Alibi

1.4K 23 0
                                    


Alibi (n.)

Tinanong kita kung pwede kang lumabas. Hindi ka sumagot. Tinanong ulit kita kung may lakad ka bukas. Hindi ka rin sumagot. Hindi na ako nagtanong ulit. Kabisado ko na lahat ng paalam mong iba-iba palagi. Nasaan ka nga noong nakaraang Sabado? May lakad kayo ng nanay mo. Hindi ka rin nagpakita noong nakaraang Linggo dahil magsisimba kayo ng kapatid mo. Kahit holiday, hindi ka na rin pwede dahil kailangan mong gawin ang trabaho mo.

Breakup DictionaryWhere stories live. Discover now