Cheesy

398 14 0
                                    

Cheesy (adj.)

"Hatid na kita," sabi mo. Inakbayan mo ako nang tumayo ako. Nagtatatalon sa tuwa lahat ng kilig hormones ko. Gusto ko na talagang ipagsigawan sa mundo na tayo—oops. Hindi pala. Wala nga palang ganoon. Kaya hindi ka umiimik sa bahay niyo ay dahil ang alam ng pamilya mo, ka-work mo lang ako. 'Yung mabait na ka-work mo. 'Yun ang description mo sa akin. Noon, inaasar nila tayo. Sana tayo na lang raw. Bakit hindi pa raw maging tayo? Bakit nga ba hindi pa? Dahil ba sa kanya? Dahil ba sa issues mo sa buhay? Gusto kong maintindihan kung saan mo ako ihahatid. Sa bahay ba namin o papalayo sa iyo?

Breakup DictionaryWhere stories live. Discover now