tugon ni Rusticana, "hindi ako aalis kung hindi kita kasama!" Yumapos ito sa asawa.

"Gustuhin ko man, pero hindi ko naman maaaring iwanan ang aking hukbo, Rusticana. Masyado nang mapanganib ang lugar na 'to para sa 'yo, sa ating panganay na si Dragomir at sa ating magiging anak. Kahit man lang para sa ating mga anak, gawin mo 'to. Alam kong mahirap, pero kailangan nating gawin..."

"Armentarius..." sumubsob na ito sa dibdib ng asawa. "Magkikita pa ba tayo?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2018, All rights reserved.

Kumalas si Armentarius sa pagkakayakap ng asawa upang magkatapat ang kanilang mga mukha, "m-may awa ang Diyos, Rusticana. Kung k-kaloob N'ya, S'ya na ang gagawa ng paraan para magkita tayong muli." 'Yumuko ito na tila hindi ito sigurado sa kanyang tinuran.

"Ang Diyos?" basang-basa na ng sariling luha ang mukha ni Rusticana, "a-akala ko ba, isinumpa ng Diyos ang inyong angkan? P-pa'no magiging kaloob ng Diyos na sumumpa sa inyo ang kaligtasan mo?"

Nagsimula nang mag-init ang dibdib ni Armentarius sa pagpipilit nitong itago ang tunay na nararamdaman. "Sapagkat ang kilala kong Diyos ay maawain. Hindi n'ya hahayaang magpatuloy ang aming lahi kung wala itong nakikitang pag-asa sa amin."

Itinulak ni Rusticana ang asawa upang kumalas dito at dumistansya ng dalawang dipa. "Maawain?!" Walang hinto sa pagpatak ang luha nito, "maawain ba ang tawag sa isang Diyos na nagpapataw ng parusa sa mga walang kasalanan? Kasalanan mo ba? O maging ng ama mo at ng ama ng ama mo, na ipinanganak kayo sa mundo? Maawain ba ang tawag mo sa Diyos na pinahahaba lang ang paghihirap n'yo sa pag-iingat sa lahing nabubuhay rin lang naman sa walang katapusang sumpa?! Kung ganyan din lang ang kahihinatnan ng anak at magiging anak natin...mas mabuti pang mamatay na rin kami ritong kasama mo!"

"'Yan naman ang hindi ko mapapayagang mangyari, Rusticana. Umalis na kayo!" Sinuyod din nito ng tingin ang mga nakapalibot na aliping naatasan nitong tumakas kasama ng asawa. Ito'y binubuo ng limang sundalo, apat na lalaking tagabitbit ng Sangkayan (3), dalawang aliping lalaki at tatlong aliping babae. "Kung kinakailangan n'yong igapos ang asawa ko upang sumama sa inyo, gawin n'yo." Utos nito sa nga ito.

Nagsimula nang magwala si Rusticana nang hinawakan na ito ng dalawang sundalo sa magkabilang braso. "Ayoko! Bitiwan n'yo ako!" Ngunit wala na naman itong nagawa nang ipinasok na ito ng mga ito sa isang Sangkayan (3) kung saan nakasakay na ang panganay nilang anak na lalaki.

"Sige na Cephalas," bulong ni Armentarius sa pangalawang pinakamataas sa kanyang mga sundalo; ito rin ang kanyang pinakamatalik na kaibigan. "Umalis na kayo. Umpisahan n'yo na ang paglalakbay patungong Albania. Nakahanda na ang mga kabayo at karwaheng sasakyan n'yo patungo sa Albania at ang barkong sasakyan n'yo mula Albania patungong Italya. Nakasulat dito ang pangalan ng mga taong hahanapin n'yo sa bawat lugar na inyong hihintuan. Sa pagdako n'yo sa Roma sa Italya. May tatlong lugar kayong maaaring puntahan. Heto..." May ibinigay itong maliit na aklat. "Alin man ang puntahan n'yo sa tatlo. Alam na nila ang gagawin nila para sa inyo. Sila na ang maghahanda ng sasakyan n'yong barko. Sila na rin ang maghahatid sa inyo patungo sa mga taong naghihintay sa inyo sa Barkeno (4)."

Tumango ito at akmang tatalikod na sana kay Armentarius nang hinawakan ito ng nabanggit sa braso. Napalingon naman si Cephalas kay Armentarius, "kung ano man ang mangyari sa akin. Gusto kong malaman mo na alam ko." Bulong ni Armentarius kay Cephalas.

Agaran ang pamumutla ni Cephalas, "a-alam mo ang alin?"

"Alam ko ang lihim mong pagtingin kay Rusticana."

"Patawarin mo ako!" Biglang lumuhod si Cephalas sa harapan ni Armentarius, "h-hindi ko sinasadya. Naramdaman ko lang pero wala akong anumang masamang binabalak--"

"Alam ko. Tumayo ka." Sumunod naman si Cephalas dito bagama't nakayuko pa rin ito. "Kung totoo nga ang pagtingin mo sa asawa ko, mas tama ngang ikaw ang napili kong tumalilis kasama n'ya."

Tumunghay si Cephalas. May pagtatakang tiningnan nito ang mukha ni Armentarius, "pero bakit--?"

"Alam mo na dapat ang sagot d'yan Cephalas. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng digmaang ito. Kung hindi man ako palarin kasama ng ating hukbo, hindi ba't mas tamang iwanan ko ang mga mahal ko sa buhay sa pangangalaga ng isang taong may pagmamahal din sa kanila?" Ngumiti ito sa kaibigan at tinapik sa balikat.

"Pero--"

"Kaibigan." Nanliligid na ang luha nito, "sapul sa pagkabata, magkasama na tayo. Buo ang tiwala ko sa 'yo. Ngunit sa haba ng ating pagsasama, may mga bagay na hindi ko pa nasasabi sa 'yo tungkol sa 'kin at sa aming angkan. Hayun ang baul." Itinuro nito ang baul na nakatali sa ibabaw ng Sangkayan (3). Naroon ang lahat ng mga gamit at aklat na itinatago ng aming angkan. Iiwanan ko ito sa iyong pangangalaga at umaasang maipapasa mo ito sa aking panganay na anak sa paghantong nito sa tamang edad."

Umiling si Cephalas, "hindi...hindi ko maaaring pakialaman ang mga bagay na sagrado sa inyong pamilya. Oo, mahal ko si Rusticana, pero hindi ko magagawang angkinin ang hindi akin. Kung kaibigan nga ang turing mo sa 'kin, alam mo rin siguro ang pagkatao ko. Hindi ko maaaring angkinin si Rusticana...pa'no kung magkaayos nga kami at makaligtas ka? Kakailanganin din namin ang naghiwalay kung magkagayun! H'wag na! Paguguluhin mo lang ang sitwasyon. Mas mabuti pang ipangako mo na lang sa 'kin na makaliligtas ka rito. Hihintayin ka namin sa Magerit (2)!"

Sandali silang binalot ng katahimikan.

"Cephalas...kung 'yun ang inaalala mo, pagtiwalaan mo sana ang aking mga pananalita."

"Anong mga pananalita?"

"Magkaligtas man ako o hindi. Ipinauubaya ko na sa 'yo ang aking mag-iina. Kung maipapangako mong mamahalin mo sila ng higit pa sa buhay mo. Makaligtas man ako rito, nangangako akong hinding-hindi ko kayo guguluhin. Ituring n'yo na akong patay, anuman ang kahihinatnan ng digmaang ito. Umalis na kayo, Cephalas." Muling tinapik ni Armentarius ang kaibigan bago ito tumalikod at dumistansya. Naririnig na rin nila ang pagdagundong ng pagtakbo ng mga kabayong sinasakyan ng nagsisihiyawang mga kabayerong kakampi nila. "Kailangan na naming sumulong sa aming pupuntahan. Kailangan n'yo nang nakalayo mula rito ngayon din!"

"Armentarius!" Pagpigil dito ni Cephalas.

"Umalis na kayo!" Nagpatuloy sa paglayo si Armentarius. "Kailangang makalayo na kayo bago sumikat ang araw!"

"Arementarius!" Sigaw ni Rusticana muna sa bintana ng sinasakyang Sangkayan (3). "'Wag mo kaming iwan!" Halos mabulol na ito sa tindi ng pag-iyak.

"Umalis na kayo sabi!" Huling sigaw ni Armentarius kay Cephalas bago ito tuluyang umalis. Sinabayan na ito ng mga kasamahang mandirigma sa pagtakbo, hanggang sa tuluyan nang ikinubli ng kadiliman ng gabi ang mga ito.

"Armentariuuuusss!" Huling hiyaw ni Rusticana bago binitbit ng apat na aliping lalaki ang Sangkayang (3) kinalalagyan nito.

***

Footnotes

(1) Strumica (Strumitsa): Present day Republic of Macedonia. The Battle of Strumica took place in August 1014 after the Byzantine empire destroyed the Bulgarian armies in the Battle of Kleidion (July, 29, 1014).

(2) Magerit (for Materit or Mageterit) now known as Madrid (Spain), comes from the name of a fortress built on the Manzanares River in the 9th century AD, and means "Place of abundant water" in Arabic.

(3) Sangkayan (The litter) is a class of wheelless vehicles, a type of human-powered transport, for the transport of persons.

(4) Barkeno. Ancient name for Barcelona (Spain).

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon