Drunk

328 9 0
                                    

Drunk (adj.)

Lately, napansin ko, tuwing lasing ka, may pangalan kang sinasabi kapag lasing na lasing ka na. Mukhang naglalakbay ang diwa mo sa lalim ng tulog mo, at may panaginip kang gustong mapuntahan. May naririnig akong pangalan na palagi mong binubulong. Malabo. Hindi ko maintindihan. Sa tuwing kakausapin kita sa pagsasalita mo, may isasagot ka pero malabo rin. Wala akong maintindihan. Ganito ba talaga ang usapan ng lasing? Malabo. Walang patutunguhan?

Kinabukasan, tinanong kita kung sino 'yung pangalan na binanggit mo. Ang sagot mo, "Hindi ko matandaan. May sinabi ba ako?" Ganoon ba talaga kapag lasing, nakakalimutan lahat ng sinasabi? Nakakalimutan lahat ng ginagawa? 

Breakup DictionaryWhere stories live. Discover now