Drive-through

309 11 0
                                    


Drive-through (n.)

"Drive-through na lang," sabi mo nang tanungin kita kung saan tayo kakain. Kailan pa pwedeng kumain sa drive-through? 'Di ba kaya nga through kasi dadaanan mo lang 'yon? Lalagpasan mo lang. "Paano tayo kakain ro'n?" tanong ko naman. Hindi mo na ako sinagot ulit. Nakadungaw ka lang sa bintana ng taxi na sinasakyan natin. Alam ko namang nagmamadali ka nang umuwi. Alam ko namang ayaw mong may makakita sa atin. Pero pati ba naman oras sa pagkain, titipirin?

Siguro palilipasin ko na lang 'tong galit ko sa drive-through. Lalagpasan. Palilipasin.

܌^7L

Breakup DictionaryWhere stories live. Discover now