KABANATA 59

1.6K 151 18
                                    

Lucio's P.O.V.

"Panginoong Lu..." humahangos na salubong sa amin ni David nang makabalik na kami ni Senda sa likurang bakuran ng palasyo. Ngunit nang makita nitong kasama ko si Senda ay tila nag-aalangan itong sabihin kung ano ang nais nitong sabihin sa akin. "Lu—is. T-tama. P-Panginoong Luis." Kakamot-kamot ito.

Pasimpleng inilayo ko ito sa sapat na layo, upang hindi marinig ni Senda ang ibubulong ko rito, "anong problema?"

"May kaguluhan po sa labas ng palasyo, panginoon. Nagpupumilit pong pumasok ang pangkat nina Patruska. Nagsisiiyakan ang mga ito dahil..." sumilip muna ito kay Senda—na tila nagtataka naman kung ano ang aming pinag-uusapan.

"Dahil?"

"M-may..." muli itong sumulyap ka Senda.

Kinuwelyuhan ko na ito at pabulong na sininghalan, "ano?!"

"Hindi ko po talaga alam kung paano ko sasabihin sa inyo." Mangiyak-ngiyak ito kaya binitawan ko na ang kuwelyo nito. "M-mas mainam po sana na kayo na ang makakita bago niyo harapin ang pangkat nina Patruska. Sasamahan ko po kayo, dito na lang tayo dumaan sa likuran dahil napakarami na nila sa tarangkahan ng palasyo. Kapag nakita nila kayo, tiyak na agad nila kayong pagkakaguluhan bago niyo maunawaan kung ano ang nangyayari."

"Sandali," bulong ko rito bago ko nilingon si Senda, ngunit bago ko pa man matawag ang pangalan nito ay pasikreto akong pinigilan ni David. "O, bakit?"

"Sigurado po ba kayong isasama niyo si Senda?"

"Bakit naman hindi?"

"Naroon ang iba nating mga tauhan. Hindi nila alam ang tungkol sa sikreto natin. Hindi nila alam na hindi alam ni Senda na ikaw at si Lucio ay iisa. Handa na ba kayong ipaalam sa kanya?"

Sandali akong napaisip. May punto si David.

"At bukod doon," pagpapatuloy nito, "hindi natin alam kung kaya ng sikmura ni Senda ang mga makikita niya. Kung ako nga, hindi ko halos kayanin. Kahit nga yaong mga Aswang ay bumabaliktad ang sikmura. Si Senda pa kaya?"

Napakunot-noo ako. Lalo tuloy akong napapaisip kung ano ba ang nagyayari at kung ano ang mayroon sa pupuntahan namin na maging ang mga Aswang ay hindi kinakaya kung ano man ang naroroon.

***

"Mabuti na lang, madali naman palang kausap si Senda." Wika ni David habang binabagtas namin ang sikretong daan patungo sa laberinto ng mga lambana. "Mabuti napapayag niyong manatili na lamang siya sa kanyang silid sa palasyo."

Hindi ko ito sinagot bagaman sumasang-ayon ako sa kanyang tinuran. Mabuti na rin nga at napagod si Senda sa aming pinuntahan kaya hindi ko na kinailangang pilitin pa itong manatili na lamang sa palasyo upang makapagpahinga. Ngunit kung ako ang tatanungin, hindi ko na masyadong inaalala kung malaman man ni Senda kung sino talaga ako, dahil mas nangingibabaw sa akin ngayon ang malaman kung anong kaguluhan ang nagaganap sa aking nasasakupan.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Narito na ang Panginoon!" Wika ng mga kawal na unang nakatanaw sa aming pagdating.

Agad akong binalot ng pagtataka nang mapansin kong tila nagtataklob ang mga ito ng kanilang mga ilong at bibig.

"Anong nangyayari rit—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang matanaw kong wasak na wasak na ang kalahating bahagi ng laberinto, at sa ibabaw ng mga nabuwal na pader ay nakahilera ang hindi ko na mabilang na pugot na ulo ng mga babaeng lambana mula sa pangkat ni Patruska. Nakakalat rin sa paligid ang pinaghalo-halong dugo, laman-loob, dumi at iba't ibang bahagi ng putol-putol na bahagi ng katawan ng mga kababaihang ito. Sa kabila ng aking pandidiri ay tiniis ko lang naman masangsang na amoy ng buong kapaligiran at mas minarapat na hindi ipakita sa lahat ng mga naroroon na maging ako ma'y tila bumabaligtad na rin ang sikmura.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon