ice cream (n.)
Keso, ube, at tsokolate ang binili kong sorbetes.
Bawat isang lasa, handog ng isang bilog na kutsara.
Dumating ka, dala ang isang matamis na ngiti--
Mas matamis sa aking sorbetes na nabili.
Tila sa ating dalawa ay may haligi--
Pagkailang, at di alintanang ngiti.
Malamig ang unang tikim ko sa hawak ko,
Pero wala nang mas lalamig pa sa pakikitungo mo.
YOU ARE READING
Breakup Dictionary
PoetryBreakup. (n.) A painful experience. Other words: Separation.