Effort

304 11 0
                                    

Effort (n.)

Matagal naman na tayong magkakilala, batchmates tayo pero never naging magkaklase. Alam kong may girlfriend ka noong Grade 12 tayo. Responsable ka ngang boyfriend dahil alam ng lahat na monthsary niyo kapag may mga sticky notes sa tapat ng classroom niyo. Ang lakas talagang maka-high school tuwing naiisip ko 'to tungkol sa inyo ng una mong girlfriend.

Ngayon, mag-iisang oras nang nasa mesa ko 'yung sticky notes na nakadikit sa Oreo na bigay mo. Iniwan mo lang ito sa guard, pinaabot mo pa sa kanya, kasama ng sticky note kung saan nakasulat na, "Mas matamis pa ang ngiti mo, kaysa sa Oreo na 'to." Nakalagay 'yung pangalan ko, pero hindi nakalagay 'yung pangalan mo. Kinilig ako, oo. Ayaw ko na ngang kainin 'yung bigay mo. Kaya lang, bakit ba hindi mo maisulat 'yung pangalan mo? Nag-effort ka na lang rin naman, sana tinodo mo na.   

Breakup DictionaryWhere stories live. Discover now