KABANATA 109

691 68 15
                                    

Senda's P.O.V.

"Tatang, kasama niyo rin po ba 'yung mga nasa kabilang bangka?" tanong ko sa matandang nagpasakay sa akin sa kanyang bangka; may kasama itong isang binatilyo. Kapansin-pansin kasi na tila nagmamadali itong iwanan 'yung isang bangka. At nang sa wari niya ay sumusunod pa rin ito ay inutusan nito ang binatilyo na magsaboy ng kung ano man 'yung nasa isang maliit na bayong na dala nila.

Kinabahan ako nang hindi ito kaagad nagsalita.

"Ano bang pumasok sa isipan mo at naglayag ka rito sa kalagayan mong 'yan?" sinulyapan nito ang tiyan ko. "Taga saan ka ba?"

"Taga Edenu—este, diyan lang po sa San Roque."

"Malayo na po sila 'Lo." Sabi ng binatilyo sa matanda, patungkol sa isang bangka.

"Mabuti naman," sagot nito rito.  Nilingon nito 'yung isang bangka na gatuldok na lang ngayon sa aming paningin. "Ano na lang ang mangyayari sa 'yo kung ang mga 'yon ang nakakuha sa 'yo?" pagbaling nito sa akin.

"Bakit po? Ano po bang problema sa kanila?"

Nagkatinginan ang matanda at ang binatilyo na tila hindi nito masagot agad ang tanong ko.  "Kung sabihin ko man, malamang na hindi ka rin naman maniniwala." Sagot nito nang paglalaon, "kaya huwag mo na lamang isipin 'yun, ang mahalaga'y ligtas ka na sa kanila.

Tumingin ako sa binatilyo na sa wari'y nag-aalinlangang magsalita dahil sa kasamang matanda.

"Eh maiba nga tayo," muling pagsasalita ng matanda, "ano bang pangalan mo, hija?"

"Sen—ah, R-Rosing po."

****

"Mga Aswang ang mga 'yun, ate Rosing." Bulong sa akin ng binatilyo habang naglalakad kami sa dalampasigan, patungo sa bahay ni Tata Pepe. "Nag-aalala lang si lolo na matakot ka kaya hindi niya sinabi sa 'yo."

"N-naniniwala kayo sa mga Aswang dito?" bulong ko rito pabalik.

"Hindi lahat, 'te.  Sa pook na ito, kakaunti lang ang naniniwala.  Kaya hindi rin namin maaaring pag-usapan ang tungkol sa mga Aswang dito dahil marami ring nangungutya rito sa mga tulad naming naniniwala at nakakita na.  Ikaw ba ate Rosing, naniniwala ka ba sa mga Aswang?"

"H-ha? Ah—eh, h-hindi masyado. Siyanga pala, a-ano bang pangalan mo?"

"Intoy po."

"Totoong lolo mo ba si Tata Pepe?"

"Opo.  Sila po ni Lola Auring ang mga magulang ng namayapa kong mga magulang. Sila na po ang kumupkop sa akin simula nang—"bumakas ang panlulumo rito, "—pinatay sila ng mga Aswang."

Napahinto ako sa paglalakad; gano'n din naman ito. Naalala ko kasi ang mga Aswang sa Edenus na hindi naman pumapatay ng tao dahil mahigpit itong ipinagbabawal ni Luis sa kanila. Kung pumapatay ng tao ang mga Aswang sa lugar na ito, ang ibig sabihin lamang nito ay teritoryo ito ni ate Marietta.

"Bakit ate Rosing?"

"H-ha? W-wala."

****

Matapos akong ihabilin ni Tata Pepe at ni Intoy kay Nana Auring ay agad ding bumalik sa laot ang maglolo upang magbakasakaling makakahuli pa sila ng mga isda.

"Kung hindi mo mamasamain, hija, eh nasaan ba ang ama ng iyong dinadala? Bakit ikaw mismo ang naglalakbay para humanap ng kumadrona?"

"P-po, ah kasi po, wala—ahm." Ang totoo'y hindi ko napaghandaan ang aking sasabihin kaya hindi ko alam kung paano ko pagtatagni-tagniin ang kuwento ko.

"Huwag mong sabihing iniwanan ka ng ama niyan?"

"P-po? Ah—eh..." bahala na, "p-parang g-ganun na nga po."

My Guardian DevilWhere stories live. Discover now